''Hanapin niyo ang asawa ko, ibalik niyo siya dito sa opisina ko ngayon din.'' mariin utos ni Aaron, habang kausap niya ang kanyang kanang kamay. Agad din niyang pinatay ang tawag, saka muling bumalik sa loob ng kanyang opisina upang kausapin si Samantha at mga anak nito. Si Samantha ay half sister ni Aaron. Lumuwas ang mag-iina, upang dalawin siya sa Maynila. Lagi kasing hinahanap ng triplets si Aaron, kaya pinagbigyan ng kanyang kapatid ang kahilingan ng mga anak nito na makita ang kanilang Daddy Aaron. ''Anong nangyayari? Bakit ganyan ang mukha mo?'' nagtatakang tanong ni Sam, kay Aaron. Kilala na rin niya ang kanyang kapatid kapag may problema ito, dahil parang gustong magdikit ang makapal na kilay nito kapag naka kunot ang noo nito. Hindi rin maipinta ang tabas ng mukha ng lalaki,