Kristina - The Good Mistress - Chapter Nine

1245 Words
Kristina - The Good Mistress - Chapter Nine • Empty Heart •••• MANILA NORTH CEMETERY. PINILI ni Connor ang mapag-isa sa libingan ng mga magulang nya. Matagal ng patay ang mga ito — oras lang ang naging pagitan ng bawian ang isa sa kanila. Naaksidente ang mga magulang niya noong araw ng engagement nila ni Clariz. Dinala pa sa ICU ang daddy niya, pero binawian din agad ito ng buhay matapos hilingin sa kaniya ang isang bagay na hindi niya magawang saklawan. 'Bakit niyo ako dinala sa sitwasyong 'to, dad?" tanong ni Connor, habang nakatingin sa libingan ng ama niya katabi lang ng mommy Caroline niya. 'You've been unfair to me! Hindi ko na alam kung paano maging masaya ngayon katulad n'ong simple pa lamang ang lahat,' aniya pa. 'Hindi ko na alam kung magiging masaya pa ba ako,' dugtong pa ni Connor. Ilang taon na rin halos ang nakalipas pero para sa kaniya nand'on pa rin ang pait ng kahapon na dulot ng paghihirap ng damdamin niya ngayon. 'Hanggang sa huli kaligayahan niyo pa rin ang iniisip ko at wala akong lakas ng loob para salungatin ang lahat ng gusto niyo. Masakit sa akin, Dad, Mom. Nandito iyong hirap sa loob ko sa bawat araw na nakakasama ko siya,' ani pa. Sa puso niya alam niya ang ibig sabihin ng lahat ng sintemyento sa kaniyang ama. Pero gaya nga ng sinasabi niya ngayon sa sarili niya wala na siyang magagawa pa kun 'di ang tanggapin ang mapait niyang kapalaran dahil sa pagiging masunuring anak sa huling hiling ng mga magulang niya. Ayon sa mga ito n'on— magiging maayos ang buhay niya kapag ginawa niya ang lahat ng gusto ng mga ito. Ang hindi alam ng mga ito ay naging mabigat at isang madilim na panaginip para sa kaniya ang lahat. Kailanman hindi siya naging masaya. Mas lalo pa ngang lumalala ang lahat habang tumatagal. 'I don't want to end this pathetic and stupid life of mine, Dad. Pero sana kahit saglit lang maging masaya naman ako; na sana magawa ko naman ang gusto ko,' nakangiting saad ni Connor sa sarili niya. Gusto nyang intindihin ang lahat — gusto niya man tanggapin ngunit nandoon ang masidhing pagkakadisgusto na kung pwedi lang ay makalaya siya sa sitwasyong mayroon siya ngayon. Dahil hindi siya naging masaya at kahit na ano pa ang mangyari hindi siya magiging masaya. Sumagi sa isip niya si Kristina at ang naging balita sa kaniya ni Sol nagdaang-araw. Nakita raw nito ang babae sa isang fast food chain sa Manila at sa hindi nito maipaliwanag na dahilan ang naging pagmamadali ni Kristina na makalayo. Pagtataka raw ang nararamdaman nya sa naging mabilis nitong kilos. Ang kinasaya ng puso niya ngayon ay ang sinabi nitong maganda nga si Kristina. 'She's pretty naman talaga. Misteryosa nga lang,' natatawang saad ni Connor sa sarili niya. Pansamantala hahayaan niya na muna ang babae. Wala naman siyang magagawa kung ayaw nitong magpakita sa kaniya o baka ayaw lang ibigay ng universe ngayon. Napasinghap si Connor. Nabaling ang tingin niya sa isang musoleyo na kung titingnan ay parang bahay na. Hindi naman bago sa kaniya na may mga tao o pamilya talagang pinili nang tumira sa lugar na 'to. Kaya nga kinuha niya ang serbisyo ng isang ginang para bantayan at linisan ang puntod ng mga magulang niya kapag hindi siya nakakapunta rito. Mabait naman ito at masipag dahil palagi naman malinis ang buong paligid. 'Babalik na lang ulit ako, mom, dad. Huwag kayong mag-alala ako pa rin ang Concon niyo na susundin lahat ng gusto niyo kahit wala na kayo sa tabi ko,' pangako ni Connor sa mga magulang niya. Tumayo na siya at nagpasyang umalis— hindi lang magugustuhan ni Clariz kapag inabutan nitong wala siya sa bahay nila at malakas ang kutob nya na abot hanggang langit na naman ang pagdududa nito sa kaniya. Isang pagsinghap ang pinakawalan ni Connor sa sarili, bago nagpasyang lisanin na ang libingan ng mga magulang niya. ISA pang sulyap ang pinakawalan niya sa halos katabi lang na ayon nga sa kaniya parang isang bahay na. ~~~ MANILA NORTH CEMETERY. "Naku! Mabuti nakadalaw ka rito muli, Tinay. Alam mo bang palagi ka na lang namin iniisip,' masayang bungad ni Aling Siony kay Kristina. Nagpasya kasi siyang dalawin ang mga ito, kalapit lang ito n'on sa musoleo na tinutuluyan niya n'on. "Oo nga po eh. Matagal din akong hindi nakabalik dito, Manang Siony. Naging abala kasi ako sa trabaho," sagot niya rito. Binigyan siya nito ng isang bangkong gawa sa plastik na alam niyang kuha ng mga ito sa pangangalakal. Nag-iisa lang sa buhay si Manang Siony, ito ang nagsilbing pamilya at kaibigan niya sa lugar na 'yon, ito rin ang madalas niyang kasama kapag nalulungkot o natatakot siya lalo na kapag araw ng mga patay. "Ayaw niyo po ba talagang sumama sa akin? Aling Siony, may maayos na po akong bahay na inuupahan. D'on po mas magiging komportable kayo," alok niya rito. Matagal niya na itong kinukumbinse kahit n'ong dalawang buwan pa lang siya sa publications kung saan siya tumagal. Hindi nakaligtas sa paningin ni Kristina ang pagbuntong-hininga nito. "Tingnan niyo po. Sa puntod pa rin kayo natutulog. Hindi ba kayo natatakot na baka sa pagtingin niyo sa kaliwa o kanan niyo patay na iyong katabi niyo," biro ni Kristina dito. Natawa naman ito sa kaniya. Umupo ito sa puntod na matagal na nitong piniling tirhan. "Nandito ang pamilya ko, Kristina. Hindi ko sila pweding iwan," masayang wika nito sa kaniya. Hindi naman lingid kay Kristina na nakalibing nga ang pamilya nito sa sementeryo na ito, malayo nga lang kung nasaan sila ngayon— dahil d'on hindi katulad ng musoleo na tinitirhan nito. Isang sapultorera si Aling Siony sa libingan na 'to, ang bumubuhay sa kaniya kabilang na sa ilang alaga nitong pusa na nasa tabi lang nito. "Pero, Aling Siony. Pamilya mo rin ako hindi ba. Sumama ka na lang kaya sa akin. Pangako naman na, dadalawin natin sila rito. Hindi naman malayo ang lugar ko," pagbabasakali niya. Sinundan nya ng tingin ang tiningnan nito sa katabing musoleo. "Nakikita mo ba iyan, Anak? Natanggap ako diyan para maging tagabantay at tagapag-alaga ng puntod ng pamilya nilang pumanaw na." Napakibit-balikat si Kristina. "Gusto kong tulungan ang batang iyon na alagaan ang puntod ng mga magulang niya. Naaawa ako sa bata, Anak. Nag-iisa na lang siya. Sabay na namatay ang magulang niya. Kawawang Connor!" Napatingin si Kristina kay Aling Siony. Tama ba ang narinig niyang pangalan na binigkas nito? "Kaya pasensiya kana, Anak. Hindi ko pwedi iwan ang lugar na 'to dahil may nangangailangan sa akin... masaya ako na ako ang pinagkakatiwalaan nilang samahan at alagaan ang puntod ng mga mahal nila sa buhay, habang abala silang lumalaban sa buhay!" makabuluhang saad sa kaniya ni Aling Siony. Isa pang sulyap ang pinakawalan ni Kristina sa puntod na tinitingnan nito, kung pagmamasdan niya lang mabuti mukhang hindi lang basta-basta ang pamilyang naiwan ng mga 'to na sinasabi nitong Connor— ang maaaring kapangalan lang ng lalaking kaniyang kinakalimutan. "Gusto mo bang tingnan ang puntod ng mga Marasigan?" Pagkabigla ang nakita sa mga mata ni Kristina nang marinig ang huling sinabi sa kaniya ni Aling Siony. Pamilya Marasigan— ang apelyidong hindi niya pweding kalimutan. Sa isip niya maaaring si Connor nga na nakilala niya at ang Connor na sinasabi nito sa kaniya ay iisa. 'Napakaliit nga ng mundo!' sigaw ng isip ni Kristina kung maaaring posible nga ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD