Card‼️

2260 Words
MABILIS NA PINULOT ni Eve ang napakaraming pera na nagsambulat sa kanyang paanan. Muli din niyang isinilid ang mga ito sa kulay puting sobre na lagayan nito. Nakarating na rin siya sa ibaba at bumukas na rin ang elevator door. Tumindig si Eve, at inilagay muna ni niya ang pera sa loob ng kanyang bulsa, bago niya itinulak ang Food trolley na dala niya. Napakalakas din ng kaba ng kanyang dibdib at tila merong nag-uunahan na mga kabayo sa kanyang dibdib sa lakas ng kabog nito. Pagkalagay ni Eve sa corner ang food trolley ay mabilis naman siyang humarap sa may stove. Kailangan maluto niya ng maayos ang beef steak na order ng kanilang VIP Costumer at madala agad ito sa VIP Room. Pina-init muna niya ang frying pan sa medium heat at nilagyan niya ng butter ang kawali. Kinuha din niya ang dried Rosemary at Dill, saka siya naglagay sa loob ng frying pan. Nang lumabas na ang fragrance ng mga herbs ay saka pa lang niya inilagay ang beef ribeye sa loob ng pan. Bigla din siyang nagutom, matapos niyang maamoy ang bango ng kanyang niluluto. Tumunog din ng malakas ang kanyang tiyan, dahil sa gutom. Hindi pa kasi siya kumakain mag mula kaninang tanghalian. Wala na kasi siyang oras na pumunta sa labas ng Campus, upang doon kumain. Mahal kasi ang mga pagkain sa kanilang Canteen, kaya sa Carenderia sa labas siya madalas kumain. Buti sa labas, dahil busog na busog na siya sa halagang 100 pesos. Sa Canteen naman ay kulang ang 100 niya doon, para mabusog. Napalingon din si Eve, dahil nag-alala siya na baka may nakarinig sa pagtunog ng kanyang tiyan. Baka tawanan lang siya ng mga kasama niya, kapag narinig nila ang malakas na tunog na yun na mula sa kanyang gutom na tiyan at kantiwan na naman siya ng mga ito. Mabilis na inayos ni Eve, ang beef steak sa malaking plato. Nilagyan din niya ito ng creamy mash potato and broccoli sa side at ilang pirasong asparagus. Agad din na dinala ni Eve ang steak sa VIP Room, upang ibigay sa kanilang VIP Guest na ayaw makita ang mukha. Muling kumatok si Eve sa pinto ng VIP Room, upang makapasok siya at ibigay ang order nila sa loob. Naghintay muna siya ng ilang sandali, bago may nagbukas ng pinto. "Kuya, ibibigay ko lang itong order ng Boss mo." Alanganin na saad ni Eve sa lalaking nagbukas ng pinto at sumilip sa kanya sa labas. Kinakabahan talaga siya sa mga Bodyguard ng Costumer nila, dahil mukha itong k!llèr sa paningin niya. Alam din ni Eve na meron itong baril na nakatago sa suot nitong jacket, kaya nakasara lagi ang zipper ng suot nito. "Akin na! Hindi kana p'weding pumasok sa loob. Tapos na ang serbisyo mo kay Lord. Umuwi kana at magpahinga." wika ng lalaking kausap ni Eve. Bahagya din nitong binuksan ang pinto at kinuha ang dala ni Eve na malaking plato. Pinagmasdan din ng lalaki ang laman ng plato, bago muling tumingin sa dalaga. "Sigurado kabang ikaw ang nagluto nito?" tanong sa kanya ng lalaki, matapos nitong pasadahan ng tingin ang nasa plato. "Oo, ako nga ang nagluto. Sana magustuhan ng Boss mo yang luto ko." sagot ni Eve sa lalaki. Kinuha din niya ang sobre sa loob ng kanyang bulsa at muling inabot sa lalaki. "Siya nga pala kuya, paki balik naman itong pera sa Boss mo. Hindi ko talaga matatanggap ito." aniya, ngunit mabilis na isinara ng lalaki ang pinto. "Kuya, kuya!" pagtawag pa ni Eve, sa lalaki habang kinakatok nito ang pintuan. "Evelyn Garcia! Bumalik kana sa kusina at kumain. Pagkatapos ay umuwi kana. Tapos na ang trabaho mo ngayong gabi." biglang napatigil si Eve, sa ginagawang pagkatok sa pinto at pagtawag sa lalaki, dahil sa kanyang Manager na bigla na lang sumulpot sa gilid niya. Nagulat pa si Eve, dahil hindi niya akalain na nakasunod sa kanya ang Manager. "Sir Benjie, totoo bang p'wede na akong umuwi?" nanlalaki ang kanyang mga mata na tanong niya sa lalaking kaharap. "Hindi ka naman siguro bingi upang hindi mo marinig ang sinabi ko 'no! Pero makakauwi ka lamang, kapag kakainin mo lahat ang mga nakahain para sayo sa kusina. Sige na, bumaba kana doon at kumain." tugon ng Manager sa dalaga. "Sige sir, mauna na ako. Kailangan ko rin kasi mag-review, para sa exam namin." paalam ni Eve, sa lalaki. Agad din niyang pinindot ang button ng elevator, upang magbukas ito. Pagdating ni Eve sa kusina ay nadatnan nga niyang meron pagkain na nakahanda para sa kanya doon. Nagtaka din siya dahil ngayon lang mangyari ang ganito sa buhay niya, mula noong nagtrabaho siya sa Dynasty Cuisine. Tinanggal muna ni eve, ang suot niyang apron, bago siya umupo. Agad din siyang nagsandok ng pagkain at tahimik siyang kumain. Gutom na gutom na rin siya, kaya wala na siyang pakialam kung may makakita sa kanya habang sunod-sunod ang kanyang pagsubo. Kanina pa nag-aaway ang mga alaga niya sa tiyan, ngunit wala siyang oras para kumain. Kaya ngayon ay sisiguruhin niyang mabubusog siya ng husto, pati na rin ang kanyang mga alaga. "Magdahan-dahan ka naman, 'kala mo naman hinahabol ka ng mga hapon dyan. Tapos na ang world war 2, kaya wala kanang dapat ikatakot na baka may lumusob sayo dito at hindi ka makakain ng maayos." Biglang napabuga si Eve, dahil sa baritong boses na nagmumula sa kanyang likuran. Agad din siyang uminom ng tubig, dahil nasamid na rin siya dahil sa pagkabigla. Matapos niyang uminom ay saka pa lang siya lumingon sa kanyang likuran, upang alamin kung sino ang nagsalita. Ngunit ang ipinagtaka niya ay wala naman tao sa kanyang likuran. Iginala din niya ang kanyang paningin, upang hanapin ang lalaking nagsalita kanina lang. Ngunit wala siyang nakita na ibang tao sa kanyang kinaroroonan. Tiningnan din niya sa may lutuan, ngunit mga abalang mga nagluluto lamang ang tao doon. Nagtaka si Eve, kung saan nanggaling ang boses na narinig niya kanina. Hindi rin siya maaring magkamali, dahil alam niyang nasa likod niya ang lalaking yun na nagsalita. Dahil walang tao na makita si Eve, ay muli niyang ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. Ang soup naman ang isinunod niyang hinigop at inubos na rin ang laman ng kanyang plato. Hindi rin naubos ni Eve ang mga pagkain, dahil marami ang hinain para sa kanya. Matapos niyang mailigpit ang kanyang kinainan ay kinuha na niya ang kanyang mga gamit. Inilagay na rin niya sa loob ng kanyang bag ang sobre na may laman na maraming pera. Naisip niyang kunin na lang ito, dahil mukhang ayaw ng tanggapin ng may-ari nito, kahit ibalik pa niya. Nagpaalam muna si Eve, sa kanyang kaibigan na si Haide, bago siya umalis ng Restaurant. "Haide, mauna na ako sa'yo. Pinapauwi na kasi ako ni sir Benjie, tapos na daw ang trabaho ko ngayong gabi." paalam niya sa kaibigan. "Huh! Himala friend. May lagnat ba si sir, bakit bigla kana lang niyang pauuwiin ngayon? Napakarami pa nating costumer ngayon, pero pinapauwi kana. Sana all!" tugon ni Haide. Hindi rin siya makapaniwalang papauwiin ng kanilang Manager si Eve nang maaga. Dati ay lagi niya itong pinapauwi ng late, dahil lagi din late dumating sa Restaurant ang dalaga. "Yun ang sabi niya sa akin. Pabor din sa akin ang umuwing maaga, dahil kailangan ko pang mag-review. Malapit na kasi ang exam namin, kaya kailangang makapag review ako ng mabuti." sagot ni Eve sa kaibigan. "Sige na, umalis kana. Baka magbago pa ang isip ng manager natin na parang babaeng may regla, kapag sinumpong ng kasungitan. Parang nag-aalangan na nga ako kay sir Benjie, baka kasi totoo na ang kutob kong..." hindi maituloy ni Haide ang sasabihin, dahil nag-aalala siyang baka may makarinig sa kanya. "Kutob mong ano?" pag-usisa naman ni Eve, sa kaibigan. Bigla din siyang naging intersado sa sasabihin ni Haide sa kanya. "May kutob akong kulay berde ang dugo ni sir Benjie, kaya magaling manermon sa atin at laging may sumpong." pabulong na wika ni Haide sa dalaga. Humagikhik din siya na tila tuwang-tuwa sa tinuran. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Eve, matapos niyang marinig ang sinabi ng kaibigan. Hindi rin siya makapaniwala sa sinabi nito, ngunit parang totoo naman ang chismis ni Haide sa kanya. "Totoo ba 'yang sinasabi mo?" tanong ni Eve, sabay takip sa kanyang labi. "Hindi ko pa sigurado. Pero malakas talaga ang kutob ko, na berde si sir." pag-ulit ni Haide sa kanyang sinabi. Tumawa naman si Eve, dahil sa sinabi ng kaibigan. Kilala na rin niya ang kapilyahan ni Haide, kaya hinayaan na lang niya ito sa mga sinasabi nito. "Oo na, mauna na ako, para makapag-review pa ako. Kita na lang tayo ulit bukas ng gabi." paalam niya sa kaibigan. Nakipag beso-beso pa siya bago tuloyang lumabas ng Restaurant. "Ang tagal mong lumabas, Evelyn Garcia. Halika na at ihahatid na kita sa bahay mo!" Muling nagulat si Eve, dahil nasa labas na naman ang kanyang Manager at hinihintay siya. May plano pa itong ihatid siya sa kanilang bahay. Nagtaka din si Eve, dahil iniisip niyang baka nilalagnat na ang lalaking masungit. "Naku sir Benjie, nakakahiya naman po. Kaya ko naman po'ng umuwing mag-isa sa amin." pagtanggi ni Eve sa lalaki. Bigla siyang nahiya sa kanyang Manager, dahil sa sinabi nitong ihahatid siya nito sa bahay na inuupahan nila ng kanyang Papa. Maliit lang kasi ito at hindi rin halos nalilinis, dahil abala siya sa kanyang pag-aaral at trabaho. Kahit sa paglalaba ay natatambakan siya, dahil sa lingo lamang ang kanyang bakanting araw. "Hindi pwede! Kailangang ihatid kita sa bahay mo at siguraduhing maayos kang makakauwi. Ayaw kong mawalan ng trabaho ng dahil sa'yo!" masungit na wika ng lalaki. Hinawakan din nito ang maliit na braso ni Eve, saka ito hinila patungo sa kanyang kotse. Sapilitan na isinakay ni sir Benjie ang dalaga sa kotse nito at agad din silang umalis sa lugar. Puno naman ng pagtataka si Eve, dahil sa ikinikilos ng kanyang Manager. Hindi rin siya takot sa lalaki, dahil iniisip niyang tama ang sinabi sa kanya ni Haide na kulay berde nga ang dugo nito. "Saan kaba nakatira?" tanong sa kanya ng lalaki, habang papalayo na sila sa parking lot ng Restaurant. "San Andres, sir." Maikling sagot ni Eve. Hindi naman umimik si Benjie at nag focus na lang siya sa pagmamaneho, hanggang makarating sila sa mismong tapat ng bahay nila Eve. Mabilis din na bumaba si Benjie at pinagbuksan ng pinto ang dalaga. "Salamat sa paghatid, sir Benjie." nahihiyang saad niya sa lalaki. "Walang anuman yun. Sige na, pumasok kana sa loob at huwag kanang lumabas pa." tugon ni Benjie sa dalaga. Tumango na lang si Eve at binuksan ang maliit nilang Gate. Tuningnan din niya ang bintana ng kanilang bahay, ngunit wala man lang siyang maaninag na ilaw mula sa loob. Alam niyang hindi na naman umuwi ang kanyang ama. Baka nasa sugalan na naman ito ngayon o di kaya'y nasa inuman. "Eve, kunin mo pala ito. Ipinagbalot kita ng pagkain, para may kainin ka, habang nagrereview ka. Mahirap magutom habang nagrereview, baka walang pumasok sa utak mo dahil ang gutom mo ang mas mangingibabaw sa ulo mo." Muling napalingon si Eve, dahil sa sinabi ni Benjie. Nagtataka na rin siya dahil biglang-bigla na lang itong bumait sa kanya ang lalaki. Dati naman ay napaka sungit nito at laging nakabulyaw sa kanya at sa mga kasamahan niya. Bakit ngayon ay bigla nalang bumait ito sa kanya. Hinatid na nga siya ay binigyan pa siya ng take-home. "Naku sir, nakakahiya naman sayo. Baka po ibawas pa yan sa sasahurin mo sa Restaurant sir. Hindi kana lang sana nag-abala pa. May kape naman ako sa bahay at sapat na yun sa akin, para tumagal sa pag-aaral at may matutunan." mabilis na sagot ni Eve. Nahihiya na talaga siya sa kanyang Manager. "Ako na ang bahala doon. Basta kunin mo na ito at pumasok kana sa loob ng bahay niyo." sagot ng lalaki sa kanya at kinuha pa ang kanyang kamay at ipinahawak sa kamay niya ang handle ng paper bag na pinaglagyan ng pagkain. "Salamat, sir Benjie. Goodnight sir." aniya, bago tuloyang pumasok sa loob ng gate. Agad din niyang kinuha ang kanyang susi sa bahay at binuksan niya ito. Muli pa siyang lumingon sa kanyang Manager at kumaway siya rito. "Thank you sir." wika niya, bago tuloyang pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ni Eve sa loob ng maliit nilang inuupahang bahay ay ipinatong niya ang dala niyang paper bag sa ibabaw ng maliit nilang table at tiningnan kung ano ang laman nito. Ang unang bumungad sa kanyang paningin ay ang tatlong pulang rosas na nasa loob ng paper bag. May mga mamahaling chocolate pa itong laman at dessert na nakalagay sa napaka gandang lagayan. May isang tab din sa pinaka ilalim na may laman na beef stew at fried chicken. Ang buong akala niya kanina ay ulam lang ang bigay sa kanya ni sir Benjie, ngunit kompleto pala. May nakita pa siyang maliit na Card sa loob kaya kinuha niya ito at binasa. "To the most beautiful woman I ever knew. Take care always my love. A.G." Nagulat si Eve, dahil sa nakalagay sa Card. Alam niyang hindi ito ang sulat-kamay ng kanyang Manager. At may nakalagay din na A. G. sa ibaba. Napakalayo naman ng initial na yun sa pangalan ng manager niyang si Mr. Benjie Cube. "Sino kaya si A. G.!?" nagtatakang tanong ni Eve sa kanyang sarili. Naging palaisipan tuloy sa kanya ang nilalaman ng Card na yun. Parang bigla din siyang naguluhan sa kanyang buhay, dahil sa Card na hawak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD