"Bawal kang tumingin sa mukha at katawan ng ibang lalaki, Eve. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho, matuto kang sumunod sa akin." walang anu-ano'y biglang sambit ni sir Aaron, sa akin. ''Sir, paano po kung may magtanong sa akin, paano ko sasagutin ng maayos kung bawal kong tingnan yun tao?'' nagtatakang tanong ko kay sir Aaron. Ano bang nangyayari sa boss ko, bakit kailangan niya akong pagbawalan tumingin sa ibang lalaki? Anong masama doon? Hinila ko na rin ang kamay ko, upang matanggal sa pagkakahawak ko sa braso niya. Baka pati siya ay bawal ko rin tingnan at hawakan. ''Bakit mo tinanggal ang kamay mo sa braso ko? Gusto mo talagang mawalan ng trabaho?'' magkasunod na tanong sa akin ni sir Aaron. Bigla din nalukot ang guwapo niyang mukha at magkasalubong na rin ang kanyang dalawang ma