Kristina - The Good Mistress - Chapter seven

1031 Words
KRISTINA - THE GOOD MISTRESS - CHAPTER SEVEN ~~~~~ NATIONAL LIBRARY, MALATE MANILA. SM, Malate. ILANG national bookstore na ang nilibot ni Connor. Bigo pa rin siyang mahanap ang libro na mayroon si Kristina — ni wala man lang siyang nakitang Kristina na author o kahit katunog man lang. Baka tama ang isa sa cashier na may alyas ang hinahanap niya. Hindi niya man lang kasi pinagkakaabalahang itanong ito sa babae. Paano ba siya magtatanong kung mailap ito magbigay ng kahit na ano'ng impormasyon? Mabilis pa nga ang pag-iwas nito sa kaniya nang nag boluntaryo siyang ihatid ito. "Ano na? Matagal pa ba tayo? Baka maya-maya tumawag na naman ang asawa mo para hanapin ka, Con," untag sa kaniya ng kaibigan niyang si Sol. Ito ang kasama niya ngayon, dahil si Abner ay abala sa ginagawang paglalagay ng frame sa mga larawan ni Kristina na kinunan niya. "Bakit 'di na lang natin ipanawagan sa TV o radyo? Malay mo makatulong iyon," suhestiyon nito sa kaniya. "Kilala mo mag-isip si Clariz. Hindi lang makakatulong, Sol," mabilis niyang sagot dito. "Nagbibiro lang ako! Syempre naman 'no. Hindi naman kita ipapahamak. Alam ko namang mag-isip ang asawa mo, Con. Kahit nga ako pinagseselosan n'on." Natawa siya sa komento nito. Tama si Sol, wala talagang pinapalampas si Clariz. Hindi rin ito marunong tumingin o magtimbang sa kung sino ang pweding pagselosan nito. Kahit si Sol na matagal niya nang kaibigan at kasama niya sa negosyo. "Kidding aside. Bakit ba sobrang interesado ka d'yan sa nakilala mong si Kristina? Ano bang mayroon? Totoo ba ang mga paratang sa iyo ni Clariz?" tanong sa kaniya ni Sol. Umiling-iling siya ng sunod-sunod dito. Ayaw niyang isipin na magiging babae niya si Kristina— dahil kahit kaunting sandali niya lang itong nakilala hindi niya nakikita ang sariling matatawag itong other woman; dahil ang katulad ni Kristina para sa kaniya ay pinapakasalan at hindi kinakasangkapan sa pangangaliwa. "May karapatan siya sa kikitain natin sa exhibit, Sol. Iyon lang ang dahilan." "Pero sabagay may point ka. Atsaka ang ganda niya 'no. Sana talaga makita natin siya. Pero paano? Wala tayong kilalang kahit na sinong writer, Connor." Tila bagong pag-asa ang mga narinig niya mula kay Sol. Pwedi niya gawing paraan ang mga sinabi nitong baka makatulong ang ilang writer sa pagkikilanlan ni Kristina. "Maghahanap tayo ng ibang writer. Here." Tinaas niya ang librong kanina niya pa hawak - Tiger Lady - ang author ng librong - Mariana- The struggle of Legal Wife. "May email na nakalagay dito at contact number sa publishing company na nag-published nito. Baka may ilang impormasyon tayong makuha rito," siguradong saad niya kay Sol. "Kapag talaga gusto maraming paraan 'no? Sigi. Support kita diyan, Connor. Huwag ka lang talaga magpapahuli kay Clariz at alam mo ang mangyayari sa iyo." "Huwag mong alalahanin si Clariz. Kilala ko 'yon." "Kilalang nagger, impulsive at possessive!" komento nitong napailing-iling na lamang tungkol sa pag-uugali ni Clariz na nakasanayan nito. "Babae eh!" "Babae ako... pero ako kagaya ng babaeng pinakasalan mo, Connor. Dahil marunong akong mag-isip ng tama at mali!" anito. "Tama na iyan! Ang mabuti pa bayaran na natin 'to." Isang mahinang hampas sa braso niya ang naging tugon ni Sol sa kaniya. Tumuloy na nga silang dalawa sa counter para bayaran ang librong nagbigay sa kanya ng pag-asang muling makita si Kristina— si Tiger Lady. ~~~ RAZONS RESTAURANT — MALATE, MANILA. KANINA pa naghihintay si Kristina sa kaibigan niyang si Evelyn. Maaga daw ang uwian nito kaya magkikita silang dalawa sa mall para kumain. Si Mylene naman ay hindi makakasama sa kanilang dalawa dahil may nire-revise itong nobela. Hindi raw kasi nagustuhan ni Martin ang open ending na ginawa nito— kaya silang dalawa na lang ni Evelyn ngayon ang magkasamang lalabas. Ayaw niya man sana dahil gusto niyang magpahinga. Naging mapilit lang talaga si Evelyn at ito naman ang taya sa kakainin nila. Binuksan niya ang laptop niyang dala; may free wifi sa kainan na iyon kaya agad pumasok sa notifications niya ang ilang email. Napukaw ang atensyon nya sa isang email na hindi niya inaasahan; mula ito kay Connor Marasigan na may username na @CMarasigan. Napalunok si Kristina. Paano nalaman ng lalaki ang tungkol sa email ni Tiger Lady? Nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago buksan ang nilalaman n'on. [ Hi, Miss Tiger Lady. I'm sorry to disturb you but I have something to ask o nagbabasakali lang talaga ako na kilala nyo ang author na hinahanap kong si Kristina Asuncion. Please. Your reply is highly appreciated. Connor Marasigan— Photographer, Chef. Nakahinga nang maluwag si Kristina nang mabasa ang lahat ng email na iyon mula simula. Hindi naman pala siya nito nahanap ng lalaki o mas tamang sabihing hindi siya ang sadya nito. Natigilan siya nang pumasok sa utak niya ang gustong sabihin ng email na iyon. Hinahanap siya ni Connor? Malinaw na siya ang sadya nito. Ang hindi lang nito alam na siya at si Tiger Lady ay iisa. 'Bakit kailangan akong hanapin ng lalaking iyon? Ano ang sadya niya sa akin?' Iyon ang katanungang sumagi sa isip ni Kristina. Muli niyang binuksan ang email at binura ito. She also chose to block Connor Marasigan hanggang sa friend space ni Tiger Lady ay block niya ito. Kinakabahan na siya sa nagiging kilos nito at sa intensyon nitong hanapin siya. Wala naman silang kailangan sa isa't isa at iyon ang malinaw niyang alam. [ Evelyn! I'm sorry. But I have to go. Tsaka na lang tayo magkita ha. May emergency ako. ] Mabilis niyang sinend kay Evelyn ang message na iyon. Nawalan na sya ng ganang hintayin ito at maglibot pa silang dalawa — ayaw niyang mag-isip ng kung ano tungkol kay Connor na baka nasa paligid lang ito. Hindi malayo dahil malapit lang ang Luneta kung saan una silang nagkitang dalawa n'on. Sabihin nang paranoid siya, ang gusto nya lang ngayon ay umiwas sa kahit na ano'ng pweding mangyari. Wala rin naman siyang nakikitang magandang maidudulot kung sakaling magkrus ulit ang landas nila ni Connor. Hindi niya hahayaang makalapit sa kaniya o makita siyang muli nang lalaking iyon. Iyon ang gustong mangyari ni Kristina— at iyon ang para sa kaniyang tama na gagawin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD