WALANG NAGAWA si Eve, nang sapilitan siyang kinuha ng mga lalaking malalaki ang katawan. Kahit pinipigilan sila ng Papa niya at lumuhod pa ang matanda sa harapan ng mga ito ay hindi pa rin nakinig ang mga lalaki. Ang katwiran nila ay inutusan lamang daw sila ng kanilang Boss na si Gao Yalun, upang kunin ang kabayaran sa pagkakautang ng Papa niya. Isinakay si Eve, sa loob ng isang magarang kotse na kulay itim. Tinangka din niyang buksan ang pintuan ng kotse, ngunit hindi na ito magbukas. Kahit anong pihit ang gawin niya sa pintuan ay ayaw talaga nitong mabuksan. May harang din ang harapan ng kotse, kaya hindi niya makita ang Driver ng sasakyan. Kahit anong pagsigaw at pakiusap niya sa mga taong nasa harapan ng kotse ay hindi rin siya pinansin ng mga ito. Tila mga bingi ang mga ito at hindi