Kristina - The Good Mistress - Chapter Three

1190 Words
CHAPTER THREE KRISTINA - THE GOOD MISTRESS ----- SELF CARE PUBLICATIONS, MANILA. "ANO masasabi mo r'on sa narinig natin kanina, Tinay?" Nagpatuloy si Kristina sa paglalakad, alam niya ang ibig sabihin ni Evelyn sa tanong nito sa kaniya — tungkol ito sa usapan ng dalawang babae nakasabay nila. "Mukhang hindi naman lulukohin ng asawa niya 'yon. Imagine ha, ganoon kaganda tapos magloloko pa?" ani pa sa kaniya. Binuksan niya ang pinto ng opisina nila't pinauna niya ito sa pagpasok. "Alam mo huwag na lang natin silang intindihin. Hindi naman talaga minsan naiiwasan nang mag-asawa ang magkaroon ng problema hindi ba?" "Pero hindi ticket iyon para magloko o para rendahan ng babae ang asawa niya." "Alam mo, Evelyn, hayaan na lang natin sila. Hindi rin naman natin sila kilala eh. Malay ba natin sa mga problema at issue nila sa buhay? Hayaan na lang natin. Ang mabuti pa magtrabaho na lang tayo," nakangiti nyang saad dito. Gusto niyang umiwas sa issue ng ibang tao, lalo pa't hindi niya naman kilala ang mga ito. Ewan niya ba, kung bakit ramdam niyang hindi sang-ayon ang isip niya sa sinabi niya kay Evelyn, dahil ang totoo gusto niya rin naman malaman kung ano talaga ang issue na mayroon ang babae at sa asawa nitong hindi nila kilala. "Sayang naman kung magloloko lang siya. Para sa akin naka-jackpot na siya sa lotto, ang ganda-ganda kaya ng asawa niya," bulong niya sa hangin nang makarating na siya sa sariling cubicle nya. Nilingon niya si Evelyn, ganoon din si Mylene na binati lang nilang saglit dahil abala ito sa manuscript nitong malapit na ang ending. Napangiti si Kristina, alam niyang curious talaga si Evelyn sa usapan kanina ng dalawa, kilala niya ang kaibigan matagal niya na itong kasama kaya hindi na nito maitatago ang kuryosidad sa mga mata nito. yy "Work na tayo..." bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kaibigan nya. Tumango naman itong may maluwag na ngiti sa labi nito. ----- LUNETA, MANILA. "CON, HINDI KA PA UUWI? MAUUNA NA AKO, BRO." PAALAM ng kaibigan ni Connor sa kaniya. Halos kanina pa silang dalawa sa Luneta. Kagabi pa nila napagplanuhang magkaibigan ang kumuha ng magagandang subject para sa binabalak niyang buksang exhibit sa susunod na buwan kasama pa ang dalawang kaibigan nyang si Sol at si Abner na kasama niya ngayon. Simple lang naman ang gusto nila— iyong mga bagay lang o taong sumasalamin sa tunay na buhay. Hopefully, na makikita nila ito. Iyon nga lang mukhang tinamad na si Abner at nagpaalam na sa kaniyang mauuna na, napakataas na rin naman kasi ang sikat ng araw. Glutha is life pa naman ang kaibigan niyang ito, kaya hahayaan niya na lang. Magkikita din naman sila mamaya kapag nagkayaang lumabas tulad na lamang nang madalas nilang gawing magkakasama. ILANG minuto na rin ang nakalipas nang umalis si Abner nang mamataan ni Connor ang isang babaeng nag-iisang nakaupo sa bench paharap sa monumento ni Rizal— kung titingnan niya nang mabuti ay para itong nagsasalita ng mag-isa. 'Weird?!' Iyon agad ang tumakbo sa isip ni Connor, mukha namang matino ang babae. Baka may nakalagay lang na head phone sa tenga niya at may kausap lang, aniya. Nagpasyang tumayo si Connor, para dumaan sa harap nito. Iyon na lamang ang pagtataka niya dahil wala man lang kahit na anong wireless earphone na nakasalpak sa teynga nito. Ni hindi man lang siya nito pinagtuunan ng pansin nang dumaan siya sa tabi ng babaeng nakapukaw sa pansin niya. Nagbaba ng tingin si Connor sa camerang hawak niya. Sa palagay niya magandang subject ang babae bukod sa maganda ito, hindi rin nakaligtas sa kaniya ang mga notebook at librong nasa tabi nito. 'Estudyanteng nag-aaral sa gitna ng tirik na araw sa harap ng monumento ni Rizal,' iyon ang temang naisip ni Connor. Hindi naman malayong marami ang makaka-relate n'on lalo na ang mga kabataang nagsusunog ng kilay para lang makapag-aral sa gayon ay makapagtapos. "Uhmmm. Hi.." simula ni Connor sa pagpukaw ng atensyon ng babaeng nasa harap niya. Malalim nga siguro ang iniisip nito habang ang mga mata ay kanina pa nakatuon sa harapan niya— fan siguro ni Jose Rizal. "A-ano po i-iyon?" nagtatakang tanong nito sa kaniya. Tumingin pa ito sa bakanteng upuan sa tabi nito at baka sinisigurado kung siya ba talaga ang sadya nya. "Kanina pa kasi napapansin and you really look great... I mean, magandang subject sa sadya ko sa lugar na 'to," aniya. Nag-aalangan man ako hindi ko ito pinaramdam sa kaniya baka kasi matakot na lang siya bigla o isipin na may masama akong sadya. Tinaas nya ang kamerang hawak niya nang tumahimik ito. "My name is Connor Marasigan, photographer." Pagpapakilala niya kasabay ang paglahad ng kanang kamay nya sa harap ng babae. Tumango-tango naman ito, blangko ang emosyon ng mga mata. "Kristina, Kristina Asuncion," matipid naman nitong tugon sa kaniya. Binawi niya ang kamay niyang hindi man lang nito nagawang bigyan ng pansin para tugunin ang pormal niyang pagpapakilala rito. "Taga-rito ka?" tanong niya. "Hindi. Napadaan lang ako." "Uhm. Pweding umupo? Nakakangalay kasing tumayo," nahihiya niyang tanong dito. Walang salitang umusog ito ng upo para bigyan siya ng espasyo. "Kristina right?" "Oo-" sagot nitong hindi man lang bumaling ng tingin sa kaniya. "Naaabala ba kita?" tanong niya. "H-hindi naman. May iniisip lang kasi ako. Pasensiya ka na." "Napansin ko nga eh, para mo pa ngang kinakausap ang sarili mong mag-isa," hindi niya sinasadyang mabanggit dito. Tsaka niya naalala na baka ma-offend niya ang dalaga. "I mean. Madalas din naman ginagawa ng mga estudyante 'yan. Madalas ko ng nakikita. You're not alone." Natatawang pagbawi ni Connor. Nahuli niya nang tingin ang ngiting sumilay sa labi ni Kristina sa mga sinabi niya rito— hindi niya rin naiwasang mapangiti. "Hindi naman ako estudyante," anito ilang sandali. Kung hindi ito estudyante? Baka may mabigat na dinadala ang babae kaya nagsasalita itong mag-isa na aminado naman ito at hindi man lang nagawang itanggi sa kaniya. "Something wrong? Baka makatulong ako. Alam mo bang sa estranghero maganda maglabas nang saloobin. I will not judge you whatever it is," wika niyang puno nang kuryusidad at sinserong intensyon dito. "W-writer ako... Manunulat ng nobela, kaya siguro hindi ko sinasadyang kausapin ang sarili ko gaya nang nakita mo kasi I'm talking with my characters if I'm in character." Hindi sumagi sa isip niya kaninang writer ang babaeng kausap niya ngayon. Malinaw na sa kaniya ang lahat, wala naman pala itong dinadala gaya nang sumagi sa isip niya nang malamang hindi ito estudyante. He feel amazed. Ito ang unang beses na nakakakilala o may nakausap siyang nobelista— mataas ang tingin niya sa mga manunulat dahil tanda niya ang lola niyang sumakabilang buhay na sa probinsya nila; madalas itong nagbabasa ng mga pocketbooks. "Great! You're the perfect subject, Kristina. Heaven send you here to be my subject," nakangiting sigurado siyang sambit sa harapan nito. Hindi pansin ang pagkunot ng kilay ng dalaga sa walang atubiling sinabi niya rito. Tama siya si Kristina— si Kristina ang perfect subject para sa panibagong exhibit niya. And, he don't want to take no for an answer— by hook or by crook. ITUTULOY. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD