Pagligtas kay Eve‼️

2982 Words
PAGDATING ng kotse ni sir Benjie sa harap ng bahay nina Eve, ay mabilis din bumaba ang lalaki at pinagbuksan pa ng pinto ang dalaga. "Thank you, sir." nahihiyang pasalamat ni Eve sa lalaki. "Sige na, pumasok kana sa loob at huwag kanang lalabas. Baka mag alburoto ang bulkan at magbuga ng apoy. Masunog pa ang bahay niyo." patalinghagang tugon ng lalaki. "Huh, bulkan? May bulkan ba dito sa Maynila, sir? Parang wala naman akong maalala na merong bulkan dito sa Maynila. Sa Zambales, p'wede pa." naguguluhang tanong ng dalaga. "Basta, wala ng maraming tanong-tanong pa. Kung maaga kang lumabas sa University bukas, dumeretso kana sa Resto, para makapaghanda tayo para sa isang event. Kailangan kita sa tabi ko bukas, Eve, kaya huwag kang late." masungit na sabi sa kanya ng lalaki, bago muling pumasok sa sasakyan nito. Agad naman na pumasok si Eve, sa loob ng kanilang bahay. Hindi na rin niya pinansin pa si sir Benjie, dahil hindi rin niya ito maunawaan. Napapansin din ni Eve, na madalas itong may sinasabi sa kanya na mga salitang hindi niya maunawaan. Binalewala na lang ito ng dalaga, dahil hindi rin niya maunawaan ang mga pinagsasasabi ng lalaki. Pagod na rin siya sa maghapon, kaya gusto niyang maligo na lang at matulog. Aagahan na lang niyang gumising bukas, upang makapag review siya sa kanilang Library. Lalo din sumasakit ang kanyang ulo, dahil muli niyang naalala ang mga pangyayari sa Restaurant kanina lang. Mula sa baliw na VIP costumer nila, hanggang sa mga masasamang loob na nagtangkang pumasok sa Resto. Pagpasok ni Eve, sa loob ng kanilang bahay ay tuloy-tuloy din siyang pumasok sa loob ng kanyang kuwarto. Ibinaba muna niya ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng kanyang lamesa at saka siya kumuha ng tuwalya at bihisan niya, saka muling lumabas ng kuwarto at pumasok sa kanilang banyo. Nasa may kusina kasi ang maliit nilang banyo, kaya kailangan pa niyang lumabas ng kanyang silid. Gaya ng dati ay hindi parin dumarating ang kanyang ama, kaya mag-isa pa rin siya sa kanilang bahay. Hindi rin alam ni Eve, kung anong oras ito uuwi, kaya hindi na lamang siya nagtaka dahil sanay na naman siya. Habang naliligo si Eve, ay muli niyang naalala ang lalaking VIP costumer nila kanina. Naalala din nito ang sapilitan na pagpapaupo sa kanya ng lalaki at pinakain siya kasama nito na tila isang Date ang nangyari. Hindi naman niya nakilala ang lalaki at pati mukha nito ay hindi rin niya nakita, dahil sa malaking sombrero nitong halos tumakip sa kanyang mukha. "Sino kaya ang lalaking yun? Bakit kailangan niya akong paupuhin sa harapan niya at kumain kasama niya? Itinago pa niya ako sa loob ng isang Private Room na tila isa akong importanting tao na hindi maaring masaktan." tanong ni Eve, sa kanyang sarili. Bahagya din siyang natigilan sa pagbubuhos ng tubig sa kanyang katawan, dahil sa naalala. "Pero ang sarap sa pakiramdam na makayakap ang lalaking yun. Sino kaya siya? Sana magkita pa kami ulit." sabi niya sa kanyang isipan. Parang nakaramdam din siya ng pagkakilig, dahil sa kanyang iniisip. "Hoy, Eve, umayos ka! Hindi mo nga kilala ang lalaking yun, pero kinikilig ka dyan." pagkastigo niya sa kanyang sarili. Hanggang sa mapagpasyahan niyang tapusin na ang paliligo, upang makapag pahinga na rin siya. Kailangan na niyang matulog, upang maaga siyang magising kinabukasan. KINABUKASAN, maagang nagising si Eve, upang gawin muna ang kanyang mga trabaho sa kanilang maliit na inuupahang bahay, bago siya maghanda sa kanyang pagpasok sa paaralan. Nag-plansa pa siya ng kanyang mga damit na susuotin, kasama na rin ang mga pangtrabaho ng kanyang papa. Paglabas ni Eve sa kanilang bahay nang mapansin niya ang isang itim na kotseng nakaparada sa bandang harapan ng kanilang bahay. Wala naman siyang makitang tao sa loob ng kotse, dahil tinted ang mga bintana nito kaya nilampasan na lamang niya ito at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa sakayan ng Jeep. Agad din siyang nakasakay, dahil tama naman na may pumarang Jeep sa kanyang harapan. Agad siyang pumasok sa loob ng Jeep, dahil napakaraming tao ang naghihintay sa paradahan. Nagpasalamat pa siya, dahil sa mismong tapat niya tumigil ito at sakto talaga na makakapasok siya kaagad. Maagang nakarating si Eve, sa University dahil nakasakay kaagad siya ng Jeep. Madalas kasi siyang nahuhuli, dahil hindi siya kaagad nakakasakay. Napakaraming tao kasi ang nag-aabang ng masasakyan nila araw-araw, kaya nahihirapan talaga siya sa kanyang pagsakay. Pawisan na rin siya, kapag nakasakay siya ng Jeep, dahil sa init ng sikat ng araw. Wala kasing masilungan sa lugar na iyon, kaya nakabilad silang lahat sa init ng sikat ng araw. Pagdating ni Eve sa Campus ay naglakad siya patungo sa isang building kung saan naroroon ang kanilang Canteen. Para kasing nauhaw siya, kaya balak niyang bumili muna ng maiinom, bago siya pumunta ng Library. Hanggang mapahinto siya sa paglalakad dahil sa narinig niyang tumawag sa kanyang pangalan. "Eve, wait!" malakas na pagtawag sa kanya ng isang babae sa likuran. Napalingon naman si Eve, dahil nakilala niya ang boses na iyon na tumatawag sa kanya. "Ang aga mo ngayon, girl. Hindi na ba ma-traffic ang Edsa?!" tanong ng kaibigan ni Eve, na si Cathy. "Cath, ikaw pala. Kararating mo lang din ba?" balik tanong niya sa kaibigan, dahil galing ito sa dereksyon ng mga kotse na naka Park, mula sa kanilang Parking Lot. "Oo, halika, doon muna tayo sa Canteen, para makapag meryenda muna tayo at maka pag-usap naman tayong dalawa ng matagal-tagal. Malapit na rin ang Graduation natin, girl, baka hindi na tayo magkita pagklatapos nito. Pupunta na kasi ako sa States, kinikuha na ako doon ng Mommy ko. Hinintay lang talaga niya na makatapos ako ng College dito sa Pilipinas, saka ako pinitisyunan." wika ni Cathy, na naging kaibigan niya sa University. Si Cathy ang una niyang naging kaibigan sa University na pinapasukan, at pareho din silang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Business Management. Sa apat na taon na inilagi nila sa University na yun ay tila magkapatid na rin ang turingan nila sa isa't-isa. "Ganon ba? Nakakalungkot naman. Ikaw na nga lang ang nag-iisang kaibigan ko dito sa Campus, tapos aalis kapa, iiwan mo na pala ako dito." malungkot na tugon niya sa kaibigan. Napatingin din si Eve sa ibaba, upang itago ang mga mata niyang nagbabadya na bumuhos ang masaganang luha. Nasasaktan din siya, dahil sa isipin magkakalayo na sila ni Cathy. "Ano kaba, huwag ka naman umiyak dyan. Aalis lang ako, pero hindi naman ibig sabihin nun na kakalimutan na kita. Tatawag pa rin ako sayo ng madalas at kahit mag video-call pa tayo araw-araw, para lang makita natin ang isa't-isa." saad ni Cathy. Agad din niyang hinawakan ang ang magkabilang pisngi ni Eve, at tinitigan ang magandang mukha ng kaibigan. "Hayaan mo, at kapag nakahanap na ako doon ng magandang trabaho ay tutulongan kitang makapunta din ng States." sabi pa nito, upang gumaan ang pakiramdam ng dalaga. "Nalulungkot lang ako sa nalalapit mong pag-alis, Cath, pero masaya ako para sayo dahil magkakasama na kayo ng Mommy mo sa States. Diba, ito yung pinakahihintay mo noon pa? Ang makatapos na ng pag-aaral at makapunta na sa States, upang makasama siya. Mag-iingat ka doon ha! Huwag mo akong isipin dito, dahil hindi ko rin kayang iwanan si papa. Kami na lang din dalawa ang magkasama sa buhay, kaya dito lang ako, para may makasama siya." sagot ni Eve sa kaibigan. Niyakap din niya ito ng mahigpit bilang pamamaalam. "Tara na nga sa Canteen, bago pa tayo magkaiyakan dito." nakangiting saad ni Cath, at magkasama nga silang dalawa na nagtungo sa Canteen ng University. Naglakad ang dalawa patungo sa Canteen ng Campus, habang nag-uusap. Nag-order lang sila ng kanilang makakain sa counter at umupo sa isang gilid, upang maka pag-usap sila ng masinsinan. Spaghetti, Pizza at softdrinks ang order nilang dalawa at pinagsaluhan nila yun, habang nag-uusap sila. TATLONG mga lalaki naman ang pumasok sa loob ng Canteen at umupo sa katabi nilang table. Napaka ingay din ng mga ito at tila walang takot na gumawa ng kahit anong gulo sa loob ng Canteen. Halatang mga anak mayaman ang tatlong lalaki. Ang isa ay may kulay pa ang buhok at napakaraming alahas. Ang isa naman ay medyo mahaba ang buhok na tila isang Koreano kung manamit. Napaka puti din ng kutis nito na katulad ng mga hinahangaan sa Television na K-Pop Artist. Nakilala naman ni Eve, ang isang lalaki, dahil ito lamang ang lalaking bastos na nanggulo sa kanya sa Library noon nakaraan. Inirapan lang ni Eve ang lalaki, kahit halatang nagpapapansin ito sa kanya. Nagsuklay pa ang lalaki at inayos ang suot nitong puting polo na bukas ang ilang botones nito sa harapan. Kaya kitang kita ang mabato at mabuhok nitong dibdib. Hindi sana papansinin nina Eve at Cath ang mga ito, ngunit halos hindi na sila magkarinigan na magkaibigan, dahil sa ingay ng mga lalaki. Kinakalampag pa ng isang lalaki ang ibabaw ng table na tila isa itong drum, kaya lalong hindi maka pag-usap ang dalawang magkaibigan. "Tara na, sa classroom na lang tayo mag-usap. Maaga pa naman, kaya siguradong wala pa ang prof. natin." saad ni Cath, sabay tayo at hinila ang kamay ni Eve. Nagulat naman si Eve, dahil meron din isa pang kamay ang biglang humila sa kabila niyang kamay. Napalingon siya sa taong may kagagawan ng pagkakahila sa kanya pabalik sa upuan. Bigla din nagdilim ang kanyang mukha, dahil sa taong may gawa noon sa kanya. "Ikaw na naman!?" galit na tanong ni Eve, sa lalaking pangahas na humawak sa kanyang kamay. Ginamit din niya ang lahat ng kanyang lakas, upang bawiin ang kanyang kamay, mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng lalaki, ngunit hindi naman niya kaya ang lakas nito. "Ako nga, Honey! Did you miss me?" nakangising sagot ng lalaking may hawak sa kanyang kamay. "Bitiwan mo ako, hayop ka! Bastos!" bulyaw ni Eve sa lalaki. Hindi naman natakot ang lalaki, kahit alam nitong galit na sa kanya ang dalaga. Parang proud pa siya sa kanyang sarili, dahil sa ginagawa nito sa dalaga. "Hoy! Ano ba, bitawan mo nga ang kaibigan ko!" malakas na sigaw ni Cath, sa lalaking pangahas. Hinampas pa niya ng books ang lalaking may hawak sa kamay ng kaibigan. Nagtawanan naman ang mga kasama nitong lalaki at tila tuwang-tuwa din ang mga ito sa mga pangyayari. Bigla din lumabas sa Canteen ang ibang estudyante, dahil sa takot nila na madamay sa gulo. Ang mga staff naman ay pumasok sa loob ng pinaka counter ng Canteen at doon sila tumayo. "Hawakan ang isa at dalhin sa labas. Sa inyo na yan, magpakasawa kayo sa katawan niya. Akin lang itong si Miss Beautiful, walang makikialam sa inyo." wika ng lalaking pinaka leader nila na walang iba kundi si Dereck Teo. Ang bunsong anak ng may-ari ng University na pinapasukan nila. Kilala na din ang lalaki sa mga kalokohan nito sa loob ng Campus. Wala naman naglalakas loob na suwayin siya, dahil natatakot ang lahat dahil pag-aari ng pamilya nito ang University. "Help! Heeeelp!" malakas na sigaw ni Eve, saka niya inapakan ang paa ni Dereck. "Aaaah! Aray ko, b*tçh! Magbabayad ka sa ginawa mo sa akin. Wala pang sino na babae ang nakakagawa nito sa akin. Ikaw pa lang ang unang naglakas loob na saktan ako, kaya humanda ka sa akin, babae ka! Magbabayad ka." galit na galit na wika ni Dereck, saka niya kinaladkad si Eve, palabas sa Canteen. Kahit anong sigaw ni Eve na humingi tulong sa mga tao sa paligid ay tila wala naman silang naririnig. Nakatingin lang ang mga staff ng Canteen sa kanila. Wala silang magawa dahil natatakot din silang lahat na matanggalan ng trabaho, kung makiki alam sila. Napakarami na rin kasing natanggal noon sa trabaho, dahil kay Dereck Teo. Kaya walang nangangahas na kalabanin ang binata, upang hindi sila mawalan ng trabaho. Nabalita din na kahit saan ay hindi na sila makakapagtrabaho, kapag si Dereck Teo ang nagpa-ban sa kanila. "Bitawan niyo ako!..." malakas na sigaw ni Cath, habang buhat siya ng dalawang lalaki, patungo sa likod ng Canteen ng University. "Palaban 'to, Pare, excited na akong patùwàrin siya sa loob ng kotse. At ang bango-bango pa. Hmmm!" sabi ng isang lalaki na may buhat kay Cath. Inamoy din nito ang buhok ng dalaga at inilabas pa ang dila, saka ipinadaan ito sa bansang sintido ng dalaga. "Oo, Pare. Ako naman ang mauna ngayon, kasi ikaw naman ang nauna noon nakaraan, kaya ako naman ngayon ang mauuna sa babaeng ito." sabi naman ng kasama nito. "Mga walang'ya kayo! Mga demonyo! Manyak!" umiiyak na sigaw ni Cath. "Heeeelp!, heeeeeeelp, heeeeeeeeeelp!" malakas naman na sigaw ni Eve. Halos malagutan na rin siya ng litid sa leeg niya sa lakas ng kanyang sigaw, ngunit walang pumapansin sa kanila. Parang walang nakikita at naririnig ang mga nadadaanan nilang staff ng University. Kahit nakikita na ng mga ito na nasa panganib na silang magkaibigan ay hindi man lang gumawa ng paraan ang mga ito na matulungan sila. "Bitawan mo ako, hayop ka!" malakas na sigaw ni Eve, habang pilit na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak sa kanya ni Dereck. Ngunit napakalakas ng lalaki at sa liit ng pangangatawan ni Eve ay napaka imposibleng kaya niyang labanan ang lalaki. Sapilitan siyang dinala sa loob ng isang kotse na naka parada sa likod ng school canteen. Dito madalas na nag park ng kotse si Dereck at mga kaibigan niya. Para mabilis silang makakaalis, kapag may mga babae silang nagustuhan at sapilitang kukunin mula sa loob ng Campus. PAGKAPASOK niya kay Eve sa loob ng kotse ay bigla naman meron humatak kay Dereck at bigla na lang siyang hinagis sa may pader. "Huuuugkkk!" ungol niya, matapos siyang masaktan sa lakas ng impact ng kanyang pagbagsak. ''Papat@yin kitang hayop ka!'' malakas na sigaw ng isang lalaking may malaki at matigas na boses. Kahit sino ay matatakot sa laki ng boses nito na tila boses ng isang General sa Military. Malalaki din ang hakbang ng lalaking matangkad at may malaking katawan, palapit kay Dereck Teo, na nahihirapan na bumangun mula sa pagkakabagsak nito sa semento. ''Aray ko!'' daing ni Dereck, habang hawak nito ang kanyang baywang. ''Nagkamali ka ng kinatalo mo, bata. Alam mo bang isa sa pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pinapakialaman ang pag-aari ko?.'' galit na galit na wika ng lalaking naka suot ng mahabang kulay itim na Coat at may malaking sombrero na halos tumakip na sa kanyang mukha. May nakapasak din na malaking tabacco sa kanyang bibig at patuloy pang nagbubuga nito ng usok. Tumayo naman si Dereck at kuyom ang kamaong lumapit sa lalaki at inundayan niya ito ng suntok sa mukha. Galit na galit ang binata, dahil ngayon lang meron naglakas loob na banggahin siya. Nasanay na kasi siya na walang sino man ang p'weding pumigil sa mga naisin niya. Kaya ngayon na may naki alam sa kanyang mga gagawin ay gusto niyang basagin ang pagmumukha ng lalaking pangahas. ''Hindi mo ba ako kilala? Alam mo ba kung sino ang binabangga mo? Para malaman mo na pag-aari ng pamilya ko ang University na ito, kaya gagawin ko lahat ng gusto ko dito na walang p'weding maki alam sa akin.'' wika ng lalaki, sabay suntok sa mukha ng lalaking naka itim na naki alam sa kanya. Ngunit sa gulat ni Dereck, dahil hindi umabot ang kanyang kamao sa mukha ng lalaki at hindi man lang ito gumalaw sa kinatatayuan nito. Ni hindi nga yata kumurap ang mga mata ng lalaki at nanatiling nakatingin lang ito sa kanya. ''Kahit anak ka pa ng Presidente ng Pilipinas, hindi ako natatakot sayo. At ipinagmalaki mo pang anak ng may-ari ng University! P'weeee!'' pasigaw na wika ng lalaki, kasabay ng paghawak nito sa leeg ni Dereck at mahigpit niya itong hinawakan at itinaas sa ere. Biglang namula ang maputing mukha ni Dereck, habang pilit niyang binabaklas ang isang kamay ng lalaki na nakahawak sa kanyang leeg. Ngunit napaka higpit nito at napakalakas din ng lalaki, dahil kaya siyang i-angat sa ere na isang kamay lang ang gamit. Ang mga tauhan naman na kasama ng naka itim na lalaki ay pinanguha ang mga kaibigan ni Dereck at ipinangtali gamit ang mga plastic cable. ''Boss, maawa kayo sa amin, hindi na kami uulit!'' umiiyak na wika ng isang lalaki na blode ang buhok, habang nakatali sa isang poste. Sina Eve at Cathy, naman ay magkayakap na umiiyak sa gilid habang pinapanood nila ang mga lalaking nagpapahirap sa magkakaibigan na nagtangka sa kanila ng masama. ''Talagang hindi na kayo makakaulit, dahil kakapunin na namin kayo!'' malakas na sabi ng isang tauhan ng lalaking nakasuot ng itim na coat at may sombrerong malaki na tumatakip sa mukha nito. ''Magkano ang kailangan mo at hihingi ako sa Daddy ko, pakawalan mo lang ako dito. Sabihin mo at tatawagan ko kaagad ang Dad ko.'' wika ni Dereck, na may kasamang pagkaangas ang tono nito, kahit nahihirapan na sa paghinga. ''HAHAHAHAAAAA! Hindi ko kailangan ang pera ng pamilya mo, bata. Dahil walang kabayaran ang ginawa mong paghawak sa pag-aari ko.'' sagot ng lalaki, saka muling itinaas ang kanyang kamay na nakahawak pa rin sa leeg ni Dereck. ''Kunin silang lahat at ikulong sa loob ng Bartolina, hanggang mabulok sila sa loob.'' utos ng lalaki sa kanyang mga tauhan. Agad naman silang nagsipag kilos at kinuha nga nila ang mga lalaki at dinala sa loob ng kanilang sasakyan. Matapos mailabas ng mga tauhan niya ang magkakaibigan ay hinarap naman ng lalaking naka itim ang dalawang dalaga na nanginginig sa takot. Humakbang ang lalaki palapit sa kanila at hinawakan ang braso ni Eve, bago nagsalita. ''You may return to your classroom now and put today's events behind you. Take a good care of yourself... '' wika ng lalaki sa malumanay na boses, ngunit hindi man lang ito tumingin sa kanya. Mabilis din na umalis ang lalaki at tila nilipad lang ito ng hangin sa bilis nitong nawala sa harapan nilang magkaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD