CHAPTER 2: Customer

1480 Words
Alliyah Rein's POV "Chel, puwede pa-ring ng phone ko? 'Di ko kasi alam kung naiwan ko sa bahay eh. Ilang beses ko ng kinalkal ang bag ko, wala talaga," sabi ko sa friend ko habang ako ay abala sa paglalagay ng mascara sa aking pilik-mata. Narito na kami ngayon sa loob ng locker room kung saan napupuno ng mahahabang salamin sa gitna ng malawak na espasyo. Sa kabilaan naman nito ay mahahabang upuan at dito kami abala sa pagme-make up at pagdadaldalan. "Wala akong load, besh eh. 'Ayan si Sam, baka meron." Itinuro niya si Sam na nasa aking tabi na abala naman sa paglalagay ng eye shadow. "Ito, friend oh. 69 ang password." Iniabot naman kaagad sa akin ni Sam ang kaniyang phone. Seryoso ba siya sa password niya? 69? Hindi ko na pinansin at kaagad ko ng ni-dial ang number ng phone ko at nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko itong mag-ring. Malamang ni-charge ko 'yun magdamag! Umabot ng tatlong ring bago ito naputol at nanindig ang aking mga balahibo nang makarinig ako ng tila humihingang tao mula sa kabilang linya! "Oh my God, m-may sumagot?" naibulong ko sa aking sarili at dito nagsimulang lumakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi. Hindi! May taong may hawak ng cellphone ko! Kung naiwan ko 'yun sa bahay namin, malamang walang tao don! Walang sasagot sa phone ko! Nanginginig ang aking mga kamay habang naghihintay sa boses ng sasagot. Hindi kaya multo? "Hi." Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang malambing na tinig ng isang lalaki! Lalaki! Lalaki ang may hawak ng cellphone ko! Kinabahan ako ng bonggang-bongga. Sino ang lalaking ito?! "H-hellow? S-sino 'to? B-bakit nasa 'yo ang cellphone ko?" halos hindi ko na marinig ang sarili kong tinig. Ang phone ko! Huhuhu. Wala pang bayad 'yan! "Don't you know that your phone is already mine?" sagot niya sa paos na tinig. s**t, nang-aakit ba siya? "Ha? Anong alam? Eh sino ka ba?!" sigaw ko sa kaniya dahil sa sobrang inis! "Ssssshhhh!!!" saway naman sa akin ng mga naririto. Hindi ko sila pinansin at nakatuon pa rin ang aking atensiyon sa walanghiyang lalaking kausap ko sa kabilang linya. "Ang bango-bango mo nga kanina eh. Parang ang sarap-sarap mong halikan. Ang ganda-ganda mo pa," sagot muli ng lalaki sa mas pinalambing niyang tinig. Pero teka. Napaisip ako ng medyo matagal bago ko na-realize 'yung kuyang pogi na nakatabi ko kanina sa jeep! Wait, siya ba talaga 'yun? Isang jeep lang naman ang sinakyan ko ah. Inalala kong mabuti kung pagkatapos niyang bumaba kanina, sino na ang sumunod kong nakatabi? Isip, isip, isip! "Hey, still there?" Napapikit ako ng mariin dahil sa nang-aakit niyang boses! "Ibalik mo sa 'kin ang phone ko!" sigaw kong muli sa kaniya. "Ssssshhh!!!" muling saway sa akin ng mga naririto sa loob ng locker. Nangingibabaw nga naman ang boses ko dito sa loob. Bawal kasi dito ang maingay, dapat ay bulungan lang kung magkukwentuhan. Kainis! Hindi niya ako madadala sa pagpapa-cute ng boses niya! Kung wala siyang pambili, magtrabaho siya! "I will...but be a good girl, baby." Aba't ako pa ang kailangang maging good girl eh siya nga ang itong bad kasi nagnanakaw siya ng cellphone ng iba! Pero kinalma ko rin ang aking sarili, baka lalong hindi niya ibalik ang phone ko! "Please, pakibalik ng phone ko. Sige na, please. Maawa ka. Hinuhulagan ko pa 'yan eh. Huhuhu." Totoong naluluha na ako dahil nagpapakahirap ako sa pagtatrabaho para lang may maipanghulog ako sa cellphone na 'yan. At saka ito pa lang ang kauna-unahang beses na bumili ako ng cellphone! Este, nangutang pala, tapos ay huhulugan ko pa rin 'yan kahit wala naman sa akin ang gadget! "In one condition." Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang isinagot. Humaygad gulaylay! "A-ano bang g-gusto mo?" tanong ko pa rin sa mahinang tinig kahit na kinakabahan ako ng sobra sa maaari niyang hilingin sa akin. Sinulyapan ko ang mga kasama ko sa salamin. Sumusulyap din sila sa akin habang abala pa rin sila sa pagme-make up. Siyempre, ang lakas ba naman ng boses ko kanina. "Date me." Halos lumuwa ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. "D-date?" "Yes?" Eh hindi ko naman siya kilala! Mamaya niyan, rapist pala siya. Humaygad ang sexy body ko! Virgin pa po ako juskulord! "Ahm. K-kelan?" Nanahimik siya sa kabilang linya. Dumaan ang ilang segundo bago siya muling sumagot, "I'll see you later." 'Yun lang at pinatay na niya ang linya. Natulala na lang ako. Papaano kami magkikita? Hindi naman siya nagsabi kung saan at anong oras. "Woi, babae. Five minutes na lang," bulong sa akin ni Sam kasabay ng bahagya niyang pagsiko sa aking tagiliran. *** SELLING AREA MEN'S SHOES DEPARTMENT "May size 10 ba kayo nito, Miss?" Isang may edad na lalaki ang lumapit sa akin habang bitbit niya sa kanan niyang kamay ang isang walang katuwang na leader shoes . Wait, what? Size 10? Seriously? Napagapang mula ulo pababa sa paa ang aking paningin sa may edad na lalaki. Nagulat ako dahil maliit na lalaki lang siya at may kapayatan. Siguro ay nasa hanggang balikat ko lang siya, samantalang ako ay 5'4 ang taas. "Para po ba sa inyo, Sir?" Tumango naman siya. Tiningnan kong muli ang suot niyang shoes at malaki nga ito. Oh? "Wait for a while, Sir. Ipapa-check ko lang po kung may available na size para sa inyo. P'wede po kayong maupo muna habang naghihintay," magalang at nakangiti kong sagot sa customer. Oh 'di ba, ang bait ko, no? Meheheh. "Okay lang, iha. Magtitingin-tingin muna ako habang naghihintay." Tinanguan ko na lang siya at saka tinalikuran. Tumawag ako sa mini radio namin na kunektado sa stock room na nasa kaloob-looban pa. "Helow, good morning! Guys, paki-check naman if may size 10, andrus, black." Andrus is a code name ng shoes para madali mahanap ang mga shoes sa stockroom. Ang bawat magkakaibang disenyo ay may mga kaniya-kaniyang code name. "Wait lang, baby ko," malambing na sagot naman mula sa kabilang linya. Wow ha! Bumanat na naman si kutong-lupa. "Okay, baby ko. I'll wait for you," sagot ko naman sa malanding tinig. Mehehehe. "Yiiiieeeeekakakakakak!" "Whoooaa! Baby mo 'to!" "Walang forever!" 'Yan ang mga naririnig kong sigawan mula sa background sa kabilang linya. Mwahahaha. Tawa na lang aketch. Pangtanggal stress at pagod 'yan. Bolahan here. Bolahan there. Mweheheh. "Meron, baby ko. Just wait me there. I'm coming." Whooaa! Nag-spokening dollar na naman si kutong-lupa. "Okay, baby ko. Don't tagal-tagal, ha. Hihihi." Tawanan mula sa kabilang linya ang mga sumunod kong narinig. Muli kong binalikan si Sir sa pinag-iwanan ko sa kaniya kanina ngunit bigla siyang nawala. Oh asan na 'yun? Biglang nawala? Haayst. Babalik naman siguro 'yun. Mukha naman siyang mayaman eh base sa mga suot niyang watch and necklace. Mukhang mamahalin. "Baby ko," bulong ng kung sinuman mula sa aking likuran. Biglang nanindig ang mga balahibo ko sa batok! Bwisit na kutong-lupa! Lumingon ako sa aking likuran ngunit muntik ko pa siyang mahalikan! Naka-plaster ang napakagandang ngiti sa kaniyang mga labi. Hawak niya sa kanan niyang kamay ang isang box na naglalaman ng sapatos na hiningi ko sa kaniya kanina. Sinamaan ko siya ng tingin. Kapag nakita kami ng mga manager dito ay malalagot kami! Kunsabagay, manager din naman kasi siya sa stock room pero bawal pa rin! Ngingiti-ngiti ang hinayupak! Kinuha ko na ang box ng shoes at ipinatong na muna ito sa ibabaw ng rack kung saan may mga nakapatong na display ng mga sapatos. "Bye, baby ko," paalam ni kutong-lupa sa akin habang 'di pa rin maalis ang matamis niyang ngiti. Napangiwi na lang ako at binelatan siya. Tatawa-tawa ang hinayupak. "Hihilahin ko 'yan," bulong pa rin niya sa akin. Pinandilatan ko naman siya ng mga magaganda kong mga mata. Ngingiti-ngiti naman siya habang naglalakad na pabalik sa stockroom na pinamamahalaan niya. Hmp. Puwede naman niya itong iutos sa iba eh, bakit siya pa ang lumabas? Siya si Sir Dylan D. Cole. Nakilala ko siya dahil siya nga ang manager sa stock room ng mga paninda naming sapatos at naging malapit siya sa amin ni Rachelle and Samantha, ang mga kaibigan kong saleslady rin dito sa department store. Napakabait niya at sobrang sweet na tao. Ewan ko lang kung ganun din siya sa iba dahil napapansin kong sa aming tatlo lang naman siya palaging sumasama. Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos at paglilinis ng mga leather shoes habang hinihintay ang pagbabalik ni sir na umorder ng size 10 na sapatos. Bakit naman ganun kalaki ang paa niya? Inayos ko na lang muna ang mga display at punas dito, punas doon para malinis at walang alikabok. Nakakahiya sa mga customer. Oh 'di ba, ang sipag ko talaga. Mehehe. Habang abala ako sa pagpupunas ay hindi ko kaagad napansin ang isang customer na nasa aking tabi na pala at nagtitingin ng mga shoes. Pansin ko mula sa peripheral vision ko na matangkad siyang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD