"Ang sama talaga ng ugali mong hudas ka! Ang sakit ng likod ko dahil sa libro mong lumilipad. Gawin ko rin kaya sayo yun, kapag ikaw naman ang nagawi sa teretoryo ko." may halong galit na wika ni Paul sa kaibigan. "Sino ba kasing may sabi sayo na titigan mo at kawayan ang asawa ko, gago!" Pasalamat ka dahil yan lang ang inabot mo sa akin, dahil nakapag pigil pa ako. Baka mapugutan kita ng ulo sa susunod, kapag muli mo pang tiningnan ng ganon ang pag-aari ko." galit na sagot ni Aaron sa kaibigan. "Ano kamo? Asawa? H-How, kailan ka kinasal, at bakit hindi ko nalaman?" sunod-sunod na tanong ni Paul sa kaibigan. ''Bakit tatay ba kita, at kailangan kong magpaalam pa sayo, upang pakasalan ang babaeng nagugustuhan ko?'' pambabara naman ni Aaron sa kaibigan. ''Ang sabihin mo kuripot ka! Ay