KAHIT NAKASARADO na ang pinto ng bahay nila Eve, ay hindi pa rin umaalis ang mga kapit-bahay nilang osyosera't osyosero. Patuloy lang ang mga ito sa pag-uusap tungkol sa mga magagarang sasakyan na nakita nilang dumating kanina. Mas lalo pa silang na-curious, dahil nakita nilang bumaba si Eve, mula sa Limousine. Hindi kasi pangkaraniwan ang ganitong tanawin sa lugar, kaya nakalaking essue, kapag may nakikitang kakaiba ang mga tao. "Sino kaya yung naghatid kay Eve, mareng Ruby? Manliligaw kaya niya 'yon?" tanong ni Brenda. "Siguro nga maring Brenda. Naku, hindi rin yan magtatagal sa panliligaw kay Eve, kapag nalaman niya kung anong klasing ama ang meron ang nililigawan niya. Baka nga hingian pa yan ng pera ni Diego, kapag nakita niya na may kaya sa buhay ang nanliligaw sa anak niya." sag