Kristina - The Good Mistress - Chapter six

1007 Words
SAMPALOC, MANILA. ALAS-KWATRO na ng hapon nang makarating si Kristina sa bahay niyang tinutuluyan. Hindi naman siya na-traffic, dumaan na lang siya sa isang kainan na malapit sa kanila kaya na-delay ang uwi niyang dapat ay alas-tres. Sumagi sa isip niya ang lalaking nangangalang Connor. Naisip niya ang mga larawang kuha nito sa kaniya. "Of all people, ako pa talaga ang napili ng lalaking iyon," aniya sa kanyang sarili. Umupo muna siya sa isang mahabang sofa niya sa munti niyang sala at humiga para maunat ang pagod niyang katawan. "Kamusta naman kaya ang mga kuha nya sa akin? Hindi ko man lang kasi inabala ang sarili kong tingnan man lang kahit isa." Wala naman siyang pagsisising nararamdaman sa ngayon. Okay nga iyon para sa kaniya, sa lagay na 'yon hindi sila magkaroon ng matagal pang pag-uusap na dalawa. Hindi naman sa ayaw niya itong makausap. Nag-iiwas lang siya, hindi man siya sigurado sa dahilan niya ay kailangan niyang gawin 'to..Malay ba niya kung may nobya na ang lalaki? O baka naman asawa! 'E ano naman ngayon, Kristina? Nilalandi mo ba siya?' mabilis na kastigo nang sarili niya. Oo nga naman pala! Wala naman siyang ginagawang masama. Nag-alangan pa nga siyang pumayag dito. Kung ano-ano na namang negatibo ang tumatakbo sa isip niya. Nagpasya na siyang tumayo para magpalit ng damit nang namalayan niyang nanlalagkit na siya. Gusto niya rin matulog ng maaga ngayon sa ilang gabing hindi rin siya halos nakatulog. Tapos na halos si Kristina sa lahat ng gagawin niya, nasigurado niya na ring isara ang pinto ng bahay at bintana ng bahay niya. Nagpasya na siyang pumasok sa silid niya para makapagpahinga— ayaw niya na rin kumain, nagdala lang siya ng isang pitsel na tubig sa kwarto at isang biscuit na madalas niyang stock. Umupo lang muna siya sa maliit niyang higaan na kasya lamang ang isang katao, balak niya munang mag-scroll sa friend space at i-update ang mga nakaantabay na readers sa page niya sa bago niyang nobelang pinagkakaabalahan. Natigilan si Kristina nang mapako ang tingin niya sa keyboard ng cellphone niya— parang may nag-uutos sa kaniyang i-search niya ang pangalan ng lalaking nakilala niya kanina. 'No! I don't have too. Ano naman ang gagawin ko kung sakaling makita ko siya?' tanong niya sa sarili. 'May mapapala ba ako?' dugtong niya pa. Pumikit siya nang makita ang sariling tina-type ang pangalan ni Connor Marasigan— agad niya naman itong nakita. Iyon nga lang pribado ang account ng lalaki. 'Mabuti na lang,' sabi niya. Pinundot nya ang delete button sa search bar para matanggal ang pangalan nito. Mabuti na lang din na hindi niya binigay ang kahit na ano'ng social media accounts niya rito. Sabagay wala naman siyang friend space na gamit ang pangalan niya, kahit sa social media pinili niyang itago ang kaniyang pagkakilanlan. She always mind her privacy. Iyon na lang ang mayroon siya at hindi niya hahayaang mapasok ng publiko ang pribadong buhay niya, kahit sabihin pang hindi naman siya sikat talaga. Kahit siguro mabait si Connor, tulad nang sinasabi nito sa kaniya. Hindi niya magagawang ipagkatiwala ang lahat— nahihirapan siya. ~~~ MARFIELD SUBDIVISION, CAINTA. "MABUTI naman at dumating ka pa." Ito ang mga salitang bumungad kay Connor nang pumasok siya sa condominium unit kung saan nila piniling tumira ni Clariz pagkatapos nilang ikasal n'on. "Mabuti nga at umuwi pa ako," pang-aasar niyang tugon sa asawa. Prenteng nakaupo ito sa sofa kaharap ang malaking TV nila na madalas niyang pinagkakaabalahan kapag nasa bahay lang siya. "At dapat pala akong magpasalamat dahil umuwi ka pa! Ang galing mo rin ano! Pagkatapos mo akong babaan ng tawag kanina, ganyan pa isasalubong ko sa akin?!" malakas ang boses nitong saad sa kaniya. "Wala akong balak na makipagtalo sa iyo, Clariz. Pagod ako." Maingat na nilagay niya ang camera na hawak niya sa ibabaw ng dining table nilang pandalawahan. Hindi man lang siya nag-abalang balingan ng tingin si Clariz nang umupo siya. "Bakit? Ano ba ginawa mo? Nagtrabaho ka ba? O baka naman may tina-trabaho ka ngang talaga!" hindi maawat na pasaring ni Clariz sa kaniya. Mabuti na lang nakatalikod siya mula rito. Pero hindi pa rin nakaligtas sa paningin niya ang repleksyon ng asawa sa malaking salamin na nasa harapan niya. "Isipin mo ang gusto mong isipin!" mahina bagkus malinaw na tugon niya rito. Wala siyang balak na magpatalo kay Clariz. Kung gusto nito ng away ay hindi siya mag-aatubiling ibigay ito sa kaniya. Sanay na siya. "Iyan! Ganyan na ganyan ang mga salitaan ng mga taong manloloko!" may diing pagkakasabi ni Clariz. Hindi napigilan ni Connor ang mapatawa sa narinig niya mula rito. Minsan nasosobrahan na rin ang pagiging paranoid ng asawa niya at kung ano-ano na lang ang iniisip nito. "Sa kakapanuod mo ng k-drama iyan, Clariz! If I we're you tatantanan ko na!" nanunuksong natatawang sabi ni Connor sa asawa bago siya tumayo't walang paalam na pumasok sa silid nilang dalawa. Natawa na lamang siya nang marinig ang isang malakas na tunog sa dingding— tiwala siyang remote na naman ang binato nito dahil sa inis sa kaniya. 'Poor Clariz! Nothing has change! Immature at paranoid pa rin hanggang ngayon!' iyon ang natatawang bulong ni Connor sa sarili nang makapasok sa banyo ng silid nilang dalawa. Kahit pala sabihing sanay na siya kay Clariz, nandoon pa rin ang damdaming nakakasakal at nakakapagod para dito. Tulad kasi ng sinabi niya, hindi pa rin nagagawang magbago ng asawa— ganitong-ganito pa rin ito noong mga sandaling magkasintahan pa lang silang dalawa. Hindi niya rin naman masisisi ang sarili dahil nagawa niya pa ring pakasalan ito sa kabila ng lahat. 'Mas lumala pa yata ngayon!' dugtong niya pa. Noon hindi pa nagagawang magsira ng gamit ni Clariz, hanggang sa pasaring lang ito ngayon— nakakarinig na siya ng masasamang salita mula rito and worst naninira na ito ng gamit nilang dalawa na hindi niya magawang pigilan dahil alam niya kung magiging gaano lang kalaki ang away nila. Kaya nga hanggang maaari, lahat na lang nang pag-iwas ginagawa niya; pag-iwas hanggang kaya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD