Kristina - The Good Mistress - Chapter eight

1208 Words
LIFE HOMES SUBDIVISION, PASIG. PRENTENG nakaupo sa malambot na sofa si Connor habang binabasa ang romance novel na napili niya kanina sa book store na pinuntahan nila ng kaibigan niyang si Sol. Binasa niya ulit ang pangalan ng writer 'Tiger Lady'. He smiled. Ganito pala talaga kalawak ang imahinasyon ng mga manunulat. Kaya pala nang makita niya sa park si Kristina— iyon na lamang ang pagtataka niya dahil sa pagiging abala ng utak nito. Naalala niya na naman ang babae— he checked his email. Kanina niya pa pinadala ang email na iyon sa nakalagay na account na 'to sa book cover dahil sa pag-asam na baka kilala ng writer na ito ang taong hinahanap niya. Hindi naman magiging malayo kung sakali— pero nandoon lang din na baka imposible nga; hindi lang naman siguro si Kristina ang writer sa bansa at marami rin sigurong publications sa Pilipinas. Pero para sa kaniya wala naman mawawala kung susubukan niya. Aasa na lang siya sa kaunting pag-asang mapansin ng nagmamay-ari ng account na 'to ang sadya niya para dito. He also tried to call the number na naka-indicate sa book cover ng isang publications company na Self Care. Busy tone lang sa ngayon ang natatanggap niyang sagot. Muling binalik ni Connor ang tingin sa libro; nasa chapter one pa lang siya kaya malayo-layo pa ang kailangan niyang basahin. Pinangako niya rin naman sa sarili na tatapusin ito— gusto niyang maka-relate sa mundo na mayroon si Kristina. He don't have any idea kung bakit kailangan niyang gawin iyon, pero ramdam niya ang sayang mayroon siya sa puso niya ngayon. Bago sa kaniya ang ideyang maging isang book lover. Mas lalo siguro siyang gaganahan kapag libro na ni Kristina ang paglalaanan niya ng oras niya. "Kailan ka pa natutong magbasa ng romance novel, Connor?" Napabalikwas ng pagkakahiga si Connor nang marinig ang boses ni Clariz. Hindi niya namalayang nakatayo ito sa may uluhan niya. Kararating lang nito; kung saan man ito nanggagaling wala siyang alam. "Huwag mong sabihin sa aking sa libro na iyan na; d'yan ka kumukuha ng mga idea mo tungkol sa ginanagwa mong kalokohan sa likod ko!" Wala sa sariling napakamot sa ulo si Connor. Maingat na tinupi ang kabanata na kung saan na siya at binalingan ng tingin ang nang-uuyam niyang asawa. "Sabi ko naman sa 'yo, Clariz— itigil mo na nanunuod mo ng Korean drama. Kung ano-ano na lang sumasagi sa isip mo. Ultimo libro na walang malay dinadamay mo!" sarkastiko niyang tugon dito. "Wala akong pakialam sa libro, Connor. Dahil hindi ako tanga para hindi isipin na ang nagsulat ng librong iyan ang babae mo! Sinasabi ko sa 'yo marami akong connections na pweding magpabagsak sa 'yo o sa kung sino mang nilalandi mo!" "Natatakot ako, Clariz! Takot na takot na ako!" natatawang pang-aasar ni Connor sa asawa niya. Tumayo siya't walang paalam na tinalikuran ito. Hahaba lang ang diskusyon nilang dalawa kapag pinatulan niya pa si Clariz. Mukhang naka-charge pa naman ito ng enerhiya para makipag-away kung saan man ito galing ngayon. ~~~~ RIZAL PARK, MANILA. ABALA ang pansin ni Kristina sa Monumento ni Rizal. Hindi niya pa rin lubos na maisip na tapos na ang kabanata ni Cynthia— malaya na ito mula sa imahinasyon niya. Bilib siya kay Cynthia sa pagiging matatag nito at sa disposisyon sa buhay, kahit na ang pasyang iwan si Norman at piliin na lamang ang maging solong ina na bunga ng pagmamahalan nila ng katipan n'on ay hinangaan niya. 'Aba! Syempre. Hindi ko naman hahayaan na sa huli maging talunan at luhaan si Cynthia 'no," komento niya sa sarili bilang nagsulat ng buhay ni Cynthia. 'Kapag ba sa akin dumating iyon, mapapanindigan ko rin kaya?' iyon ang makabuluhang tanong ni Kristina. Napabuntung-hininga na lamang siya sa kung ano man ang iniisip niya. Malayo naman mangyari sa kaniya iyon— heto nga sa edad na bente sais ay wala pa siyang nagiging nobyo. Mataas ang standards ni Kristina; alam niya sa sarili niyang hindi siya ganoon kaganda katulad ng babaeng nakasabay niya n'on sa elevator pero ang pinagmamalaki niya ay ang dangal at respeto niya sa kaniyang sarili bilang babae— dahil hindi lang siya basta babae lang. Nabaling ang tingin niya sa kalangitan. ''Proud kaya kayo sa akin?' malungkot niyang tanong. Sa puso niya alam niya ang tinutukoy niya, walang iba kun 'di ang mga magulang niyang hanggang sa mga sandaling iyon hindi niya pa rin nakikita at nakakasama. Hindi niya nga rin alam kung buhay pa ba ang mga ito o wala na. Gumagawa naman sya ng paraan para muling matagpuan ang mga ito at nang mabuo ang katauhan niya. Sadyang mailap lang talaga ang panahon ngayon— hindi naman siya sumusuko at kailanman hindi niya magagawang sukuan ang dasal niyang mabubuo ulit ang pamilya niya. Piniling tumayo na ni Kristina. Mataas na rin ang sikat ng araw. Gusto niyang umuwi ngayon sa bahay niya. Wala naman siyang gagawing iba sa labas— nandoon pa rin kasi sa puso niya ang pangamba na baka magkita sila ng lalaking iniiwasan niya. BAGO siya tuluyang umuwi dumaan muna siya sa isang fast food chain. Gusto niyang i-treat ang sarili, dahil sa naunsyaming libre sa kaniya ni Evelyn kanina. Hindi rin nag-reply ang kaibigan sa text niya. Babawi na lang sya rito at kapag nakuha niya na ang paunang bayad sa kontrata ng new novel project niya ay ito na lang ang ililibre niya kasama ang kaibigan nilang si Mylene. "Kristina?" Napalingon si Kristina nang marinig niya ang pangalan niyang tinatawag ng isang boses babae. Napakunot-nuo siya nang nakangiti itong lumapit sa gawi niya kung saan siya nakapila para mag-order. "Ikaw nga! Gosh. Ikaw si Kristina hindi ba?" paninigurado pa nito. Sa isip niya, inaalala nya kung kilala niya ba ang babaeng 'to o kahit ang maging pamilyar man lang sa kaniya. "I'm Sol... by the way. Hindi tayo magkakilala." Nahulaan yata ng kaharap ang laman ng isip niya. "Pero kilalang-kilala ko ang lalaking naghahanap sa 'yo, Kristina." "H-ha?" pagtatakang tanong niya. "Si Connor.. Hinahanap ka ni Connor. Yeah. Kaibigan ko si Connor at hindi mapakali ang kaibigan kong 'yon na hindi ka mahanap, Kristina." Isang paglunok ang pinakawalan ni Katrina. Hindi alam ang sasabihin sa babaeng kaharap na nagpakilalang kaibigan ni Connor. Pinagmasdan niya ito, hanggang sa naging abala ang pansin nito sa bag na dala nitong may hinahanap na kung ano. "Wait. I have to call him. Sasabihin ko sa kaniyang nakita kita. Panigurado matutuwa iyon. Baka pumunta pa iyon agad dito." Narinig ni Kristina na wika nito sa kaniya. Agad siyang nakaramdam ng kaba sa puso niya. Kanina lang ay nagdesisyon siyang iiwasan ito kahit na ano'ng mangyari kahit na hindi niya naman alam ang pakay nito talaga sa kaniya. She used to overthink; pero walang masama lalo pa't kapakanan niya lang naman ang nasa isip niya at wala siyang pakialam sa lalaking iyon kahit sino pa ito. Hindi siya nagsayang ng oras— sinamantala niya ang pagiging abala ng babaeng nagpakilalang Sol sa kaniya. Mabilis ang ginawa niyang pagkilos hanggang sa naglakad siya ng mabilis palabas ng kainan na 'yon— walang lingon likod siyang matagumpay na nakalabas para makalayo sa babaeng iyon na ayon dito kaibigan ng pesteng lalaking hinahanap daw siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD