Waitress‼️

2305 Words
PATAKBONG tumawid ng kalsada si Eve, dahil dalawang minuto na lang ay late na naman siya sa kanyang trabaho. May tinapos kasi silang project sa University, kaya nahuli na naman siya. Kinabahan din si Eve, dahil sigurado siyang masesermonan na naman siya ng kanyang Manager. Lagi kasi siyang nahuhuli sa kanyang pagpasok, kaya binigyan na siya ng warning ng Manager nila sa Dynasty Cuisine na kanyang pinapasukan. Malakas na bosina ng isang kotse ang biglang maririnig sa kalsada. Dahil sa biglang pagtawid ng dalaga sa kalsada. Agad naman naka-preno ang Driver ng kotse at napamura pa siya dahil muntik na siyang makasagasa ng babae. Hindi naman ito pinansin ni Eve at nagpatuloy lang siya sa pagtakbo, hanggang makarating siya sa kabilang bahagi ng kalsada. Hindi rin niya nilingon ang kotse na muntik ng makasagasa sa kanya. Ang tanging nasa isipan ni Eve, ay ang kanyang Manager na naghihintay sa kanya, habang umuusok ang bumbonan nito dahil sa galit sa kanya. "Eve, mabuti't dumating kana. Deretso kana sa kusina at magsuot ng apron mo. Ikaw daw ang magse-serve sa VIP Room ngayon. Punasan mo rin yang pawis mo, baka tumulo pa yan sa mga soup na dadalhin mo sa loob." bungad sa kanya ng kasamahan niya sa Restaurant na si Haide. Naging matalik na magkaibigan silang dalawa magmula nang magtrabaho si Eve, sa Chinese Restaurant na pinapasukan. Si Haide rin ang laging nagtatakip sa kanya, kapag late na siyang dumating sa Restaurant. "Bakit ako pa? Ikaw na lang sana!" sagot ni Eve, sa kaibigan, habang pinupunasan niya ang pawis sa kanyang noo at leeg. Pinagpawisan siya kanina, dahil sa kanyang pagtakbo ng mabilis. "Yun ang bilin ni Sir Benjie. Ikaw lang daw ang p'weding pumasok sa loob ng VIP Room at mag-serve para sa mga VIP Guest natin." tugon ni Haide. "Bilin din pala ni Sir Benjie, na bawal kang tumingin sa mukha ng mga tao sa loob. Ayaw na ayaw daw kasi ng Chinese na yun na may tumitingin sa kanya at sa mga kasama niya." bilin pa ni Haide, sa kaibigan. Nagkibit balikat lang ang dalaga, dahil hindi rin niya alam kung ano ang trip ng VIP na bisita nila. "Pangit ba yun? Bakit ayaw niyang may tumingin sa kanya. Kasi kung maganda naman ang mukha o guwapo, tiyak na hindi siya magagalit na may titingin sa kanya." nagtatakang tanong ni Eve, sa kaibigan. Napapakunot noo din siya, dahil sa iniisip na mukha ng VIP Guest nila. "Ay, aba'y malay ko! Hindi ko pa nakikita ang Chinese na yun, kahit minsan. Kaya hindi ko alam kung guwapo ba o pangit ba siya. Baka nga matandang malaki ang tiyan yun, at panot na may luga sa tainga. Ay, ewan!" sagot ni Haide. Mabilis din siyang lumayo kay Eve, dahil may bagong Costumer na naman ang dumating sa kanilang Restaurant. Sinalubong ito ng dalaga at pinaupo sa bakanteng lamesa. "Panot na matanda at malaki ang tiyan. May luga din sa tainga? Huh! Pa'nong naging VIP yun?" naguguluhan na tanong ni Eve sa kanyang sarili, habang kinakamot ang ulo. "Hoy, Eve, kumilos kana dyan! Paakyat na sa VIP Room #1 ang mga Guest natin." malakas na sigaw ni Sir Benjie kay Eve. Naka hawak pa ng Tablet ang Manager, at nag scroll siya sa screen. Hightech kasi ang kanilang Restaurant. May mga nakalagay na QR Code sa bawat table at e-scan lang ito ng Costumer para makita nila ang mga Menu, mula sa kanilang cellphone at doon na sila mag order ng mga pagkain. Maghihintay na lamang ang mga ito na dumating ang lahat ng mga order na pagkain, kahit walang waiter na nag assist sa kanila sa pag order. Deretso na kasi ang mga orders ng costumer sa computer na nasa Kitchen. Meron isang staff sila na naka bantay sa mga order at ito naman ang magbibigay ng listahan sa Chef. Ang Chef naman nila ay siyang mag-uutos sa mga cook, upang lutuin ang mga pagkain. Isa din sa pinakababalik-balikan ng mga Costumer sa kanilang Restaurant ay ang mga pagkain na bagong luto. 20-30 minutes lang ang hihintayin ng Costumer ay meron na silang masarap at bagong luto na pagkain. "Pasensya na Sir Benjie, iniisip ko lang kasi kung anong hitsura ng Guest natin? Bakit po ayaw niyang tumingin ako sa mukha niya at sa mga kasama. Baka totoo ang sinabi ni Haide na pangit ang Guest natin. Matanda daw yun na malaki ang tiyan, tapos panot pa na may luga ang tainga. Ngayon sir, ang iniisip ko kung may ngipin paba yun o wala na? Paano...." saad ni Eve, ngunit bigla din siyang napatigil dahil sa pagsigaw ni Sir Benjie. "Pinipintasan mo ba ang Guest natin? Kumilos kana, Evelyn Garcia, bago kita sisantihen dito." pagalit na bulyaw ni Sir Benjie. Nanlalaki din ang mga mata niya, dahil sa inis sa kanyang waitress. "Heto na po, Sir, magdadala na ako ng tubig nila sa VIP Room #1." mabilis naman na sagot ni Eve, saka niya binuhat ang stainless tray na may laman na glass jar at mga baso. Inilagay niya ang mga ito sa pinaka ibabaw ng food trolley na puno ng mga pagkain. Agad din niyang itinulak ang Food trolley at dinala sa loob ng elevator. Nasa second floor kasi ang mga VIP Room ng Restaurant, kaya meron silang elevator para sa mga staff na magdadala ng pagkain sa itaas.. Kumatok muna ng tatlong beses si Eve, bago may nagbukas ng pinto. Ibinaba din niya kaagad ang kanyang paningin, upang hindi niya makita ang mukha ng mga taong nasa loob ng VIP Room. "Good evening, Sir, and welcome to Dynasty Cuisine." pormal na pagbati ni Eve, habang nakayuko ang kanyang ulo. Bigla din siyang kinabahan, dahil sa mga panauhin na alam niyang mga bigating tao. Hindi man niya makita ang mukha ng mga ito, ngunit nakikita naman niya ang mga suot na damit ng mga lalaki. Alam niyang mga kasuotan ito ng mga boss sa isang malaking Company. Pero hindi rin niya alam kung anong Company sila galing. May naaamoy din siyang pabango ng isang lalaki. Alam ni Eve na mamahalin ang pabango na yun at hindi basta mayaman ay kayang bumili ng ganoon uri ng pabango. Napakalamig nito sa ilong at tila nakaka-relax din ito sa pakiramdam ang amoy nito. "Miss, are you going to serve us our dinner, or are you just standing there frozen?" Biglang napaunat ang kanyang likod, dahil sa gulat niya sa boses na kanyang narinig. Napakalalim ng boses ng lalaki na nagsalita at tila may diin ang bawat kataga nito. Pasinghal ang dating ng pagkakasabi sa kanya ng may-ari ng boses na yun, ngunit para kay Eve ay isang napakalambing na tinig na nagpapint!g sa kanyang puso. "Sorry, sir, my apologies." agad na paghingi ni Eve ng paumanhin sa lalaking Costumer. "Yabang naman nito. Kala mo naman guwapo. Baka naman kamukha din siya ni Long Mejia." saad ni Eve sa kanyang sarili. Muli din niyang itinulak ang Food Trolley at isa-isang kinuha ang mga pagkain at inilagay sa gitna ng Round Table. Nakatayo siya sa gilid ng lalaking nagsalita kanina, kaya lalo niyang naamoy ang mabangong pabango ng lalaki. Lalo din siyang kinabahan, dahil hindi mawala sa sestema niya ang iniisip niya kanina na isang guwapo at matipunong lalaki ang nagmamay-ari ng pabango. Parang gusto na tuloy niyang tingnan ang mukha ng lalaki, ngunit natatakot din siya dahil baka ipatanggal siya nito sa kanyang trabaho. Dalawang buwan na lang ay Graduating na siya sa kanyang Course na Bachelor of Science in Business Management. Ang tagal din niyang naghintay na makatapos siya, upang makapag apply na siya sa AG Holdings Incorporated. Pangarap niyang maging Executive Secretary ni Mr. Aaron Go. Ang kanyang crush. High School pa lang siya noon nang una niyang makita ang larawan ni Mr. Aaron Go sa isang Magâzinè. Mag mula din noon ay naging Crush na niya ito at laging pinapangarap na makita sa Personal. Lagi na rin siyang bumibili noon ng mga larawan at Poster ni Mr. Aaron Go at ginawa niyang pang-display sa loob ng kanyang kuwarto. Pero kung mawawalan siya ng trabaho ngayon, tiyak na hindi siya makaka Graduate sa College. Napakadami pa naman niyang bayarin ngayon, kaya kailangan talaga niya ang kanyang trabaho. "Enjoy your Dinner, Sir." saad ni Eve, bago niya itinulak ang Food Trolley palabas. Muli din siyang pinagbuksan ng dalawang lalaki na nakatayo sa may pinto ng VIP Room. Agad din niyang pinunasan ang kanyang noo, pagkalabas niya ng VIP Room. Hindi rin siya sigurado, kung totoo ba yung naramdaman niya kanina na tila inamoy ng lalaki ang kanyang buhok. Nakalugay siyang pumasok sa loob, dahil wala na siyang oras na magtali ng buhok kanina. Mabilis na pumunta si Eve sa loob ng Elevator at bumalik sa kitchen, upang hintayin doon ang iba pang ipag-uutos sa kanya. Hindi pa nakakaupo si Eve sa kanyang silya ay muli na naman siyang tinawag ni Sir Benjie. "Eve, dalhin mo itong mga alak sa loob ng VIP Room #1, tapos bumalik ka kaagad dito at ikaw mismo ang magluto ng Steak ng Guest matin. Gusto daw niya ay medium well with love." utos sa kanya ng lalaki. "Sir, bakit meron ba'ng herbs na with love?" nagtatakang tanong ni Eve. "Ah! Baka Rosemary... Tama, siguro yun ang pangalan ng asawa ng ating Guest, tama ba ako Sir Benjie?" tuwang-tuwa na tanong ni Eve. "Ikaw na babae ka! Tatamaan kana talaga sa akin, Eve. Puro ka kalokohan!" bulyaw ng lalaki. Na-iinis din na tinalikuran ni Sir Benjie ang dalaga, dahil sa dami nitong tanong na wala namang katuturan. Binuhat ni Eve, ang ice bucket at nilagyan niya ito ng ice cubes, bago ipinatong sa ibabaw ng Trolley na ginagamit niyang magdala ng mga orders sa VIP Room. Muling sumakay sa elevator si Eve at pinindot ang second floor Muling kumatok si Eve, sa pinto ng VIP Room, pagkatapat niya dito. Agad din bumukas ito dahil may dalawang Bodyguard ang VIP Guest nila. Nakatayo sa may pinto ang dalawang lalaki. Muling yumuko si Eve, habang tinutulak ang trolley. Hindi talaga niya tinapunan ng tingin ang mga lalaking kumakain sa loob at ang mga dala lamang niyang alak ang kanyang tinitigan. Kinuha niya ang isang bote at lumapit siya sa lalaking may napakabangong pabango, at nagsabi... "Good evening, sir. I hope you're enjoying your evening so far. May I recommend a special wine that we have for you tonight? It's a premium Bordeaux blend, the Château Margaux 2010. This exquisite wine is known for its rich flavors of dark fruits, subtle hints of oak, and a velvety smooth finish that lingers on the palate." puno ng kompiyansa sa sariling ipinakita ni Eve ang isa sa pinakamahal na uri ng alak ng kanilang Restaurant. "That sounds delightful. Could you tell me more about this Château Margaux 2010?" tugon sa kanya ng lalaki. Parang natutuwa din ito sa pagkausap sa dalaga Parang nanlamig ang katawan ni Eve, dahil sa boses nitong kasing lamig ng aircon sa VIP Room. "Of course, sir. The Château Margaux 2010 is a classic representation of a top-tier Bordeaux wine. It comes from one of the most prestigious wineries in France, known for its commitment to quality and tradition. This particular vintage has received exceptional ratings from critics, highlighting its complexity and elegance." mabilis na tugon ni Eve. Memoryado na niya ito, dahil siya lagi ang na-aatasan sa ganitong trabaho. "I'm intrigued. How would you recommend pairing this wine with our meal tonight?" muli na naman tanong ng lalaki sa kanya. "This Château Margaux 2010 pairs beautifully with rich dishes such as grilled lamb, roasted duck, or aged cheeses. The wine's smooth tannins and balanced acidity complement the flavors of these dishes perfectly, enhancing your dining experience." magalang na sagot ni Eve. Nakangiti din siya, habang nagsasalita. "Thank you for the recommendation. I'll trust your expertise and go with the Château Margaux 2010 tonight." narinig niyang sagot ng lalaki, kaya nakahinga din siya ng maluwag. Akala niya ay nasa hot seat siya kanina, sa daming itinatanong sa kanya ng Chinese VIP na Guest nila. "It's my pleasure, sir. I'll make sure to serve the wine at the perfect temperature to bring out its full potential. Please enjoy your meal, and feel free to let me know if you need anything else." saad ni Eve at nagsimula ng isalin ang alak sa mga baso ng mga lalaki. Ingat na ingat din siya sa paglalagay at sinigurado niyang walang tumulo sa table linen. "Thank you, I appreciate your attention to detail. I'm looking forward to experiencing this exceptional wine." pasalamat ng lalaki kay Eve. Napakaganda din ng boses nito sa kanyang pandinig at tila isa itong kaakit-akit na lalaki at tipong lahat ng babae ay kaya nitong mapasunod sa kanya. Masaya si Eve, nang makalabas siya mula sa VIP Room #1 Hindi kasi niya inakalang magpapasalamat din sa kanya ang lalaki na labis din niyang ikinatuwa. "Miss, sandali lang. Ipinapabigay pala ito sa'yo ni Lord. Natuwa yata siya sa serbisyo mo, kaya binigyan ka niya ng Tip." Napalingon si Eve sa lalaking nagsalita mula sa kanyang likuran. Napanganga din si Eve, dahil sa sobreng iniaabot sa kanya ng Bodyguard ng VIP Costumer nila. Alam niyang pera ang laman ng sobre, ngunit sobra-sobra naman yun para sa Tip niya. "Naku kuya, bakit ang dami naman yan. Hindi ko matatanggap ang halagang yan. Oo, malaki ang pangangailangan ko sa pera, pero hindi naman ako ganon ka-ganid sa salapi. Ibalik mo na po sa amo mo yan. Baka dahil dyan, ma-holdap pa ako sa daan." pagtanggi ni Eve sa sobreng ibinibigay sa kanya ng lalaki. Mabilis din siyang pumasok sa elevator, upang maka alis na siya sa harapan ng lalaki. Magsasara na lang ang elevator ng biglang may mahulog sa paanan niya at sumambulat ang napakadaming pera. Napanganga si Eve, habang pinagmamasdan nito ang nagkalat na pera sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD