DAHIL sa gutom ko kanina, kaya hindi ko na naalalang tanungin kay sir Aaron, kung bakit Mr. and Mrs. Go ang tawag sa amin ng Manager ng Restaurant. Hindi talaga ako matatahimik, hangga't hindi ko yun nalalaman. Hindi na rin ako nakatiis at tinanong ko na si sir Aaron. "Sir, mawalang galang na po, pero gusto ko lang malan kung bakit Mr. and Mrs. Go, ang tawag sa atin ng manager? Baka mamaya may makakilala sa inyo dito na nakarinig, tapos ipaabot sa Misis mo na ako ang napagkakamalan nilang asawa mo, sir. Naku, sir, ayaw ko po ng gulo at mapahiya sa mga tao, kung ipagsisigawan ng nga tao na kabit mo po ako. Ayaw ko ng ganon sir. Mabuti pang tumandang dalaga na lang ako." mahabang tanong ko kay sir. "Wala akong matandaan na tinawag tayong Mr and Mrs Go. Baka guni-guni mo lang yun." balewa