"DIOS KO! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako naka hubo't hubad na nagising ngayon? Sino ang nagtanggal ng mga damit ko? Hindi kaya may multo sa kuwarto na ito?" tanong ni Eve, sa kanyang sarili, habang mahigpit ang pagkakayakap niya sa kanyang comforter. Hindi rin siya makatayo, dahil sa takot na kanyang nararamdaman. Iniisip din ni Eve, na baka pinaglalaruan na siya ng maligno. Kung dati ay hindi siya naniniwala sa multo, ngunit ngayon ay naniniwala na siya na meron ngang multo. Dati sa CR ng kanyang opisina niya lang ito nararamdaman, ngayon naman ay dito na sa napakagarang silid na kanyang kinalalagyan. "MULTO!!!!" malakas na sigaw ni Eve, nang biglang bumukas ang pinto ng kuwartong kanyang kinalalagyan. Agad din siyang nagtalukbong ng Comforter, dahil sa takot niya na merong pu