CHAPTER 3: Sweetheart

726 Words
"Alliyah, mag-lunch ka na. Gutom na gutom na talaga ako eh. Ako na dyan." Kakausapin ko na sana ang nakatalikod sa akin na matangkad na lalaki nang biglang dumating itong partner ko sa area ko na si Jaypee. Bawat area or bawat brand ng shoes dito sa men's shoes department or siguro sa ibang section din ay dalawang clerk ang magkakasama. Dapat ay may partner kang isa dahil maghahalinhinan kayong dalawa sa oras niyo especially sa break time or kapag kailangan mong jumingle tapos (sasaglit ka sa locker para sumilip sa cp mo. Wahahah joke lang!) Bawal 'yun. Saka wala na akong cp, ninakaw niyong poging katabi ko sa jeep. Hmp! "Eh bakit kasi hindi ka na lang muna kumain bago nag-in?" sagot ko sa kanya. "Male-late na kasi ako eh. Good morning, Sir!" sagot niya sabay bati sa customer habang nakangiti. Hindi ko na tiningnan pa si customer. "Oh sige, mag-out na ako." Tumango na lang siya bago muling binalingan ang kanyang customer. Lumapit na ako kay Chelle at niyaya na rin siya dahil nariyan na rin naman ang partner niya sa kanyang area. Dahil nasa men's shoes department kami ay boys ang aming mga ka-partner sa area. Tapos ay mga pogi pa. Mehehehe. Siyempre, kailangan with pleasing personality daw na gaya ko. Oh 'di ba, ganda ko kaya. Huwag kayong umangal dyan. "Tara na?" 'aya ko kay Chelle at kaagad naman siyang tumango. May customer din siya pero iniwan na niya sa partner niyang si Zhian. "Alliyah, may adobo akong ulam. Gusto mo?" nakangiting alok na naman sa akin ni Zhian. Halos araw-araw na nga niyang ginagawa iyan sa akin. Siguro ay mayaman sila sa grocery o kaya naman ay may-ari ng palengke. Mukhang marami silang pang-ulam eh. Inabot niya sa akin ang susi ng kanyang locker at walang atubili ko naman itong kinuha. Mwahahaha. Kapal muks ako eh, bakit ba? Ni-share ko rin naman sa kanya ang ulam ko. Mabait kaya ako. "Antay niyo 'ko!" sigaw ni Sam. Lakas talaga ng boses ng babaeng 'to. Lagot na naman 'yan kapag narinig siya ni manager na sumisigaw. Nagpatuloy na kami sa aming paglalakad paalis sa selling area nang bigla akong matigilan. Wait. May nakalimutan ako! "Guys, mauna na kayo ha may nakalimutan ako eh." "Huh? Ano ba 'yun?" tanong ni Chelle. "'Yung shoes ni Sir, nakalimutan ko!" "Oh sige na, mauna na kami. Sa canteen na lang kami maghihintay ha," saad naman ni Sam. "I-reserve niyo na lang ako ng upuan," huli kong sabi at saka ako nagmadaling tumalikod at bumalik sa aking area. Kailangan kong magmadali dahil sayang ang ilang minutong mababawas sa one hour break ko. Nang makalapit na ako sa aking area ay kaagad kong natanaw si Jaypee, ang partner ko na kausap ang iniwanan kong customer kanina. Ngunit dahan-dahang kumurba ang aking noo nang mapagmasdan ko na ang mukha ng pamilyar na lalaki. Kusang bumagal ang paghakbang ng aking mga paa habang nakatitig sa kanya lalo na at taimtim din siyang nakatitig sa akin. Nagsimulang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Hindi ako maaaring magkamali. Siya 'yun, di ba? Si kuyang Pogi na nakatabi ko kanina sa jeep at naamoy ang mabango niyang pabango. Nang tuluyan na akong makalapit ay hindi pa rin mawalay ang aking mga mata sa kanya. Bakit ang unfair? Ang pogi talaga niya eh! Humaygad! Pero hindi! Magnanakaw siya! "Ang cellphone ko," sabi ko sa kanya sa kalmadong boses but deep inside me, nangangatog ang mga lamang loob ko at halos tumalon na ang puso ko patungo sa kanya. Charot. Kalma, Alliyah. Magnanakaw 'yan. Ngumiti na siya ng tuluyan kaya naman naglitawan ang mala-colgate commercial na mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin! "You remember me," nakangiti niyang sagot. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ibalik mo sa akin ang phone ko. Hindi ako nakikipagbiruan," seryosong sabi ko sa kanya. "Later, sweetheart," nakangiti niyang sagot kasunod ang pagtalikod sa akin at paglakad papalayo. Naiwan akong nakanganga mula sa aking kinatatayuan. Iyon na 'yun? Haayst! Halos mapapadyak ako sa sahig dahil sa sobrang inis! Humanda talaga siya sa akin mamaya! Kukunin ko na sana ang naka-box na shoes na nakapatong sa isang rack nang mapansin ko kutong-lupa na nakatayo sa pinto ng stockroom at taimtim na nakatitig sa akin. Wala akong mabasang anumang emosyon sa kanyang mga mata. Ano naman kaya ang problema niya? Mukhang bigla siyang na-bad mood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD