NAKATALIKOD si Lauradia sa bukana ng hardin. Pumuwesto siya sa bahagyang madilim na bahagi niyon. Huminga siya nang malalim para alisin ang tensiyong kanina pa niya nararamdaman. Pero lalo lang siyang natensiyon nang naramdaman niya ang presensiya ng lalaking pumasok sa hardin at huminto ilang metro ang layo sa kanya. Awtomatikong tumayo ang mga balahibo niya dahil kahit hindi siya lumingon ay alam niya kung sino iyon.
Si Raiven Montemayor, ang kanyang pakay sa pagpunta niya sa pagtitipong iyon. Ang lahat ng galaw at paraang ginagawa niya nang gabing iyon ay para mapalapit siya sa lalaki. Because it would mean being a step closer to the fulfillment of their mission. Iyon na ang hinihintay niyang sandali—ang mapagsolo sila. Hindi na niya kailangan ang tulong ng mga ipinakilala sa kanya ni JM kanina dahil nasa likuran na niya si Raiven.
“Do you plan to be ravished here? Why are you standing here all alone?” tanong ni Raiven.
Malalim at malamig ang boses nito; lalaking-lalaki. She closed her eyes when she felt the heat running down her spine because of his voice. Pero agad ding dumilat si Lauradia para ipaalala sa sariling kailangan na niyang paganahin ang isip niya. Huminga siya nang malalim, saka nilingon si Raiven. Ang intensiyon niya ay magkunwaring nagulat sa biglang pagsulpot ng lalaki. Pero nahigit niya ang kanyang hininga nang makita niyang nakatayo roon si Raiven habang naliliwanagan ang kalahati ng mukha nito ng ilaw na nanggagaling sa loob ng pavilion. He was more intimidating now that he was just meters away from her. He was sinfully gorgeous it took her breath away.
“Hindi ka ba natatakot sa konsikwensiya ng pagpunta mo rito nang nag-iisa?” kalmadong tanong ni Raiven, saka naglakad palapit sa kanya.
Magtrabaho ka na, Lauradia! paasik na paalala niya sa sarili. Lumunok siya at ngumiti. “And who will r****h me? You?” pabirong sabi niya na may halong pang-aakit.
Huminto ang lalaki nang ilang pulgada sa harap niya at pinakatitigan nang husto ang mukha niya. “No. Pero malamang isa sa mga lalaking kausap mo kanina. In fact, bago pa ako makarating dito ay may ilang lalaki na ang halos palapit na rito. They just backed off when they saw me.”
Umangat ang isang kilay ni Lauradia. “No? Why are you staring at me the whole night then?” prangkang tanong niya. Hindi nakapagsalita si Raiven. Lumawak ang ngiti niya at humakbang palapit dito para lalo silang magkalapit. “Bakit? Akala mo ba hindi ko napapansin ang pagsunod mo ng tingin sa akin?” aniya sa mas mababang tinig.
Sa kabila ng dilim ay nakita niyang nag-iba ang ekspresyon sa mga mata ng binata. “That’s because you were making me notice you,” mariin at tila galit na sabi nito.
Totoo ang sinabi ni Raiven pero siyempre ay hindi niya aaminin iyon. Ikiniling ni Lauradia ang kanyang ulo at pinagkrus ang mga braso sa ilalim ng dibdib niya. Nakita niyang pasimpleng bumaba ang tingin roon ng binata. Nagdulot iyon ng kakaibang init sa bawat himaymay ng katawan niya.
Lalong lumuwang ang ngiti ni Lauradia nang magtama ang mga mata nila ni Raiven. “But obviously you were tempted. Dahil kung hindi, wala ka sana rito,” aniya at humakbang uli palapit dito. Ilang puldaga na lang ang pagitan nila at halos nadarama na niya ang init na nanggagaling sa lalaki.
Napagtanto niyang doble ng katawan niya ang katawan ng binata. Hanggang balikat lang siya ni Raiven kahit pa nakasuot siya ng high heels. Naamoy ni Lauradia ang pabango nito—masculine pero hindi masakit sa ilong, suwabe at masarap singhutin. Napatingin siya sa makurbang mga labi ng binata at tila may mga paruparong nagliparan sa sikmura niya. Mula nang ampunin siya ni Miss Red Butterfly ay sinanay siya nitong makisalamuha sa nagguguwapuhang lalaki. Pero iyon ang unang beses na natukso siyang halikan ang isang lalaki.
Ikinuyom ni Lauradia ang kanyang mga kamay sa labis na pagpipigil sa sarili. Ibinalik niya ang tingin sa mga mata ni Raiven. She could see the desire in his eyes. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa labis na saya.
“Who are you?” kapagkuwan ay tanong ni Raiven.
Natawa siya. “How very polite of you to ask my name. Kung ibang lalaki ka, malamang na `yan ang huling maiisip nilang itanong sa `kin,” ani Lauradia.
“Hindi ako ganoong lalaki,” matigas na sagot ng binata.
Kinagat niya ang kanyang ibabang labi para pigilang matawa sa pagkalukot ng mukha nito. Tama si JM nang sabihin nitong masyadong seryoso si Raiven. Sigurado siyang hindi ito ang tipo ng lalaking basta na lang magpapadala sa pang-aakit ng isang babae. Hindi nakapagpigil si Lauradia. Inangat niya ang isang kamay at hinaplos ang kurbata ni Raiven habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mga mata nito. “Alam ko. Alam ko na hindi ikaw ang tipo ng lalaking susunod sa isang babae sa madilim na hardin. Alam ko rin na ikaw ang klase ng taong sumusunod sa bawat sinasabi sa kanya at ginagawa ang kung ano’ng inaasahan ng mga tao sa paligid niyang gagawin niya,” aniya rito. Tumiim ang mga bagang ni Raiven pero hindi nagsalita.
Ipinagpatuloy ni Lauradia ang paghaplos sa binata paakyat sa collarbone nito, sa leeg, at patungo sa batok nito. Bahagya pa siyang lumapit habang hinahaplos ang buhok ng lalaki. Malambot iyon at napakasarap hawakan. “I also know that you’re the type of person who doesn’t go out of his comfort zone, who goes with the flow of his life because you think that’s how it works,” dugtong pa niya. Huminto siya sa pagsasalita at inilapit ang mga labi niya sa mukha nito. Hindi kumilos si Raiven at tinitigan lang siya.
“Kontento ka ba sa ganyan? Aren’t you bored?” tanong ni Lauradia.
May kakaibang kislap na dumaan sa mga mata ni Raiven. Bahagyang kumirot ang puso niya na hindi niya maintindihan. Suddenly he looked lost. Hindi niya iyon inaasahan. Ang akala niya ay magagalit ang binata sa mga sinabi niya. At gaya ng ibang lalaking iniinsulto niya ay gagawa ng paraan si Raiven para tawirin ang pagitan ng mga mukha nila. At mas hindi inaasahan ni Lauradia ang epekto sa kanya ng ekspresyon sa mukha nito. She felt protective.
Kahit hindi kasama sa paraan ng pang-aakit niya ay hindi niya napigilan ang sariling haplusin ang pisngi ng binata, hindi para akitin kundi para i-comfort ito. Umangat ang isang kamay ni Raiven at hinawakan ang kamay ni Lauradia na nasa pisngi nito. Mas malaki nang di-hamak ang kamay ng lalaki kaysa sa kanya, mas mainit. Bahagyang pinisil nito ang kamay niya.
“Who are you?” ulit ni Raiven sa tanong nito kanina.
Sasagutin na sana ni Lauradia ang tanong ng binata nang makarinig sila ng taong papunta sa hardin. Mabilis na hinila siya ni Raiven sa dulo ng hardin kung saan siguradong walang makakakita sa kanila. Bumilis ang t***k ng puso niya nang magdikit ang mga katawan nila.
“Raiven?” anang malamyos na tinig ng isang babae. Naramdaman niyang na-tense si Raiven. Bahagya siyang sumilip. Nakita niya si Julia na palinga-linga. “Weird, someone told me he’s here,” kausap pa ng babae sa sarili. Pagkatapos ay naglakad uli ito pabalik sa pavilion.
Napasinghap si Lauradia nang bitiwan siya ni Raiven at lumayo sa kanya. Muntik na siyang matumba. Nang tingnan niya ang binata ay madilim na madilim ang mukha nito sa galit.
“Don’t come near me, again,” mahina pero mariing sabi nito. Bago pa siya makahuma ay tumalikod na ang lalaki. Napakurap siya at mabilis na sumunod dito.
“Raiven,” tawag ni Lauradia rito. Huminto ito at nilingon siya.
“Don’t call me—”
Hindi niya pinatapos ang sasabihin ng binata. Mabilis siyang tumiyad at inilapat ang mga labi niya sa mga labi nito. When she tasted his soft and hot lips, she felt a lump form in her throat. Nag-init ang mga mata niya na para bang nais niyang maiyak. Bagay na nakakagulat dahil mula nang mamatay ang mga magulang niya ay hindi na uli siya umiyak. Nang ilayo niya nang ilang pulgada ang mukha niya kay Raiven para tingnan ito ay nakita niyang nanlalaki ang mga mata ng binata sa pagkabigla at kalituhan.
“My name is Lauradia,” bulong niya, saka hinalikan uli ito sa huling pagkakataon, bago tuluyang lumayo rito at nagpatiuna na sa paglalakad.
Alam niyang magagalit si Czarina at madidismaya si Miss Red Butterfly kapag nalaman ng dalawa na ginamit niya ang tunay niyang pangalan para makipagkilala sa target niya. Ibang pangalan kasi ang ibinibigay niya kapag nasa trabaho siya. Pero hindi niya napigilan ang sarili. Siguro dahil gusto niyang sabihin sa sarili na sa kabila ng mga kasinungalingang sasabihin pa lang niya sa mga sumusunod na araw ay may nasabi siyang totoo kay Raiven.