NAGISING akong may pagtataka sa aking sarili. Tila meron din akong naalala na isang pangyayari na naganap kani-kanina lang. Totoo ba yun o isang panaginip lamang? Pero bakit ako nasa loob ng aking opisina at nakatulog, habang hawak ko rin ang isang papel na listahan ng mga trabaho ko. Agad kong tiningnan ang oras sa aking relo, nakita kong alas nueve na pala ng umaga. Nagtataka din ako, kung bakit nasa loob na ako ng aking opisina, samantalang ang huling naaalala ko ay nasa loob ako ng private office ng CEO. Pumasok ako sa loob ng cr upang maglinis, at... "OMG!" bulalas ko, habang nakatakip ang aking bibig sa pamamagitan ng aking mga kamay. Bigla kong naisip ang laman ng aking panaginip. Nakita ko sa aking panaginip ang buong katawan ni Mr. Aaron Go. Pati ang kanyang eggplant nakita ko.