Kristina - The Good Mistress - Chapter One

1040 Words
"Paano ba iyan, Kristina, kailangan na namin mauna at baka maipit kami sa traffic." Paalam ng mga kaibigan ni Kristina sa kaniya sa maghapong pagtratrabaho nila sa isang publications company bilang mga manunulat o kilala bilang mga nobelista na nagtatago sa kaniya-kaniyang mga alyas sa pagsusulat. Inikot niya ang swivel chair niya para lingunin ang mga ito sa sariling mga cubicle nito. "Sure ka bang hindi ka sasabay sa amin?" tanong nang pinakamalapit sa kaniya, ang kaibigan nyang si Mylene. Ngumiti siya rito, "Gustuhin ko man e, may mga kailangan pa akong tapusin. Ang hirap kasi ng plot line na binigay sa akin ni Sir Martin. Ayaw ko naman siyang mabigo, dahil pinagkatiwalaan niya ako sa ganito," sagot niya. Hindi niya halos maikubli ang antok na nararamdaman sa boses niya. Pasado alas-otso na rin naman ng gabi at ang usual na tulog niya pag nasa bahay siya ay alas sais, dahil madalas siyang gumigising ng alas tres ng umaga para magsulat ng nobela niya. "So. Okay lang talaga na mag-isa ka lang dito?" tanong naman sa kaniya ni Evelyn. "I'm fine here." Luminga-linga siya sa paligid, halos wala na ngang tao na nandoon— labing-isa lang naman kasi silang writer na office job at ang iba ay halos nakauwi na rin kanina pa; silang tatlo nga lang ang natirang magkakaibigan. "Sandali na lang naman 'to. Five thousands words lang naman kasi ang kailangan kong isulat at patapos na din ako. Ang mahalaga lang ay bago ko umuwi ma-email ko na kay sir," wika niya pa. "Sigi. Magkita-kita na lang tayo bukas. Gagabihin kasi talaga ako kapag hinintay pa kita, baka maipit ako sa traffic kawawa naman ang anak ko kapag iniwan ng stay out yaya niya." Muling ngumiti si Kristina sa dalawa. Tumango-tango siya sa mga ito tanda nang pagsang-ayon na ayos lang sa kaniyang mauna na ang mga ito. "Kita na lang tayo bukas. I'm fine here. Nandiyan naman si kuya guard sa labas," ani niya pa. Halos ilang taon niya na rin namang ginagawa ang maiwang mag-isa sa opisina. Para nga sa kaniya magandang bagay iyon, dahil sa katahimikan na nakukuha niya sa paligid— mas nakakapag-isip at nakakapagsulat kasi siya. Umalis na nga ang dalawa, matapos magpaalam sa kaniya. Hinatid niya ito ng tanaw, hanggang sa makalabas na ng pinto ang mga ito. Matagal niya nang kaibigan si Evelyn at Mylene, halos magkasabay lang din kasi sila nang pumasok sa kompanyang ito. Idagdag pa ang pare-parehong trip nila kapag nabuburn-out o walang halos maisulat; ang ginagawa nila ay namamasyal silang tatlo at ang paborito nilang puntahan ay ang mga tabing dagat d'on kasi tahimik at hindi niya alam pero para sa kaniya malaking tulong ang payapa o naglalakasang alon kapag nagkakaroon ng pagkakataon na makapag dagat silang magkakasama. Napako ang mga mata ni Kristina sa screen ng laptop niya, bigla na lamang siya na-blangko— chapter 3 pa lang siya at halos dalawang libong salita para lang ang natitipa niya mula nang ibigay sa kaniya ng boss niya ang plot line na kailangan niya raw isulat. Kailangan nya pa ng tatlong libong salita para matingnan nito kung may babaguhin ba o ipagpapatuloy niya na ang nobela. Wala sa sariling mapait siyang ngumiti; parang kailan lang halos ang lahat — mula nang mag-isa siyang namuhay sa Manila North Cemetery. Napalunok siya kasabay ang gumuhit na lungkot sa puso niya sa naalala. "Past mo na iyon Kristina. Hindi mo na dapat pang binabalikan. Kalimutan muna sana ang lahat ng iyon," ani niya sa kaniyang sarili. Madalas niya naman itong pinapalala sa sarili niya, pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit sa tuwing nag-iisa siya naaalala niya ang mapait na karanasan na iyon. Kung tutuusin ay malayo na siya mula sa madilim na bahagi ng buhay niya n'on heto nga at isa siya sa mga top seller sa bansa bilang writer sa mga librong naipapalthala niya sa tulong ng kompanya at ng mga taong nagtitiwala sa kakayahan niya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Kristina. Ganito siya mula n'ong bata pa siya, kapag may pilit siyang kinakalimutang bagay ay bumubuntong-hininga na lamang siya para mabaling sa iba ang atensyon ng isip niya. Minsan nakakatulong, minsan nagpapalala lang din naman ng lungkot niya. But she's strong, marami na siyang napagdaanan, marami na siyang laban na naipanalo. Isang matamis na ngiti ang biglang sumilay sa labi niya nang maalala nya ang minsang naging karanasan niya sa sementeryo kung saan siya lumaki— kaya nga niya siguro nadiskubre ang talento niya sa pagsusulat dahil d'on, dahil bukod sa napakatahimik ng buong paligid ay lagi siyang natatakot na baka may kaluluwang bigla na lamang magpakita sa kaniya kaya ang ginagawa niya madalas ay nag-iimbento na lang siya ng senaryo sa isip niya para malibang at hindi mamalayang umaga na. "Ang layo na ng nilangoy, tinakbuhan, nilakad or nilipad ng kapalaran mo Kristina. Ngayon ka pa ba susuko? Malulungkot? Mawawalan ng gana o matatakot? Sisiw na lang sa iyo ang lahat. Fight! Fight lang." Ngumiti siya't muling tinuon ang mga mata sa screen ng laptop niyang ginagamit at kasabay n'on ay tila may sariling isip ang mga daliri niya at tumalon-talon na lamang sa key board ng gamit niyang panulat. "Yes. Ganyan nga. Laban lang," aniya muli sa kaniyang sarili. Hindi niya halos namalayan na ilang daan na rin ang naisulat niya pagkatapos niyang balikan sa balintanaw ang nakaraang pilit niyang kinakalimutan. Tulad nga ng madalas niyang sabihin sa sarili niya, siya si Kristina— marami na siyang napagdaanan at hindi lang ang mga negatibong bagay sa isip niya ang magpapabagsak sa kaniya o ang magiging dahilan para sumuko siya. Hindi na bago ang sa kaniya ang mag-isa, hindi na bago sa kaniya ang naiiwan palagi— dahil mula pa nang bata siya pinaramdam na ito sa kaniya ng kaniyang sariling pamilya na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya nakikita at nakikilala. "Yes! Yes! We made it Kristina. Ang galing-galing mo talaga, kaya proud na proud ako sa iyo eh. Kaya mong gawin ang lahat! Kaya mong ilaban ang lahat!" Matamis ang ngiting sumilay sa labi niya habang ang mga mata masayang pinagmamasdan ang kwentong pinagkatiwala sa kaniya at malaya niyang sinimulan na may pagtitiwala sa sariling kaya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD