MAAGANG natapos ang klasi ni Eve. Napagpasyahan niyang lumabas na lang ng Campus at magtungo sa kanyang Trabaho. Kahit maaga pa ay papasok na lamang siya, upang matuwa naman sa kanya ang kanyang Manager. Lagi din siyang late nitong mga nakaraang araw, kaya ngayon naman siya babawi. Hindi na rin siya nagbihis, dahil maaga pa naman at may oras pa siya mamaya para makapag bihis.
AGAD siyang sumakay sa isang pampasaherong Jeep, patungo sa Benondo, kung saan naroroon ang Dynasty Cuisine na pinagtatrabahuan niya. Tahimik lang siyang umupo sa loob ng Jeep at nagbasa na lang siya ng kanyang book. Hanggang makarating siya sa Restaurant.
"Himala ng mga himala! May lagnat kaba, Eve at nandito kana sa Restaurant ng ganito kaaga?" naka taas ang isang kilay na tanong sa kanya ni sir Benjie. Hindi talaga makapaniwala ang lalaki na pumasok siya ng maaga ngayong araw.
"Sir naman, hindi ba dapat matuwa ka sa 'kin ngayon, kasi maaga akong pumasok." pabirong sagot ni Eve. "Sir, may itatanong pala ako sa'yo. Kanino ba galing yung mga binigay mo sa akin kagabi, sir? Huwag mong sabihing ikaw ang Secret Admirer ko!" pabulong na tanong ni Eve, sa kanyang Manager. Minabuti na niyang tanungin na ito kaagad, habang hindi pa siya busy sa pagse-serve sa mga costumer.
"Hindi mo na dapat malaman! Sige na, pumunta kana sa kusina at magpalit ng damit. Babayaran ko na lang ang pagpasok mo dito ng maaga. Tumulong ka munang mag-serve dito sa baba, dahil mamaya sa VIP Room ka ulit ma-assign." saad ng Manager, saka siya nito tinalikuran.
"Sir Benjie!... Sir!..." malakas na pagtawag ni Eve, sa kanyang Manager. Mabilis kasi itong umalis, mula sa kanyang harapan at nagtungo na ito sa kanyang opisina.
"Eve, ang aga mo yata ngayon? Six pm pa ang Duty mo diba?" nagtatakang tanong sa kanya ni Haide.
"Maaga kasi akong natapos sa University, kaya nagpunta na agad ako dito. Mahirap nang mapagalitan na naman ni sir Benjie, SUNGIT!" tugon niya sa kaibigan, at binigyan diin pa ang salitan SUNGIT. Nakatingin din siya sa pinto ng opisina ni sir Benjie, dahil hindi pa rin siya makapaniwalang tinalikuran siya nito, matapos niyang tanungin ang tungkol sa mga ibinigay nito sa kanya kagabi. Halatang umiiwas ito sa kanya at alam niyang ayaw nitong sabihin ang pinanggalingan ng mga chocolates at flowers.
"Hayaan mo na sir SUNGIT! Menupose na yun kaya ganon." pabulong na tugon ni Haide. Itinakip din niya ang hawak niyang tray sa kanilang ulo ni Eve, para walang makakita sa pagbuka ng kanyang bibig.
"Ikaw talaga, puro ka kalokohan. Dyan kana nga! Magbibihis na ako at tutulong daw ako sayo dito." natatawang saad niya sa kaibigan. Pinalo din niya ito, dahil sa sinabi nito kanina.
"Sige na, bilisan mo para ikaw na lang mag-asikaso sa mga dumarating na costumer." pagtataboy sa kanya ni Haide, habang tumatawa.
Napapailing na lang si Eve, dahil sa kalokohan ng kanyang kaibigan. Sanay na din siya sa dalaga, kaya hinahayaan na lang niya ang lahat ng mga kalokohan nito at kapilyahan.
MABILIS na nagbihis si Eve, nang kanyang uniform at muling lumabas upang tumulong sa pag-asikaso sa kanilang mga costumer. Kinuha din niya ang isang Tablet na ginagamit nila, upang makita kung anong table ang bakante. May inilagay din siyang earpeice sa kanyang tainga, upang marinig niya ang pagtawag ng kanilang Manager.
May mga Reserved seats din sila, mula sa mga online call. Napakaraming Chinese at iba pang VIP Costumer ang pabalik-balik sa Restaurant, kaya nagpapa-book na ang iba ng mas maaga para siguradong may lugar sila sa loob ng Restaurant.
"Good afternoon, sir. Have you made a reservation online, earlier, sir?" masiglang tanong ni Eve, sa isang lalaki na bagong dating.
"No, miss." maikling sagot ng lalaki.
"Alright, sir. Please wait for a moment while I arrange a place for you to sit. How many people are in your party, sir?" tanong niya sa lalaki.
"I need five seats in total. My friends will be arriving shortly." sagot ng lalaking Tsinito.
"Very well, sir." tugon niya sa lalaki. "Please follow me to your table, sir." magalang na saad niya at nauna siyang naglakad patungo sa isang bakanting table at pinaupo ang lalaki.
"Thank you, miss." pasalamat sa kanya ng lalaki.
You're welcome, sir. If you are ready to order, you can scan the QR code on the paper in front of you to view our menu and place your order using your phone." aniya, bago iniwan ang lalaki.
Dalawang oras din siyang nasa first floor ng Restaurant at nag-aasikaso ng mga costumer. Maya-maya pa ay tinawag na siya ni sir Benjie, kaya agad niyang ipinasa sa isa niyang kasama ang hawak niyang tablet.
"Sheena, ikaw nang bahala dito. Tinatawag na ako ni sir Benjie. Dumating na daw ang VIP Costumer natin ngayong gabi." paalam niya sa kasama.
"Sige, Eve, pagbutihin mo ang pag-serve sa VIP costumer, para malaki-laki ang Tip mo. Tapos e-libre mo kami sa Bar mamaya, bago tayo umuwi." wika sa kanya ni Sheena.
"Ikaw talaga, ang hilig mong uminom. Bawal akong uminom ngayon, dahil mag-aaral pa ako mamaya pag-uwi ko. Kailangan kong doblehin ang pagre-review ko, para pumasa ako sa Board Exam namin." sagot niya, bago siya umalis sa harapan nito.
"Sige na nga, minsanan na lang sa Graduation mo. Kailangan ma-libre mo na kami sa araw na yun. Ang dami mo ng utang sa 'min." pahabol pa sa kanya ni Sheena.
Ikinampay na lang ni Eve ang kanyang kanang kamay, habang naglalakad siyang palayo mula sa dalaga. Agad siyang nagtungo sa kusina, upang kunin ang mga pagkain na ihahatid niya sa VIP Room. Nakahanda na rin ito at nakaayos na ang food trolley na dati niyang dala sa itaas.
"Eve, bilisan mong kumilos. Para kang patu maglakad, mas marami ka pang kending dyan kaysa sa hakbang mo." malakas na wika ni sir Benjie, nang makita niya ang dalagang papalapit sa kusina.
"Grabe ka naman sir. Sa dami ng hayop na ihahalintulad mo sa akin, bakit sa patu pa?" nakabusangot na reklamo ni Eve, sa kanyang Manager na ubod ng sungit, pero mabait naman sa kanila. Likas lang talaga sa lalaki ang pagka estrikto at mabunganga.
"Pakending-kending kapa kasi dyan, hindi kana lang magmadali. Gutom na yung costumer mo sa itaas, baka magalit na yun at mawalan tayong lahat ng trabaho dito!" wika ni Benjie. Bakas din sa pananalita niya ang takot na baka mawalan siya ng trabaho.
"Sino ba ang VIP costumer natin ngayong gabi, sir?" tanong ni Eve.
"Hindi mo na dapat malaman pa. Dalhin mo na ang pagkain niya at baka sumabog na yun sa galit. Higit pa naman sa ayaw nun ay ang pinaghihintay siya ng matagal." sabi pa nito, bago tinalikuran si Eve, at nagmadaling pumunta sa mga kumakain sa Restaurant, upang kausapin ang kanilang mga costumer.
Kunot noo na napatingin si Eve, sa likod ng kanyang Manager. Ngayon lang din ito nagkaganon, kaya nagtataka siya. Dati naman silang may mga VIP costumer, pero hindi ito ganon kung kabahan at natatakot din ito sa VIP costumer nila.
Agad na itinulak ni Eve, ang food trolley at pinindot ang button ng elevator, upang magbukas ito at makasakay siya sa loob. Pinindot din niya ang number 2, upang dalhin siya ng elevator sa ikalawang palapag.
"Tiiiiing!" tunog ng tumigil na elevator.
AGAD na lumabas si Eve, habang tulak niya ang food trolley palabas ng elevator. Halos katapat lang ng elevator ang VIP Room #1 na kinaroroonan ng kanilang costumer, kaya hindi na siya maglalakad ng malayo.
May dalawang lalaki din na nakatayo sa labas ng pinto ng VIP Room. Alam niyang mga Bodyguard ito ng VIP costumer nila, at nagbabantay ito sa labas ng pinto. Agad naman nilang binuksan ang pinto, upang makapasok siya sa loob, habang nakayuko ang mga ito.
Nagtataka din si Eve, dahil sa pagyuko ng mga ito na tila nahihiya na hindi niya mawari. Binati din siya ng dalawang lalaki, habang naka-bend ang kanilang katawan.
"Thank you po." pasalamat niya, bago siya pumasok sa loob ng kuwarto.
Nagtaka din si Eve, dahil madilim ang buong paligid ng VIP Room. Tanging tanglaw lang ng isang kandila na nakasindi sa ibabaw ng table ang nagbibigay liwanag sa loob ng kuwarto. Nasa pinaka gitna rin ang kandila, kaya halos hindi niya maaninag ang mukha ng taong nakaupo sa pinaka dulong bahagi ng long table. Nakaharap sa kanya ang lalaking naka damit ng kilay itim, at pati ang suot nitong jacket ay kulay itim din.
"Good evening, sir. Here is your dinner. I apologize for any inconvenience if you had to wait longer than expected." kinakabahan na wika niya sa kanilang VIP costumer. Muli din niyang itinulak ang food trolley, palapit sa lalaki.
"No problem at all. You arrived just on time. Thank you." agad na sagot sa kanya ng lalaki. Napakatigas din ng boses nito na tila nakakapanginig ng laman.
Nagtaka din si Eve, dahil naka suot ng malaking sombrero ang lalaki na halos tumakip na sa kalahati ng mukha nito. Tanging ang matangos na itong lamang nito at mapupulang labi ang kanyang nakikita. Napalunok din siya, dahil sa kanyang naisip. Napakaganda kasi ng labi ng lalaki, kahit may pinong balbas at bigote pa ito. Bumagay naman sa mukha ng lalaki ang kanyang balbas at lalong nagbigay ng nakakaakit na awra sa lalaki.
"Tititigan mo na lang ba ako, miss? Ayaw mo ba akong pakainin muna? Pwede mo akong titigan magdamag dito, basta busog ang tiyan ko, para hindi ako manghina sa lagkit ng pagtitig mo sa akin."
Nagulat si Eve, dahil sa sinabi ng lalaki. Bigla din siyang kinabahan at nag-init ang kanyang pisngi, dahil sa pagkapahiya. Hindi niya namalayan na kanina pa pala siya nakatitig sa mukha nito at nahuli pa siya ng lalaki.
"S-Sorry sir." paghinge niya ng paumanhin sa lalaki. Kinuha din niya ang mga pagkain sa food trolley na dala niya at isa-isang inilapag sa harapan ng lalaki.
"Sa gitna mo ilagay ang mga pagkain. Sa tapat ng candle light. Hindi ako kumakain sa dilim." utos sa kanya ng lalaki, kaya muli na naman niyang kinuha ang mga pagkain at inilagay sa trolley at itinulak ito sa pinaka gitnang bahagi ng table, kung saan nakalagay ang candle holder na may tatlong red candles na nakasindi. May mga bulaklak din sa paligid ng candle at may nakahanda ng wine doon at baso na may laman na wine.
Nagtaka din si Eve, dahil napakarami ang mga pagkain na nakalagay sa food trolley. Napaka imposibleng maubos ito ng kahit dalawa o tatlo katao. Dalawang set din ang plato sa ibabaw ng table, kaya bigla niyang iginala ang paningin, upang tingnan kung may iba pang tao sa loob ng VIP Room. Madilim kasi sa loob kaya hindi niya makita ang mga tao. Ngunit wala naman siyang maaninag na ibang tao sa loob.
Hanggang sa biglang tumayo ang lalaki na nakaupo sa may dulong bahagi ng lamesa. Muling kinabahan si Eve, dahil napakatangkad pala nito at napakalaki rin ng katawan nito. Kahit naka suot ito ng mahabang coat na kulay itim ay nababakas parin ang laki ng katawan nito.
"Dios ko, kapre ba 'tong costumer namin?" tanong niya sa kanyang sarili. Napakalakas na rin ng kanyang kaba sa dibdib, dahil sa kanyang iniisip.
"Hindi ka mabubusog sa pagtingin sa katawan ko, miss. Umupo kana dyan at sabayan mo akong kumain, hindi yung katawan ko ang unti-unti mong inuubos sa kakatingin." biglang wika sa kanya ng lalaki.
Muling napaayos ng pagkakatayo si Eve, dahil sa tinuran ng lalaki. Kung magsalita ito ay tila kilalang-kilala siya. Nagtatakang napatitig si Eve sa mukha ng lalaki at pilit niyang inaaninag ang mukaha nito. Ngunit hindi naman niya makilala, dahil sa malaking sobrero nitong nakatakip sa kanyang mukha.
"Sit down!" malakas na wika ng lalaki at napaka tigas din ng pagkakasabi niya.
Napatalon naman sa takot si Eve, dahil sa lakas ng boses nito na parang isang Commander ng Military, kung maka command. Lalo din siyang nanginig, dahil sa takot niya sa malakas at matigas na boses ng lalaki.
"S-Sir, l-labas na p-po a-ako..." nauutal na paalam ni Eve. Mabilis din siyang tumalikod at malalaki ang hakbang na lumapit siya sa pinto ng VIP Room. Ngunit laking gulat ni Eve, dahil hindi niya ito mabuksan. Naka lock na ang pinto at alam din niyang hindi niya ito mabubuksan dahil may auto-lock ang kanilang mga VIP Room.
"Hindi ka makakalabas dito, hangga't hindi ka kumakain. Umupo kana at kumain." muling wika ng lalaki.
Nanginginig naman sa takot si Eve, dahil sa lalaking kasama niya sa loob ng VIP Room. Napakalakas din ng kaba sa kanyang dibdib na tila tinatambol ito. Napasandal muna siya sa naka-lock na pinto at tiningnan ang lalaking panay ang subo ng pagkain.
"Pupunta kaba dito o ako mismo ang bubuhat sayo dyan at ipaupo sa upuan. Huwag mong hintayin na gawin ko yun, babae. Baka sa kama kita dalhin." mariing wika ng lalaki.
"P-Pero sir, hindi ko naman kayo kilala. Bakit po ako kakain kasama niyo?" kinakabahan na tanong ni Eve.
"Kasama sa service mo ang samahan akong kumain. Umupo kana at kumain. Isa sa pinaka ayaw ko, ay ang sinusuway ang mga gusto ko." sagot ng lalaki. Mariin din nitong hinawakan ang ginagamit niyang tinidor at kutsilyo sa karne, dahil sa pagkainis. Nasanay siyang napapasunod niya ang lahat ng tao sa kanyang paligid ngunit ang dalaga sa harapan niya ay hindi marunong sumunod sa kanyang nais.
Dahil sa hindi pag galaw ni Eve, ay agad niyang binitawan ang hawak niyang kubyertos at binunot ang baril na nasa likod ng baywang niya at mabilis din na ikinasa.
"Lalapit kaba dito o babarilin ko ang paa mo para hindi kana makapaglakad?" pasigaw na saad niya sa dalaga.
Halos pangapusan naman ng hininga ang dalaga, dahil sa lakas ng kaba niya sa kanyang dibdib, dahil sa matinding takot sa lalaki. Dahan-dahan din siyang lumapit sa lamesa at unti-unting umupo sa harapan ng lalaking hindi tumitingin sa kanya, ngunit alam nito lahat ng kilos niya.
"EAT!" malakas at mariin na wika niya, na muling ikinagulat ni Eve.
WALANG nagawa si Eve, kundi hawakan ang tinidor at kutsilyo, saka mabilis na hiniwa ang Beef steak. Kahit nanginginig siya sa takot ay pinilit na lang niyang kumain, dahil nag-aalala siyang baka barilin na lang siyang basta ng lalaki. Nasa tabi pa naman ng kanan na kamay nito ang baril na nakakasa at kapag dinampot ito ng lalaki at itinutok sa ulo niya ay siguradong sabog ang utak niya.
Tahimik lang na kumain si Eve, at hindi na rin niya tiningnan pa ang lalaki. Sa Pagkain na lang siya tumingin at kumain ng kumain. Nagugutom na rin siya, dahil hindi pa siya kumakain. Napakarami kasing costumer kanina sa baba, kaya hindi na siya nakakain.
Muling nagulat si Eve, dahil sa pagtayo ng lalaki. Ang akala niya ay kung ano ang gagawin nito sa kanya, dahil sa pagdukwang nito sa kanyang harapan. Binigyan pala siya ng tubig ng lalaki, dahil hindi niya nailapag ang isang basong tubig kanina, dahil sa takot niya.
"Hayan ang tubig, uminom ka muna baka mabulunan ka. Huminga ka naman at hindi subo ng subo. Marami tayong pagkain at kung maubos mo lahat yan, magpapahatid pa ako ng bagong luto. Hindi ka mauubusan." malamig na wika ng lalaki na siyang ikinatigil ni Eve. Para kasing kaboses nito ang costumer nila kagabi na Chinese man. Pero ang ipinagtataka ni Eve, ay marunong naman mag Tagalog itong lalaki na kaharap niya.
"Bilisan mong kumain at ng makapag simula kanang sumayaw. Sasayaw ka sa harapan ko, hanggang makatulog ako." muling hirit ng lalaki.
Bigla naman nasamid si Eve, dahil sa tinuran sa kanya ng lalaki. Hindi rin siya makapaniwalang pasasayawin pa pala siya ng lalaki ngayong gabi.
"Sir, waitress po ako dito at hindi dancer." pagtatama niya sa sinabi ng lalaki. Todo irap din siya sa lalaki, dahil sa sinabi nito. Marunong naman siyang sumayaw, pero hindi naman yun ang trabaho niya sa Restaurant na yun. Waitress lang siya doon at hindi niya kailanman pinangarap na maging dancer sa harapan ng isang lalaki.
Muling sumubo ng steak si Eve, dahil dito na lang niya ibinuhos ang kanyang inis sa lalaki. Ngunit bigla din siyang natigilan, dahil sa narinig niyang malalakas na putukan sa paligid. May mga pagsabog din sa labas na labis niyang ikinatakot. Parang yumanig pa ang buong paligid, dahil sa lakas ng mga pagsabog na yun.
"Anong nangyayari?" nahihintakutan na tanong ni Eve.