NAGING PALA-ISIPAN kay Eve, ang taong pinanggalingan ng mga Chocolates at flowers na binigay sa kanya ng kanyang Manager. Alam niyang hindi ito galing sa Manager niya ang mga yun at maaring ipinasuyo lamang ito ng ibang tao sa kanyang Boss, upang maibigay sa kanya. Napagpasyahan ni Eve, na tanungin na lang ang kanyang Manager, tungkol dito bukas ng gabi kapag papasok siya sa Restaurant. Malakas din ang kutob niyang kilala ng kanyang Manager ang taong pinanggalingan ng mga yun. Bigla din siyang kinabahan, dahil sa isiping meron siyang Secret Admirer. Marami naman siyang mga manliligaw at hindi naman bago sa kanya ang makatanggap ng flowers at chocolates, pero ngayon ay iba ang pakiramdam niya. Bigla na lang siyang kinabahan at naguluhan at parang may dumadaloy na kung anong init sa kanyang katawan. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman, dahil para siyang sinisilaban sa pùwèt, dahil sa kaba ng kanyang dibdib. Parang nag-iba na rin ang kanyang pakiramdam sa kanyang tiyan, dahil tila may mga paru-parong nagliliparan sa kanyang tiyan, pababa sa kanyang puson na tila biglang nagkakabuhay ang kanyang p********e.
"Ano ba'ng nangyayari sa akin? Bakit ganito ang pakiramdam ko?"
Naguguluhan na sambit ni Eve, sa kanyang sarili habang inaamoy ang tatlong pulang rosas na kasama sa mga binigay sa kanya.
"Halla! May secret admirer kaya ako? Pero, sino!?"
Malakas na tanong niya sa kanyang sarili. Marahas din niyang kinamot ang kanyang ulo, at hinawi ang mahaba niyang buhok. Bigla din siyang pinagpawisan, dahil sa mga iniisip niya. Nanlalamig din ang kanyang palad, habang tila tinutusok-tusok ang pakiramdam niya rito.
Inilagay muna niya sa loob ng refrigerator ang dessert at ulam, para hindi ito mapanis. Hindi naman kumakain ang Papa niya kapag umuuwi ito sa gabi. Sigurado din siyang lasing na naman itong uuwi mamaya at matutulog na lang ito ng deretso.
Naligo muna si Eve, bago siya humarap sa kanyang study table na nasa loob ng kanyang kuwarto. Kumuha din siya ng isang chocolate at binuksan ito at kinain. Kinuha din niya ang kanyang book, upang basahin, habang kinakain ang chocolate. Hindi namanlayan ni Eve, na natapos niyang basahin ang isang book, habang kumakain siya ng chocolate. Hindi rin siya nakaramdam ng pagod, dahil sa masarap na lasa ng chocolate na alam niyang galing pa ito ng ibang bansa. Tapos na rin niya ang lahat ng kanyang mga aralin, kaya nagpasya siyang tumayo na at mag banyo muna, bago siya matulog. Madaling araw na, kaya nakakaramdam na rin siya ng antok.
KINABUKASAN pag gising ni Eve ay nadatnan niya ang kanyang ama na naka upo sa kanilang maliit na Sala.
"Good morning Papa. Bakit nandito pa kayo? Diba may trabaho kayo ngayon?" nagtatakang tanong ni Eve, sa ama. Madalas kasing umaalis ng maaga ang kanyang papa, kaya ngayon na nasa bahay pa ito ay nagtaka siya.
"Good morning hija. Papasok naman ako, kaya lang ay wala akong pamasahe. Kaya hinihintay kitang lumabas, para sana humingi sa'yo, kung may pera ka pa'ng natitira. Anak, pasensya kana ha! Masyado na akong naging pabigat sayo. Hayaan mo at babayaran ko rin sayo ang pera mo kapag naka sahod ako sa Factory." saad ng kanyang ama.
Nahihiya ang ama ni Eve, ngunit naglakas loob na rin itong magsabi sa dalaga. Halos hindi rin ito makatingin ng deretso sa kanyang anak, dahil sa hiya niya rito. Lagi na lang kasi siyang pabigat kay Eve, at madalas na siya ang humihingi ng pera sa kanyang anak, kaysa sa siya ang magbigay. Malaki naman ang sahod niya bilang Manager sa Shoe Factory na dati niyang pag-aari. Ngunit nauubos niya ito sa kanyang mga bisyo. Ang pagsùsùgal at pag-inom ng alàk. Noong mabenta nito ang Shoe Factory nila ay kinuha rin siya ng bagong may-ari, upang maging Manager. Dahil siya ang dating may-ari nito at alam niya ang lahat ng pasikot-sikot sa pagpapalakad ng isang Shoe Factory.
"Nag sùgâl na naman ba kayo kagabi, Papa?" kunot noo na tanong ni Eve, sa kanyang ama. Ganito kasi lagi ang ginagawa ng ama niya kapag nauubusan ito ng pera.
Dalawang lingo pa lang itong nakakasahod, pero ubos na naman nito ang kanyang pera. Tanging upa lang ng bahay ang naibigay nito sa kanya at si Eve, na ang nagbayad ng tubig at kuryente nila, kasama na pagkain nila ay si Eve na ang namili.
"Pasensya kana anak, hindi ko kasi mapigilan na hindi dumaan kina Pareng Boy. Alam mo naman na bungad ang kanilang bahay, kaya lagi nila akong tinatawag kapag nakita nila akong dumaan doon." tugon nito sa dalaga. Bakas din sa mukha ng lalaki ang lungkot at hiya.
"Papa naman... Kailan ba kayo magbabago!? Tingnan nga n'yo ang kinalabasan ng pagsùsùgal niyo at pag-inom ng àlàk. Nawala na nga ang Factory natin, nawalan pa tayo ng sariling bahay. Tingnan n'yo din ang sarili niyo, Pa, halos hindi kana rin makapag pagupit ng buhok mo dahil mas inuuna mo ang mga bisyo mo kaysa sa sarili mo." may halong pagka-inis na saad ni Eve, sa kanyang ama. Naiinis siya dahil tumatanda na nga ito, pero ayaw parin magbago.
"Hayaan mo hija, dahil pipilitin kong magbago para sa'yo. P'wede bang ibigay mo na sa akin yung hinihingi ko. Mali-late na ako sa trabaho ko. Nandito pa naman sa Pilipinas ang Boss ko. Baka tanggalin niya ako, kapag ma-late ako sa pagpasok." wika ng ama ni Eve.
Walang magawa si Eve, kundi ang ibigay ang hinihingi ng kanyang ama, upang makaalis na ito.
"Sandali lang 'ho, at kukuha ako ng pera." tugon ng dalaga at muling pumasok sa loob ng kanyang kuwarto, upang kumuha ng pera.
Agad din siyang lumabas at ibinigay niya ang isang libong piso sa ama niya. Napaka lutong din ng pera, dahil bagong labas ito mula sa bangko. Kinuha niya ang isang libo, mula sa perang ibinigay sa kanya ng VIP Costumer nila kagabi.
"Buo naman ito hija, wala kabang barya dyan para sa jeep. Maaga pa ngayon, baka wala silang pambarya dito sa isang libo." saad ng papa ni Eve.
Muling bumalik si Eve sa loob ng kanyang kuwarto at kinuha niya ang kanyang wallet. Tiningnan niya ang loob nito at may natitira pa naman na dalawang daan sa loob. Kinuha niya ang isang daan at muling lumabas ng kuwarto, upang ibigay sa kanyang ama ang pera.
"Pa, ito 'ho ang isang daan. Mag-ingat po kayo sa daan." saad ni Eve, habang iniaabot nito ang pera sa kanyang ama.
Agad naman na kinuha ito ng ama ni Eve at nag paalam na rin na umalis. Bigla din nagliwanag ang mukha nito at tila biglang sumigla, pagka abot sa kanya ni Eve ng pera.
Agad naman na nagtungo sa kusina si Eve, at nag templa ng kanyang kape. Tiningnan din niya ang kanilang maliit na rice cooker kung may kanin ito. Napangiti din siya, dahil nagluto pala ang kanyang papa, kaya hindi na siya magluluto ng kanyang tanghalian. Nakita rin niyang may nakatakip sa ibabaw ng lamesa, kaya tiningnan niya ito. Nakita niya ang beef steak na dala niya kagabi sa ibabaw at mainit-init pa ito. Kumain na rin ang ama niya, kaya kalahati na lang ang natira para sa kanya. Agad na nag sandok ng kanin si Eve at umupo sa harapan ng maliit nilang lamesa. Agad siyang kumain, dahil nag-alala siya na baka hindi na naman siya makakain mamaya ng tanghalian sa University.
Matapos niyang kumain at magligpit ng kanyang mga kinainan ay nagwalis naman siya sa maliit nilang bahay at isinalang sa washing ang mga marurumi nilang damit. Habang naglalaba ang washing machine ay naglilinis naman siya ng kanilang bahay, kaya pinag pawisan siya ng husto. Matapos niyang maisampay ang kanilang mga damit ay agad na rin aiyang naligo, upang makapag handa na sa pagpasok sa University.
Kailangan pa niyang dumaan sa Library, kaya aagahan na niya ang pag-alis. Kumuha rin siya ng isang set na uniform niya sa Restaurant, upang may maipalit siya sa kanyang damit mamaya. Inilagay niya ito sa loob ng kanyang backpack at mabilis na lumabas ng bahay at nagtungo sa sakayan ng Jeep.
PAGDATING ni Eve sa University ay deretso na rin siya sa kanilang School Library. Kinuha muna niya ang mga books na kailangan niyang basahin, bago siya umupo sa pinaka hulian ng mga nakahirilang lamesa. Mas gusto kasi niyang mag-aral sa pinaka gilid dahil tahimik at hindi matao na bahagi, upang makapag concentrate siya sa kanyang mga aralin.
Habang abala sa pagbabasa si Eve, sa kanyang mga books ay may isang lalaking mag-aaral ang umupo sa kanyang harapan. Hindi naman ito pinansin ni Eve, at nag focus lang siya sa kanyang binabasa, habang may isinusulat sa kanyang notebook.
Ang lalaki naman na naka upo sa harapan ni Eve ay hindi naman nagbabasa, kun'di nakatitig lang siya sa mukha ng dalaga, habang naka hawak siya sa isang book. Kung titingnan ay nagbabasa din ang lalaki, ngunit ang totoo ay sa mukha talaga ng dalaga siya nakatingin. Hanggang sa hindi na naka tiis ang lalaki at nagsalita na.
"Hi miss, p'wede ba'ng makipag kilala sa'yo?" pabulong na tanong ng lalaki.
Hindi naman ito pinansin ni Eve, dahil talagang naka focus siya sa binabasa.
"Miss, miss, p'wede ka bang makilala?" muling tanong ng lalaki at medyo inilapit na rin niya ang kanyang mukha sa harapan ni Eve, upang marinig siya ng dalaga.
NAGTAKA naman si Eve, dahil sa lalaking nakaharap sa kanya na bigla na lang nito inilapit ang mukha sa kanya.
"Huh! Sino ka!?" nagtatakang tanong ni Eve. Hindi rin niya alam, kung bakit siya kinakausap ng lalaki.
"Hi! My name is Dereck Teo. May I ask for your name?" bigla na lang pakilala ng binata kay Eve. Inilahad din niya ang kanyang palad sa harapan ni Eve, habang nakangiti ito ng ubod ng tamis sa dalaga.
"I'm sorry, sir, but I don't talk to strangers." pairap na tugon ni Eve, sa binata at muling ibinalik ang paningin sa kanyang binabasa.
"Ang suplada mo, ah! Don't you know me? Hey, woman! Just so you know, there's no woman on this Campus who hasn't noticed me. Be thankful that I even acknowledged you. You're not famous in this university anyway." biglang nagalit ang lalaki kay Eve, dahil hindi siya pinansin ng dalaga.
Natigilan naman si Eve at napanganga pa siya sa gulat, dahil sa tinuran ng lalaki. Hindi siya makapaniwalang ito pa ang nagagalit ngayon sa kanya. Dapat siya ang magalit, dahil inaabala siya nito sa kanyang pag-aaral. Tahimik siyang nag-aaral sa sulok, pero pinuntahan siya nito doon at kakausapin. Meron naman tamang lugar na pwede itong makipagkilala sa kanya at hindi sa loob ng Library.
Nakita rin ni Eve, ang may edad na babaeng palapit sa likuran ng lalaki, habang may hawak pa itong stick.
"Mr. Teo, if you came to the Library just to disturb the students studying here, it would be better for you to leave. Put your spoiled brat behavior in its place. It doesn't matter to me if you're the son of the University owner. This school has rules that are enforced. So, learn to follow them." pabulong na wika ng babaing School Librarian. Halata din sa boses at mukha nito ang pagkainis kay Dereck.
"Mrs. Esperitu, would you like to be expelled from this school? Just one call to my Daddy, and you're out." wika ng maangas na binata na anak pala ng may-ari ng University.
Wala din mababakas na takot sa hitsura ng lalaki, dahil palagay ang loob niyang siya ang kakampihan ng kanyang ama. Pag-aari ng ama nito ang University na pinapasukan nila. Kaya para sa kanya ay p'wede nitong gawin ang lahat, dahil pag-aari nila ito.
"Are you challenging me, Mr. Teo? Go ahead, do it. If the Chairman of this University believes you. Get out of here, Mr. Teo, because you don't belong in this place. This Library is only for intelligent students and not for someone like you who only knows how to loiter and bully" pauyam na tugon ng Librarian kay Dereck. Nakaturo din ang kanyang hintuturo sa pinto ng Library, upang maipabatid sa binata na pinapaalis na siya mula sa loob.
Padabog naman na umalis si Dereck sa harapan ng Librarian. Muli pa itong tumigil sa paglalakad at muling sinulyapan si Eve na nakatayo na rin at nanunood sa kanya.
Isang mapagbantang tingin ang ipinukol ng binata kay Eve. Tila may masamang banta rin ito na iniwan kay Eve, mula sa mga titig nitong nakakapaso sa init. Medyo mapula din ang mga mata ni Dereck, kaya lalong nakakatakot ito tingnan.
"Thank you Mrs. Esperitu." tipid na pasalamat ni Eve sa babae.
Tumango lang sa kanya ang Librarian at muling tumalikod sa dalaga, upang tingnan ang ibang mga nag-aaral sa loob.
Matapos mag review ni Eve, ay nag CR muna siya bago pumasok sa kanyang Class. Habang nasa loob siya ng cubicle ay may pumasok naman na mga babae sa loob. Masaya ang mga ito na nag-uusap tungkol sa isang lalaki. Kaya pinakinggan muna ni Eve ang kanilang pinag-uusapan.
"Grabe ka-hot si Dereck 'no! Naku girl, pansinin lang niya ako, isusuko ko talaga sa kanya ang bataan." wika ng isang babae na kilig na kilig.
"Ganon din ang gagawin ko. Kahit maanakan pa niya ako, ayos lang. Ang mahalaga, maranasan kong makasama ang isang Dereck Teo!..." tumitili na wika naman ng isang babae.
"Kailan kaya tayo mapapansin ni Dereck!" sambit naman ng isa pa.
Mabilis na tinapos ni Eve, ang kanyang routine, upang makalabas na siya mula sa loob ng cubicle na yun. Bigla din siyang nainis dahil muli na naman niyang narinig ang pangalan na yun. Hindi niya makakalimutan ang pangyayari kanina sa loob ng Library. Kahit nalaman niyang anak ng may-ari ng University si Dereck Teo ay hindi niya ito gustong maging kaibigan.