CHAPTER 4: First Kiss

1059 Words
EMPLOYEE'S CANTEEN "Why so tagal?! Gutom na gutom na kami eh. Fifteen minutes nashayang na orash," reklamo ni Chelle habang punong-puno ng pagkain ang kanyang bunganga. Maingay dito sa canteen. Sabay-sabay kasi ang breaktime ng mga opening shift. "Kumakain ka na nga eh nagrereklamo ka pa," sagot ko naman habang umuupo sa tabi ni Sam na abala na rin sa pagkain at pagdotdot naman sa kanyang cellphone. Bigla ko tuloy naalala ang cellphone ko! Haayst! Binuksan ko na ang baon ko at ganun din ang baon ni Zhian. Hindi ko maiwasang kiligin dahil may namigay na naman ng ulam sa akin sa araw na ito. Ang bango-bango pa naman at mukhang masarap! "Penge naman! Nakakaselos na talaga kayong dalawa ni Zhian, ah. Laging share sa food? Mag-jowa lang?" saad muli ni Chelle habang nakadungaw sa aking mga pagkain ngunit patuloy naman sa kanyang pagnguya. "Gano--" "Hi, guys!" sasagot na sana ako nang biglang sumulpot si kutong-lupa na may napakagandang ngiti sa kanyang mga labi. Parang kanina lang ay kakaiba ang mood niya, ah. Bipolar lang? "Anong ulam mo, Sir? Penge," tanong kaagad ni Chelle sa kanya. Garapal talaga itong babaeng ito, eh. "Sure. Ikaw, baby ko?" baling naman sa akin ni Dylan ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin. Malakas lang ang loob ko na landiin siya kapag sa mini radio kami nag-uusap at nasa stock room siya sa mga oras na iyon. Pero kapag kaharap ko na siya ay natatameme na ako. Nakakahiya dahil manager pa rin siya. "Anong gusto mo sa akin, maging baboy? Tingnan mo nga ang pagkain ko?" nakanguso kong sagot habang itinuturo sa kanya ang mga pagkain sa aking harapan. Marami naman talaga, pritong tilapya, adobong baboy at sandamakmak na kanin. Samantalang ang mga pagkain niya ay damo-damo dahil vegetarian at inaalagaan niya ang binabalandra niya laging katawan. Bakit sinabi kong binabalandra? Palagi kasi kaming may Employees Events dito sa Employees Department namin at palagi siyang nasasali sa mga modeling. Lagi din naman siyang nananalo. Malakas din naman kasi ang supporters niyang nakukuha mula sa lahat ng mga empleyado at kapwa niya managers sa buong department. Lakas lang ng appeal eh, no? Matini idol lang ang datingan? Marami din naman siyang mga nagagwapuhang kalaban sa iba't ibang department. 'Yung iba ay mga regular employee lang pero iba kasi ang dating niya. Nakakalamang sa lahat. At marami ring kababaihan ang lantarang nagpapantasya sa kanya. Ako lang ang hindi miyembro sa kanila. Baka kasi may bayad ang pagpapa-register doon eh. Wala akong pera! "Ano kamong gusto ko?" tanong niya habang nakatitig sa akin at habang sinisimulan na niyang tinidurin ang mga pagkain niyang damo. "Tinatanong pa ba 'yan?" tanong niya ulit kasunod ang pagsubo niya sa mga damo. "Eh, 'di ika-" naputol ang kaniyang sasabihin dahil sinubuan ko din siya ng taba ng baboy. Bwahahahah! At nalunok niya itong bigla! Humagalpak ng tawa si Chelle at Samantha mula sa aking tabi. Ako naman ay kaagad nag-peace sign. Meheheh. Baka magalit siya sa ginawa ko eh. Iniabot ko kaagad sa kanya ang kanyang tumbler na puno ng tubig dahil nasamid siya. Kawawa naman ang gwapong ito. "Ulitin mo pa 'yan, hahalikan na talaga kita," pananakot niya matapos niyang uminom ng tubig. "Aaaccckkkk!" bigla namang umirit si Chelle na akala mo ay bulate mula sa kanyang kinauupuan. Si Sam naman ay biglang nanahimik at nagpatuloy na muli sa pagkain niya. Muli kong sinamaan ng tingin si kutong-lupa bago nagpatuloy na rin sa aking pagkain. Namimihasa na talaga siya sa mga pa-segway niyang ganyan. *** Matapos naming kumain ay nagmadali naman kami sa pagto-toothbrush sa restroom. May fourty minutes pang natitira sa amin kaya may ilang minuto pa kaming natitira para matulog at magpahinga. Pagkatapos ay muling mag-aayos ng sarili bago bumalik sa selling area at ang mga closing shift naman ang susunod na kakain. *** Pagsapit ng six twenty five ng hapon ay oras na ng pag-out ng mga opening shift. Paglabas ko sa employees entrance ay kaagad kong nakita doon si kuyang pogi na magnanakaw ng phone ko. Mabilis ko siyang nilapitan at kaagad kong isinahod sa kanyang harapan ang kamay ko. "Ang phone ko, ibigay mo na sa akin," mahinahon kong wika sa kanya ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay. Aba't, inuubos talaga ng lalaking ito ang pasensiya ko, ah. "Let's eat first," sagot niya kasabay nang hawak niya sa kamay ko at hinila sa kung saan. Kaagad ko naman itong binawi lalo na't kakaibang init ang naramdaman ko. Bukod doon ay napakalambot ng mga palad niya, samantalang ang sa akin ay medyo magaspang dahil batak ako sa mga gawaing bahay. Bakit gano'n? Ang unfair naman yata. At saka, bakit may pahawak-kamay pa siyang nalalaman? Ano siya sinuswerte?! P'wede naman kaming maglakad ng walang hawak-kamay, ah! I've never been touched by anyone, no? Hmp! Napapa-english tuloy ako. Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Muli niyang kinuha ang aking kamay at pinagsalikop ang aming mga daliri. "I told you, be a good girl," walang emosyon niyang saad sa akin. Aba't, demanding din ito, ah! Muli kong hinila ang kamay ko ngunit mahigpit niya itong hinawakan. Nagsimula nang mag-init ang ulo ko sa ginagawa niya. "Eh kung ibinabalik mo na lang ba sa akin ang phone ko eh 'di tapos na ang usapan! Madali lang naman gawin 'yon, 'di ba?! Iaabot mo lang naman sa akin 'yon tapos, okay na! Makakauwi na ako! Wala na tayong problema! Umuwi ka na din at huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa ak--uhmmp!" naputol ang sinasabi ko at nanigas ako mula sa aking kinatatayuan dahil sa ginawa niya. Hindi ako nakagalaw at nanlalaki ang aking mga mata sa pagtitig sa mukha niyang ga-hibla ang layo mula sa akin. HINALIKAN LANG NAMAN NIYA AKO SA HARAP NG MARAMING TAO!!! Kaagad niya rin namang binitawan ang mga labi ko. "To keep your mouth shut," nakangisi niyang sabi kasabay nang mahina niyang pagtapik sa pisngi ko. Natulala ako at hindi kaagad nakakilos. Pakiramdam ko, hanggang ngayon ay nakadampi pa rin sa labi ko ang mainit niyang mga labi. At hindi ako makapaniwalang nakuha niya ng gano'n kadali ang kauna-unahan kong halik. Gusto kong maiyak dahil sa sobrang inis at galit sa lalaking ito! Palakulin ko kaya ang ulo ng lalaking ito?! Anong karapatan niyang halikan ako?! I-girlfriend niya muna ako bago niya gawin 'yon! Ninakaw niya ang first kiss ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD