MABILIS na tumayo ang naka itim na lalaki at kinuha din niya ang kanyang baril. Umikot siya sa gawi ni Eve, at agad na hinawakan sa braso ang dalaga, upang dalhin palabas ng VIP Room.
Lalong natakot si Eve, dahil sa naririnig niyang malakas na sigawan ng mga tao sa ibaba. Nagkakagulo ang mga kumakain sa ibaba, dahil sa mga naririnig nilang putukan sa paligid.
Dahil sa takot ay napayakap naman si Eve, sa katawan ng lalaking kasama. Hindi na niya alintana kung sino ang taong ito. Kahit hindi niya kilala ang lalaki, ay nararamdaman naman niyang safe siya sa mga kamay nito.
Napangiti naman ang lalaki, dahil sa ginawang pagyakap sa kanya ni Eve. Pasimple din niyang niyakap ang dalaga at inilabas na niya ito mula sa VIP Room at dinala sa isang Private Room na pag-aari niya mismo. Nakasunod din sa kanila ang dalawang Bodyguard at ngayon ay may mga hawak na rin mga baril.
Pinindot ng lalaki ang Passcode ng Digital Lock ng Private Room at biglang bumukas ito. Napanganga naman si Eve, dahil hindi niya akalain na alam ng lalaki ang Combination nito. Lalo siyang namangja, dahil sa ganda ng kuwarto. Napaka elegant ng mga palamuti nito sa loob na tanging sa mga mamahaling hotels lamang ito makikita.
Pumasok silang lahat sa loob ng Private Room at doon siya itinago ng lalaki, sa loob ng isang malaking cabinet..
"Dito ka lang at huwag kang lalabas.. Ipapakuha kita dito sa Manager ng Resto at ipapahatid sa bahay mo. Lagi kang mag-iingat at huwag magtitiwala sa kahit sino. Huwag ka rin lalapit sa kahit sinong lalaki, dahil mamamatay ang sinumang lalaki na kakausapin mo o hahawakan." bilin ng lalaki kay Eve, bago nito isara ang malaking Cabinet, kung saan siya inilagay ng lalaki.
Agad na isinara ng lalaki ang cabinet at mabilis din niyang hinugot ang kanyang dalawang baril sa kanyang likod. Ikinasa niya ito at muling humakbang patungo sa isang pinto. Pinindot niya ang button at pumasok sila sa loob ng private elevator. Ito ang ginagamit niyang elevator paakyat at pababa sa Basement car park. Tanging siya lang din ang pweding makagamit nito, dahil may facial and Palm scanner sa ibaba na tanging ang lalaking ito lamang ang kinikilala. Nakasunod lang sa kanya ang dalawang tauhan niya, hanggang makasakay na siya ng kanyang kotse.
"Sino ang mga bisita ko?" malamig na tanong ng lalaki sa kanyang mga tauhan na naiwan sa Basement. Patakbong lumapit sa kanya ang mga ito, pagkakita nila ang paglabas niya mula sa isang secret Room sa Basement carpark.
"Lord, mukhang nasundan kayo ng favorite person ninyo." agad na sagot ng isa niyang tauhan.
"Ganon ba? Sige, tayo na,at dalhin natin sila sa hindi mataong lugar. Maraming madadamay na inocenting tao dito." wika niya, bago isinara ang pinto ng kanyang kotse.
"Lord, saan banda natin sila dadalhin? Lahat naman ng lugar dito sa Maynika ay matao." tanong ng kanyang driver, habang palabas sila sa basement.
"Kahit saan, basta sa lugar na walang katao-tao at malayo sa kabahayan. Para makapang letchon tayo ng mga hayop!" matigas ang boses na sagot ng lalaki.
Magkakasunod na lumabas mula sa Basement carpark ang kanilang mga sasakyan. Nadaanan pa nila ang mga tao sa labas ng Restaurant na nagkakagulo dahil sa takot nila sa mga nasaksihan nilang barilan kanina sa loob at labas ng Restaurant. May ilang mga sasakyan din ang biglang nagliyab at sumabog sa parking lot na nasa harapanan mismo ng Restaurant.
Mabilis na umalis sa lugar ang apat na kulay itim na kotse at apat din na naka motor. Para silang nag-motorcade, dahil sa malalakas na mga bosina ng kanilang mga sasakyan. Matraffic kasi sa lugar, kaya halos hindi umusad ang mga sasakyan. Pauwi na ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay, kaya napakaraming mga sasakyan ang nakahirila sa mga kalsada.
MABILIS naman na sumakay ng kanilang Van ang mga armadong lalaki na nagtangkang pumasok kanina sa loob ng Restaurant. Pin@t@y pa nila ang dalawang Guard sa harapan ng Restaurant, upang makapasok sila sa loob. Ngunit ang hindi nila inaasahan ay napakarami palang tauhan ng taong pakay nila sa labas. Kaya doon sila nagkabarilan sa harapan ng Restaurant. Pinasabog pa ang dalawang kotse na gamit nila at isang motor. Kaya wala na silang masakyan, para humabol sa taong pakay nila. Kaya ang labas nila ay para silang sardinas sa loob ng Van. May mga nalagas pa sa kanila, kaya konti na sila at kinaya pa naman ng Van na isakay silang lahat.
"Ilang kotse ang nakasunod sa atin?" tanong ng naka itim na lalaki.
"Isan Van lang Lord. Pinasabog na namin ang dalawang kotse at dalawang motor kanina." sagot ng tauhan nito.
"Sa Expressway tayo, para ma-Letchon na kaagad ang mga hayop." sagot ng lalaking naka sombrero at itim na damit.
"Masusunod, Lord." agad na sagot ng kanyang driver at pinaharorot ang kotse, matapos mag green ang traffic light.
Sunod-sunod na umandar ang mga kotse at mabilis na lumabas sa expressway. Kailangan mailayo muna nila sa mataong lugar ang mga kalaban nila, bago nila harapin ang mga ito. Isa sa patakaran ng kanilang Lord ay ang walang madadamay na mga inocente sa laban nito.
Agad na naghanda ang mga tauhan ni Lord, para isakatuparan ang balak ng kanilang amo na pag Letchon sa mga kalaban nito.
Tuloy-tuloy naman ang kotse na sinasakyan ni Lord at iniwanan ang iba niyang tauhan na gawin ang trabaho nila.
SAMANTALA sa DYNASTY CUISINE.
"Evelyn Garcia, lumabas kana dyan at ihahatid na kita sa bahay mo. Tumayo kana dyan, dahil wala na ang mga kalaban, ay este, masasamang loob." wika ni sir Benjie, habang nakatunghay siya sa dalagang naka upo sa pinaka sulok sa loob ng malaking cabinet. Nanginginig pa rin ito sa takot, dahil sa mga pangyayari.
"Sir Benjie!" malakas na pagtawag ni Eve, saka mabilis na tumayo at yumakap sa lalaki.
"Aaaay! Bakit kaba nanyayakap? Bitawan mo ako... Ayaw ko pang mamat@@@@@y!" malakas na sigaw ng lalaki. Nasa boses din niya ang takot na baka mamatay siya na wala sa oras.
"Bakit ka naman mamam@tay, sir? Natuwa lang naman ako, dahil ligtas na ako. Ang buong akala ko kanina ay mamam@tay na ako dito. Kung natamaan ako ng bàla ng b@ril kanina, eh 'di dedo na ako." saad ni Eve sa lalaki.
Parang nandidiri pa na lumayo sa kanya ang kanyang Manager, habang pinapampag nito ang kanyang kasuotan at kamay. Akala mo ay napakadumi niya sa lagay na yun, dahil diring-diri sa kanya ang lalaki.
"Ah, basta! Sa susunod, huwag kang basta na lang yayakap sa akin o kahit sa sinong lalaki, kung ayaw mong may mam@tay sa harapan mo. Maging kargo de konsensya mo pa." tugon sa kanya ng lalaki.
Napanganga naman si Eve, dahil sa sinabi sa kanya ng kanyang Manager. Iniisip din niya kung paano mamam@tay sa harapan niya ang lalaking yayakapin niya.
"Tara na, baka magalit na sa akin ang nag..." wika ng lalaki, ngunit hindi niya tinapos ang iba pa niyang sasabihin. Bigla na lang itong tumalikod kay Eve, at nauna na sa may pinto.
"Sir Sandali, h'wag mo akong iwanan dito..." pasigaw na wika ni Eve, saka patakbong sumunod sa lalaki. Tama namang bumukas ang pinto ng elevator at sabay din silang pumasok sa loob.
"Dyan ka lang at h'wag kang didikit sa akin." wika ng lalaki sa dalaga, habang naka tapat ang palad nito sa kanya at nagsumiksik pa ito sa pinaka sulok ng elevator.
"Sir Benjie, bakit kaba nandidiri sa akin? Wala naman akong sakit na ketong. Tingnan mo nga ang balat ko, oh, diba ang kinis." saad ni Eve sa lalaki, sabay pakita ng kanyang magkabilang braso.
Bigla naman pumikit si Benjie na tila nakakatakot ang nasa harapan niya. Umusal din siya ng panalangin, upang iligtas siya sa kapahamakan.
"Mahabaging Maria, napupuno ka ng grasya. Ilayo mo po sa akin ang babaing ito na pag-aari ng iba. Maawa ka sa akin, inang Maria, huwag mong pahintulutan ang panginoon na kitilin ang aking buhay. Maawa ka sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. Ayaw ko pang mam@tay..." umiiyak na dasal nito, habang magakalapat ang dalawang palad at nakataas ito sa kanyang ulonan, habang nakayuko naman siya at mariing nakapikit.
"Sir Benjie, ayos ka lang?" nagtatakang tanong ni Eve. Lumayo na rin siya sa lalaki, dahil sa mga inaasta nito. Nawerduhan na siya sa lalaki at inisip pa niya na nababaliw na ito.
"Kunin mo na mga gamit mo. Hintayin na lang kita sa kotse ko." sabi ni Benjie, saka kumaripas ng takbo palabas ng elevator.
"Huh, anong nangyari kay sir? Bakit takot na takot siya sa 'kin?" nagtatakang tanong ni Eve sa kanyang sarili. Agad din siyang lumabas at kinuha ang kanyang bag sa lagayan niya at muling lumabas sa kusina.
"Eve, narinig mo ba ang mga putukan kanina? Naku kung alam mo lang kung paano nagkagulo ang mga tao dito sa Resto. Akala ko nga matatamaan na ako ng bala, kaya nagtago ako sa ilalim ng lamesa sa sobrang takot. Grabe! Parang yung mga napapanood ko sa mga pilikula na p@t@yan."
Napalingon si Eve, dahil sa boses ng kanyang kaibigan na si Haide. Magulo din ang buhok nito na tila sinabunutan.
"Oh, Haide, bakit nagkaganyan ang buhok mo? Huwag mong sabihin sa akin na sinabunutan ka ng mga masasamang loob?" nagtatakang tanong ni Eve sa kaibigan.
"Sinabunutan talaga ako bess... Pero hindi ng mga taong pumasok dito, kun'di yung ka-Date ni Mayor Cody. Nataranta kasi ako, kaya ako nagtago sa ilalim ng lamesa nila. Hindi ko naman alam na mga paa na pala ni Mayor Cody ang niyayakap ko. Kaya nagalit yung babaeng kasama niya at sinabunutan ako." nanghahaba ang nguso na sombong ni Haide.
"E, bakit kasi kailangan mong yakapin pa ang mga paa ni Mayor? Hayan tuloy ang nangyari sa'yo, bess. Mabuti't hindi ka kinalbo nung babae." may pag-aalalang tugon ni Eve, sa kaibigan.
"Good evening ladies!" malumanay na pagbati ng isang lalaki.
Agad na napatingin ang magkaibigan sa nagsalita at kapwa napaawang ang kanilang labi, matapos makilala ang lalaking bumati sa kanila.
"Good evening, Mayor." agad na pagbati ni Eve, sa lalaking bumati sa kanila.
"G-Good e-eve-ning, m-mayor..." kabadong pagbati din ni Haide. Nag-blush din siya at halos hindi makatingin ng deretso sa lalaking kaharap nila.
"Miss Haide, kung iyong mamarapatin, p'wede ba kitang ihatid sa inyo, para naman makabawi ako sa ginawa sa'yo ni Kim. Pasensya kana, Haide, hindi ko naman alam na ganon pala katapang ang babaeng yun." wika ni mayor Cody. Humingi din siya ng paumanhin kay Haide at nag offer pa na ihatid niya ang dalaga.
"Sige na bess, magpahatid kana kay mayor. Aalis na rin ako, ihahatid daw ako ni sir Benjie sa amin." paalam ni Eve sa kaibigan. "Mayor, ikaw na ang bahala sa kaibigan ko. Mauna na ako sa inyo." paalam ni Eve sa dalawa. Masaya din siya para sa kaibigan, dahil si mayor mismo ang lumalapit sa dalaga at nag offer pa ito na ihatid nito si Haide. "Bess, balitaan mo ako bukas ha?" pabulong na wika ni Eve sa kaibigan, bago tuloyang lumabas ng Restaurant.
Agad naman niyang nakita ang kotse ni sir Benjie na nakaparada sa mismong entrance ng Restaurant. Kanina pa pala ito naghihintay sa kanya at bakas din sa mukha ng lalaki ang pagkainip.
Mabilis na sumakay si Eve sa loob ng sasakyan at inilagay ang kanyang seat belt. Hindi na lang siya nagsalita pa, dahil natatakot siyang mapagalitan na naman ng kanyang manager na masungit.
"Ang tagal-tagal mo!" reklamo sa kanya ni sir Benjie.
"Sorry sir. Nagpaalam pa kasi ako kay Haide, kaya ako natagalan." paliwanag niya sa lalaki.
"Siguraduhin mo lang na si Haide ang dahilan, at hindi si Mayor Cody. Kahit mayor pa yun dito sa Maynila, hindi yun sasantuhin ng taong nakabantay sa bawat galaw mo, Eve. Kaya kung ayaw mong may mawalan ng buhay sa mga nakakasalamuha mong tao ay mag-iingat ka. Mas mabuting lumayo kana lang sa mga lalaki, para maisalba mo na rin ang mga buhay nila." wika sa kanya ni sir Benjie.
Nahihiwagaan naman na napatingin si Eve sa kanyang manager, dahil nagiging bukam bibig na nito ang mga sinasabi nitong mam@m@t@y ang sino mang lalaki na lalapitan niya at kakausapin.
"Sir, ano bang pinagsasasabi mo? P'weding paki linaw naman, para alam ko ang ginagawa ko. Anong alam mo sa mga p'weding mangyari sa paligid ko? Marunong kabang manghula? May third eye kaba, sir?" naguguluhan na tanong ni Eve sa lalaki.
"Mas mabuting wala kang alam, para sa kaligtasan mo, Eve. Malalaman mo rin ang lahat, kapag dumating na ang tamang araw. Sa ngayon ay sundin mo na lang ang mga sinasabi ko sayo, para walang mapahamak na tao sa paligid mo." sagot ng lalaki na hindi man lang sumusulyap sa kanya. Deretso lang sa daan ang tingin nito at halos hindi rin gumalaw, dahil sa takot.
"Weird!" sambit ni Eve.
Hindi na lang niya pinansin pa si sir Benjie, dahil alam niyang wala siyang makukuhang sagot sa kanyang mga tanong mula sa lalaki.