“MISTER Montemayor, it’s so good to see you and Julia here. Thank you for always supporting my charity auctions, Julia” masayang sabi ni Mrs. Yulo nang makalapit ang ginang kina Raiven at Julia.
Bumalik ang presence of mind ni Raiven at parang napasong inalis ang tingin sa babaeng nakatitigan niya. Bumaling siya kay Mrs. Yulo at pilit na ngumiti at gumanti ng pagbati rito.
Nang balingan ni Mrs. Yulo si Julia ay naglakbay na naman ang isip niya sa babaeng nakatitigan niya kanina. Napatiim-bagang si Raiven sa sundot ng konsiyensiya dahil nagawa niyang makipagtitigan sa ibang babae habang nasa tabi niya ang kasintahan.
Not that it was really his intention. Hindi rin niya alam kung ano ang nangyari sa kanya. Pero pagpasok pa lang niya sa pavilion kung saan gaganapin ang auction ay nagtayuan na ang mga balahibo niya sa batok. He sensed something he couldn’t put a finger on. Tila napako siya sa kinatatayuan niya nang mapalingon siya at nagtama ang mga mata nila ng isang di-kilalang babae. A sense of awareness rushed through his body, a sensation he never felt before.
Biglang nabuhay ang dugo niya. Hindi alam ni Raiven kung paanong sa pagtatama lang ng mga mata nila ay nagawang pukawin ng babaeng iyon ang isang pakiramdam na noon lang niya naramdaman. At lalo pa iyong tumindi nang ngitian siya nito, na para bang may sumuntok sa sikmura niya. And when he saw that seductive glint in her eyes, he almost cursed when he felt his body’s reaction. Kahit nang tumalikod na ang babae ay hindi pa rin niya nagawang bawiin ang tingin dito.
Hinagod ni Raiven ng tingin ang kabuuan ng babaeng nakatitigan niya kanina na ngayon ay nakatalikod na sa kanya. Lalong naligalig ang sistema niya nang makitang backless gown ang suot ng babae. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay. He itched to touch her smooth back, her curvy hips and her rounded bottom. Naningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang pag-indayog ng mga balakang ng misteryosang babae habang naglalakad palayo sa kanya. Bigla rin siyang nainis sa lalaking nagmamay-ari ng brasong kinakapitan nito.
Humugot siya nang malalim na hininga. Hindi madaling maakit ng babae si Raiven. Ni hindi siya nakakaramdam ng ganoon dahil lang sa simpleng ngiti at tingin ng isang babae noon. May tiwala siyang kayang-kaya niyang panghawakan ang kontrol niya sa sarili. Yet, he could still feel his semi-arousal kahit pa hindi na siya nakatingin sa babae. Damn!
“Raiven, what’s wrong?”
Napakurap siya nang marinig ang nag-aalalang tinig ni Julia. Humigpit din ang pagkakakapit ng kasintahan niya sa braso ni Raiven. Tiningnan niya ang babae at saka huminga nang malalim. Kailangan na niyang kalimutan ang nangyari sa kanya at ituon ang buong atensiyon kay Julia. After all, she was the woman he planned to marry.
Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi nito. “Nothing’s wrong. Except that I’m hungry,” sabi ni Raiven.
“Then feel free to go to the buffet table, Mister Montemayor. Sasalubungin ko lang ang iba pang mga bagong dating,” masiglang sabi sa kanila ni Mrs. Yulo, saka humakbang palayo sa kanila.
“Are you sure you’re just hungry? Tense na tense ka, ah,” nag-aalala pa ring puna ni Julia. Bahagya pang pinisil ng babae ang braso niya.
Napahugot siya ng malilim na hininga para hamigin ang sarili. “You know I’m not good at events like this, right? Iyon lang iyon. Now, let’s go grab something to eat,” ani Raiven, saka marahang inakay ang kasintahan sa buffet table bago pa ito makapagtanong uli. Mukhang nakuha naman ni Julia na ayaw na niyang pag-usapan pa iyon kaya hindi na nagsalita pa ang dalaga.
MAKALIPAS ang isang oras ay kating-kati nang umalis sa pagtitipong iyon si Raiven. Lalo na nang magsimula na ang auction. Hindi lang dahil naiinip siya kundi dahil hindi niya alam kung gaano katagal pa niya makokontrol ang sarili niya dahil kahit saan siya tumingin ay palagi niyang nakikita ang magandang babaeng nakatitigan niya. Hindi niya alam kung sinasadya ba ng babae na magpakita sa kanya o awtomatiko lang itong hinahanap ng mga mata niya.
Isa lang ang napansin niya. Hindi na kasama ng babae ang lalaking nakaabrisete rito kanina. Sa halip isang grupo ng kalalakihan ang kasama nito tuwing nakikita ni Raiven ang babae. It was obvious that she was flirting. At sa totoo lang ay ayaw na ayaw niya sa mga babaeng gaya nito. Yet, he couldn’t stop himself from staring.
Hindi iyon maganda para sa iniingatan niyang reputasyon. Lalo pa at napakaraming press ang naroon. Hindi makakatulong kung may isa sa press ang makakapansin na sa ibang babae nakasunod ang tingin ni Raiven at hindi sa kasintahan niya na abala sa pag-bid sa mga auction item na ipinepresenta sa stage. Mainit pa naman ang atensiyon ng press sa kanya mula nang pormal siyang ipakilala ng kanyang ama bilang tagapagmana nito. Alam niya na bawat kilos niya ay sinusundan ng press. Hindi niya gusto ang atensiyong ibinibigay ng press pero kailangan niya iyong tiisin para sa kompanya.
Napaderetso siya ng tayo nang mahagip uli ng tingin niya ang babaeng nakatitigan niya. Mag-isa na lang ang babae at may hawak na kopita ng red wine na gaya niya. She looked bored. Napakunot-noo si Raiven. Paano iyon mangyayari kung kanina lang ay nakikipagtawanan ang babae sa mga lalaking naroon? Bumuntong-hininga at tila may tinitingnan ito sa labas. Wala sa loob na napasunod siya ng tingin sa tinitingnan nito. Nakatingin ang babae sa isang bahagi ng pavilion na alam niyang patungo sa isang hardin. Ilang beses nang nakapunta si Raiven sa hotel na iyon kaya halos kabisado na niya ang ilang lugar doon. Nang tingnan uli niya ang babae ay naglalakad na ito patungo sa direksiyon ng hardin. Hindi niya nilubayan ng tingin ang misteryosang babae hanggang sa makalabas ito.
Ilang sandali siyang nanatili sa kinatatayuan at marahang sumimsim sa kopitang hawak niya. Sumulyap siya kay Julia na nakapuwesto malapit sa stage kung saan ginaganap pa rin ang auction. Napamura siya nang hindi siya nakatiis. Kumilos si Raiven at mabilis na naglakad patungo sa direksiyong pinuntahan ng babaeng kanina pa niya tinitingnan.