KINAGABIHAN ay parang ayaw matulog ni Eve, dahil sa takot niya baka balikan na naman siya ng multo. Baling siya ng baling sa higaan at hindi rin siya mapakali. Hanggang sa biglang may kumatok sa kanyang pinto, sabay bukas ito at pumasok si Edna, sa loob. May dala din ang babae na gatas at biscuits, para daw sa kanya, upang maging masarap ang kanyang tulog. Muling bumangon si Eve, upang inumin ang gatas. Natuwa din siya dahil gatas talaga ang laagi niyang iniinom sa gabi, upang makatulog siya kaagad, kapag natapos na siya sa kanyang mga gawain. Kung noon nag-aaral siya ay gusto niyang mag kape. Noong nagtatrabaho naman siya ay gatas naman ang kanyang iniinom, upang makatulog siya kaagad at makapag pahinga ng mabuti, upang maaga siyang magising kinabukasan at magawa ang kanyang mga gawaing