Kristina - The Good Mistress - Chapter Two

1154 Words
SAMPALOC MANILA MASIGLANG gumising si Kristina, hindi lang dahil natapos niya ang lahat ng dapat niyang tapusin nagdaang gabi kun 'di napanaginipan niya ang alaga niyang asong namatay dahil sa hindi nakilalang naglason dito noong nakatira pa siya sa Tondo. Sa panaginip niya para na itong masaya at natutuwa siya para dito, kahit na masama pa rin ang loob niya sa taong iyon. Pinapasadiyos niya na lang ang nangyaring iyon, naniniwala naman kasi siya na hindi niya man nakita ang may gawa n'on mayroon pa rin sa taas na nakakita at ang aso niya ngayon masaya na itong nagtatakbo, naglalaro, nakikipagkaibigan sa mga aso ding pumanaw na. "Mabuti ka pa malaya na Israel. Ako kaya? Kailan kaya ako lalaya sa mabigat na kalungkutan na mayroon ako sa puso ko." Heto na naman siya, nakaramdam na naman siya ng pag-iisa, nang kalungkutan. "Ang aga-aga, Kristina. Baka pweding mamaya ka na malungkot kapag nakapag-almusal ka na. Ang ganda nang sinasalubong mo sa umaga 'no!" kastigo niya sa kaniyang sarili. Nagpasya siyang bumangon para ihanda ng almusal ang kaniyang sarili; paglabas niya mula sa silid niya bumungad agad sa kaniya ang mataas ng sikat ng araw mula sa bintanang nakalimutan niyang isara nagdaang gabi. "Mabuti na lang walang masamang loob sa lugar na 'to katulad sa tinirhan ko n'on." Huminga siya ng maluwag, nangako na lamang siya sa sarili niyang hindi na muling kakalimutan isara ang dapat na isara niya kapag nasa silid na siya. Naipit lang kasi siya sa traffic kagabi pagkauwi niya, sa palagay niya mas lalo pa siyang maiipit ngayon dahil bukod sa sabado ay akinse pa; araw ng sweldo. Malamang sa malamang ay marami ang gagala para sa family day o sa mga magkakaibigang may lakad o usually ay date ng mag jowa. "Sana all may jowa," natatawa niyang bulong sa sarili niya. Madalas ganito si Kristina, kapag nag-iisa siya ay masaya niyang kinakausap ang sarili at kapag nalulungkot naman siya ay nag-e-emote din siyang mag-isa para ilabas ang hinaing niya sa buhay. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya, pero sa pagkakataong 'to hindi ganoon kabigat ang nararamdaman niya; iba kasi ang saya na binigay sa kaniya nagdaang gabi nang matapos niya ang sinusulat niya— ngayon naghihintay na lamang siya ng reply ng boss niya para sa suggestions or approval nito sa outline niya. "I hope everything goes well. Tiwala naman akong sa kwentong iyon ay mapapalabas ko ang kompyansa ni Cheska bilang isang malakas na babaeng kinawawa ng nobyo niya," aniya. Kumuha siya ng isang tasa at nagtimpla ng kape, sinalinan niya nang mainit na tubig mula sa termos na nasa ibabaw ng mesa niya ang tasang tinimplahan niya ng asukal, kape at crema. Umupo siya pagkatapos magpunas ng labi. "On the contrary hindi dapat ginanun ni Cynthia nang damuhong nobyo nito," kausap niya. Kung bakit ba naman sa dinarami-rami ng sinusulat niya ay nauuwi lagi sa kaniya ang plot nang magkasintahang kinakawawa ang babae. "Sabagay iyon pala ang market sa merkado ngayon. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Hindi ko naman pweding ipaglaban ang gusto ko dahil kapag ginawa ko iyon, hindi na ako si Tiger Lady," aniya. Ngumiti siya nang mabanggit niya ang alyas niya sa pagsusulat— kilalang-kilala siya bilang si Tiger Lady hindi bilang si Kristina. "Kilala ako bilang tigreng babae, pero hindi ko alam kung bakit madalas hindi ko nagagampanan ang maging malakas. Malakas lang ako sa mata ng mga tao, pero kapag nag-iisa na ako para akong kandilang unti-unting nauupos." Pinili niyang ipikit ang mga mata at sa tuwina umusal siya ng panalangin; piniling isumbong ang lahat ng bigat na dinadala niya sa diyos— doon nagiging magaan pagkatapos para sa kaniya ang lahat. Pagkatapos n'on nang maramdaman niyang maayos na siya, nagpasya siyang maligo para makapaghanda sa pagpasok sa trabaho niya. Excited siyang makausap si Boss Martin kahit na buo naman ang tiwala niyang ibibigay na nito sa kaniya ang proyekto. Maghahanda pa sana siya nang ibabaon niya sa trabaho para makatipid siya, iyon nga lang mukhang wala na siyang oras at inaalala niya na naman ang traffic na aabutan niya. Hindi naman kasi siya sanay umangkas para sana mag-book na lang ng angkas, at kung grab naman ay gagastos lang siya nang malaki. Malaking bagay sa kaniya ang mag-commute dahil dose piso lang ang gagastusin niyang pamasahe. Tumayo na si Kristina matapos niyang inumin ang natira sa tasa niya. Buo na ang araw niya para sa kaniya, isang tasang kape ay sapat na para sa dalaga hanggang tanghaling laman na rin iyon ng tiyan niya at mamaya paniguradong kasama niya ang mga kaibigan sa meryenda. "O, kamusta ang ginagawa mo kagabi? Natapos mo ba?" bungad na tanong ni Evelyn sa kaniya nang makasabay niya ito sa elevator papunta sa building kung saan nand'on ang kompanyang pinagtrabahuhan nilang dalawa kasama si Mylene pero mukhang nauna na yata ito. Hindi naman na siya magtataka dahil lagi namang nauuna ang kaibigan niya. "Maayos naman. So far, so good. Hinihintay ko na lang ang formality nang pag-uusap namin para sa kontrata nang nobelang iyon." "Sabi ko naman sa iyo eh. Kayang-kaya mo. Ikaw pa ba?" tiwalang sabi sa kanya ni Evelyn. "I hope so... Salamat ha. Hindi naman magtitiwala sa akin si Sir Martin kung wala rin kayong tiwala sa akin. Napalaki ng ambag niyo sa karera kong 'to and I'm so thankful dahil kayo talaga ang naging kaibigan ko, kayo ni Mylene." Ngumiti sa kaniya si Evelyn. "Thankful din kami sa 'yo, Kristina. Ang laki ng mga tulong mo sa amin, hindi ka naging madamot para i-share sa amin lahat ng alam mo at nalalaman mo pa." "Oo naman. Sino pa ba iyong magtutulungan kun 'di tayo tayo lang. Atsaka bukod sa mga karakter ko sa kwento ko, kayo lang tinuturing kong kaibigan at pamilya 'no." "O tama na iyan! Baka maalala mo na naman ang past mo't malungkot ka na naman diyan, dapat happy lang. Alam mo naman na hindi mo deserve ang maging malungkot sa buhay lalo pa kapag naalala mo ang nakaraan mo," paalala sa kaniya ni Evelyn. Sabay na lamang silang natawa sa isa't isa. Umurong silang dalawa sa likuran nang bumukas ang elevator at may sumakay na dalawang babaeng sa sarili niya hindi maikakatwa kung gaano kaganda ang mga ito, lalo na ang isang nakasuot ng itim na knitted dress abot hanggang tuhod. "Hindi ka ba nagsasawang sundan ang asawa mo kahit saan magpunta ito?" Hindi sinasadyang narinig niyang usapan ng mga ito. Pasimple siyang lumingon kay Evelyn na may hating ngiti sa labi nito. "Ayaw kong malingat sa asawa ko! Alam mo naman ang mga mang-aagaw ngayon para silang snatcher sa Quiapo, malingat ka lang naagaw na. Swerte lang kung may magagawa ka pa, para maibalik sa iyo ang dapat na sa 'yo!" Muli silang nagkatinginan ni Evelyn sa mabilis at malinaw na sagot ng babaeng kanina lang ay pinagmamasdan niya't naibulong sa sarili kung gaano ito kaganda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD