EVE's POV KANINA pa ako dito sa tabi ng dagat, dito sa Manila Bay. Namumugto na rin ang mga mata ko sa kakaiyak, dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib. Para akong pinagsakloban ng langit at lupa, matapos kung makita ang asawa at mga anak ni Crush. Ang tanga ko, bakit kasi hindi ko naisip na baka nga may pamilya na siya ngayon. Sa edad naman niyang 35 years old, ay napaka imposible talagang wala pa siyang pamilya. Kaya ngayon na nakita na ng dalawang mata ko ang mag-iina ay para naman akong basang sisiw na biglang nawalan ng tahanan, dahil ang pinapangarap kong tahanan ay may iba na palang nagmamay-ari. Inaamin ko na nagulat ako sa pagdating ng asawa ni crush, at lalong kinagulat ko ang nakita kong mga anak na dala nung babae. Pero ang makita silang masaya na nagyayakapan at