CHAPTER 6: Home Department

2837 Words
"Oh, bakit ngayon ka lang?" tanong kaagad ni Mama pagbukas na pagbukas ko pa lang ng pinto ng bahay. Kasalukuyan siyang nakaupo sa katre niya at abala sa pagtutupi ng mga nilabhan kong damit kaninang umaga. Kakaunti lang naman ang mga iyon. "Aah, i-isinama kasi ako, Ma ng isa kong friend sa mall. Ngayon lang naman po." Lumapit ako sa kanya at nagmano. Humalik din ako sa kanyang pisngi. Tumingin naman siya sa akin habang nangungunot ang noo at sa dala kong bear na pagkalaki-laki sa aking harapan. "Ni-treat niya po akong kumain sa restaurant at sinamahan ko po siyang maglaro sa timezone. Heto nga po 'yong panalo eh." Nagpakangiti-ngiti ako ng sobrang tamis sa kanyang harapan habang ipinapakita ko sa kanya ang teddy bear. Hindi ko naman talaga ito maitatago. Hirap na hirap pa nga akong isakay ito kanina sa jeep eh. Oh, 'di ba? Hindi naman ako nagsinungaling. Totoo naman ang sinabi ko. "Eh sino naman itong friend mo na ito? Katrabaho mo?" Bigla akong napahinto sa kanyang tanong at sa klase nang pagkakatitig niya sa akin na para bang nang-uusig. "A-Ay, hindi po, Ma. N-Nakilala ko lang po siya...sa j-jeep." Bigla akong napalunok lalo na nang dahan-dahang nanlaki ang mga mata ni Mama. "Sa jeep? Sa jeep lang? Kelan mo ba nakilala 'yan?" Patay na. Mama naman eh, sana hindi na nag-uusisa, no? "A-Aahh, k-kahapon po." Napayuko na ako at hindi ko na makayang salubungin pa ang kanyang mga mata. "Lalaki o babae?" Mukhang malapit na magalit ang boses ni mama dahil medyo tumataas na ito. Huhuhu. "L-Lalaki p-po." Ipinikit ko na ang aking mga mata ng mariin at inihanda ko na ang mga tainga ko sa kanyang pagsigaw. "Lalaki?! Kahapon mo lang nakilala, tapos sumama ka na kaagad?!" Napatayo na siya mula sa kinauupuan niyang katre. "M-Mama, n-ninakaw niya po kasi 'yong phone ko eh. Tapos, pumunta siya sa store ko. Ang sabi niya, isosoli niya naman daw basta kakain lang daw po kami. Tapos pagkakain, nag-timezone kami at naglaro. 'Yon lang naman po!" Hindi ko na mapigilang maiyak sa pagpapaliwanag sa kanya. Hindi ako sanay na nagsisinungaling sa Mama ko. "Anong laro ang ginawa niyo?!" "B-Basketball po. Dami ko nga pong shoot eh." "Basketball??!!" Mas lalong lumakas ang tinig niya sa sinabi ko at mas lalo pa yata siyang na-highblood. "Kelan ka pa natutong mag-basketball?! Anong klaseng basketball ba 'yan?!" "B-Basketball nga po. H-hindi niyo po ba alam 'yong basketball?" "Alam ko ang basketball! Huwag mo 'kong pinaglololoko!" Huh? "Eh totoo naman pong basketball ang ginawa namin. Sa timezone nga po 'yon." "Ilang oras kayo naglaro no'n?! Tymson ang pangalan ng lugar?! Saan 'yan!? Saan 'yan?!" "Ha? Uhm..o-one round po siya tapos ako po, t-two rounds. Bale t-three rounds po kami." Napakamot ako sa ulo ko at inisip kung tama ba ang bilang ko. "Three rounds?! Nakaya niyo na kaagad ang three rounds?!" Namula na si Mama sa sobrang galit kaya naman hindi ko na maiwasan ang mag-alala sa kanya. Pero teka, bakit ba siya nagagalit sa basketball? Maganda ngang laro 'yon eh. Pinagpawisan ako ng sobra. Saka, 'di ko nga alam na marunong pala ako no'n. "Sumagot kang bata ka! Paano niyo nakaya ang three rounds?!" "M-Madali lang naman, mama eh. Ang sarap nga po sa pakiramdam kasi pinawisan ako." Biglang natulala si Mama at nakita ko na lamang na humapay na siya at natumba sa sahig. "Mama!" napasigaw ako sa takot at kaagad siyang dinaluhan. "Ma!" Ilang beses kong tinapik ang kanyang pisngi at inugoy ang kanyang katawan ngunit hindi siya kumilos kaya tumakbo na ako sa pinto at malakas na nagsisigaw. "Arianne!!! Tulungan mo 'ko! Si Mama, Arianne!!!" Pakiramdam ko ay umabot hanggang sa kabilang baranggay ang tinig ko dahil biglang naglabasan ng kani-kanilang mga bahay ang mga kapitbahay. "Ano ba 'yon, besh?! Gabing-gabi! Nanalo ka ba sa lotto?! Aba'y, magandang balita 'yan! Tara na at withdraw-hin na natin!" Napanganga naman ako sa sinabi niya matapos niyang lumabas ng bahay niya at patakbong lumapit sa akin. "Sira-ulo ka! Nahimatay si Mama!" Inis kong sagot sa kanya. "Nahimatay?! Eh, bakit hindi mo kaagad sinabi?! Halika na, dalhin na natin siya sa hospital!" Mabilis siyang pumasok sa loob at pinagtulungan naming buhatin si Mama. Hirap na hirap namin siyang iniakyat sa ibabaw ng katre niya. Medyo mashuba kase si mama kaya hindi ko siya kaya ng mag-isa. Nakita naman namin siyang kumilos at tila hinang-hina. "Ma, okay lang po ba kayo?" tanong ko sa kanya at hindi ko pa rin mapigilan ang mag-alala. Tanging ungol lang naman ang isinagot niya sa akin. "Ano ba kasi ang nangyari? Ang sakit ng braso ko, napilayan yata ako," daing ni Arriane habang hinihimas niya ang braso niya. "Sabihin mo nga dyan sa mama mo. Bago kamo siya mahimatay, eh dyan siya pumatak sa katre niya para hindi na masaktan 'yong bubuhat sa kany--aray!" Sinapak ko nga. Aba't, gusto pa niyang mahimatay ulit si mama?! "Baliw ka ba? Hinimatay na nga eh." Kumuha ako ng vicks at inihaplas sa noo at sentido ni mama. Ganoon din sa kanyang ilong at ipinaamoy ito sa kanya. Itinutok naman ni Arianne ang electricfan para mahanginan siya. Kinapa ko ang kanyang pulso at sa tingin ko ay nasa normal naman ang pagtibok nito. Nabigla lang siguro siya kanina kaya siya nawalan ng malay. Eh ano bang nakakagulat kung marunong mag-basketball ang isang babae? "Marunong ka ba mag-basketball, Anne?" naisip kong itanong kay Arriane. Napatingin naman siya sa akin at parang nawirduhan sa tanong ko. "Basketball lang? Oo naman! Ang dali-dali lang no'n eh," mayabang naman niyang sagot with matching haba-nguso pa. "Nakakapaglaro ka sa timezone?" tanong ko ulit sa kanya. "Oo, no! 'Yong kapatid ko kasing makulit, lagi doon eh kaya nakiki-agaw din ako ng bola. Galing ko nga eh. Hehe." "Ows? Nakakailang shoot ka naman?" Bigla tuloy akong naging interesado. Ako lang yata ang first time nakapaglaro doon kahit sa mall ako nagtatrabaho! "Tatlo! Aba, three points 'yon! Star player ka na kapag naka three shoots ka. Katumbas no'n ay isang three points?! Oh, 'di ba? Ang galing ko, no? Daig ka!" Binigyan niya ako ng maangas na tingin. Ows? Oo nga, no? Eh paano naman ako, ten shoots ako eh. "Eh paano naman 'yong sa akin? Ten shoots ako eh?" "Huh?!" Biglang nanlaki ang mga mata niya sa pagtitig sa akin. "Ang galing mo naman! Eh, 'di i-devide mo. Sus! Hindi ka ba marunong sa math? Tama lang pala sa 'yo ang salesclerk. Hindi ka pwedeng cashier kasi 'yong tatlong shoots katumbas no'n ay isang three points. Oh, 'di ba kung naka-ten shoots ka, ang ibig sabihin...tatlo at one fourth na three points ka! Ganon 'yon!" Napanganga ako sa sinabi niya. Ganon pala 'yon? "Eh 'di mas magaling pala ako sa 'yo?" tanong ko kahit parang wala akong na-gets sa paliwanag niya. "Huh? Oo, pero chamba mo lang 'yon. Wala ka bang pagkain?" Tumayo siya at nagtungo sa kusina. Napangiwi naman ako. Pagkain na naman ang hanap niya? Mabuti na lang at nasipa ko ang teddy bear ko patungo sa ilalim ng katre kaya hindi niya napansin. Dahil kung sakali mang nakita niya 'yon, siguradong hindi na naman niya ako titigilang usisain tungkol dyan. Baka mawalan din siya ng malay kapag nalaman niyang lalaki ang kalaro ko sa basketball. *** Lumipas ang ilang araw.  Nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi na ako kinulit pa ni Mama tungkol sa lalaking nagnakaw ng phone ko at nakalaro ko sa basketball sa timezone. Naisoli na rin naman niya ang phone ko na ipinagpapasalamat ko. Nagtataka lang ako kung bakit niya ginawa iyon? Dahil lang ba sa gusto niya akong makasamang kumain at maglaro? Pero bakit? Hindi ko na rin naitanong pa ang pangalan niya at gano'n din naman siya sa akin. Hindi rin naman siya nagtanong. "What are you doing here, baby ko?" "Ay, basketball!" napasigaw ako sa gulat nang bigla na lamang may nagsalita mula sa likuran ko kasabay nang bagay na kumiliti sa tainga ko. Sa paglingon ko ay nabungaran ko ang nakangising si kutong-lupa. Naabutan ko rin ang ginawa niyang pagbitaw sa dulo ng buhok ko na hinala kong iyon ang ipinangkiliti niya sa tainga ko! Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin ngunit mas lalo lamang siyang nagpakangiti-ngiti at nagawa pa niyang pisilin ang pisngi ko! "What basketball are you talking about? At saka, anong ginagawa mo dito?" tanong niyang habang lumilinga sa paligid.  Naririto kasi kami ngayon sa loob ng H.R para mag-follow up sa resume ni Arianne. Nakatayo ako at nakapangalumbaba sa harapan ng counter na may glasswall sa aking harapan at tanging butas lang ang mayroon upang makausap ang sinuman ang nasa loob.  Pero sa mga oras na ito ay wala pang tao sa opisinang ito. Sa kanang bahagi naman ay may munting hallway patungo sa mga cubicle kung saan pwesto ng mga manager. Bigla naman akong napatitig kay Sir Dylan at may idea akong biglang naisip. Lumapit ako sa kanya at bumulong sa tainga niya, "Baby ko." Napalingon naman siyang bigla sa akin habang may namimilog na mga mata. Bahagya kong inilayo ang mukha ko mula sa kanya dahil muntik nang tumama ang labi niya sa akin! "May sasabihin ako," maingat kong bulong ulit sa kanya. Luminga ako sa paligid upang siguraduhing walang nakakarinig sa amin.  Masyado pa namang maaga sa mga oras na ito at wala pang gaanong tao dito sa opisina. "Huhulaan ko, may kailangan ka no?" nakangiwi niyang tanong sa akin. "Grabe naman. Huwag mo naman munang hulaan." Kaagad ko siyang sinimangutan na ikinangiti niya naman. "Ano ba 'yon?" Kaagad kong ibinigay sa kanya ang isang papel na hawak ko na may nakasulat na name ni Arianne. "Paki-check naman nito kung okay na 'yong resume niya. Kung pasado ba siya o hindi dahil kung hindi, ikaw na lang ang magpasok sa kanya. Please?" Nag-puppy eyes ako sa kanyang harapan sa pagbabakasakaling madala siya ng cute kong mga mata. Mas lalo naman siyang tumitig sa akin na tila nag-e-enjoy pa. Pero bakit kaya napaka-pogi niya rin sa pagkakangiti niyang 'yan sa akin? Hmp! Pero teka, balik tayo sa resume ni Arianne. Manager siya eh, kaya alam kong makakapasok kaagad si Arianne kung siya ang kakausap sa HR Manager. Hihihi. "Eh, sino ba ito? Arianne Kane Monfredo," binasa niya ang pangalang nakasulat sa papel bago umastang tila nag-iisip pero nakatitig pa rin siya sa akin at ang kanan niyang kamay ay humihimas sa kanyang chin. "Friendship ko 'yan, Sir. Please, please, please. Ipasok mo na lang siya. Masipag naman siya kaya lang masiba." Muli akong nag-puppy eyes sa kanyang harapan. "A'right, but on one condition." "Ha? Bakit may gano'n pa?" "Ayaw mo ba o gusto?" "Oh, sige na. Ano ba 'yon?" "Answer me first." "Ha? Ano bang tanong mo?" "Who's your baby?" Nagpapungay siya ng kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Oo na, pogi ka na. Hindi na kailangan pang magpapungay! "Anong baby? Wala pa naman akong anak, ah," sagot ko na ikinahinto niya kasabay nang pagkamot niya sa ulo niya. "I thought I was your baby," bulong niya pero narinig ko pa rin naman. "Paano ka naman naging baby eh hindi ka naman mukhang baby?" "Eh ano mo pala ako?" Naramdaman ko ang pagtatampo sa boses niya. Inaartehan niya ba ako? "Mukha kang damulag," malakas kong sagot na ikinanganga niya. "Oh, sa 'yo na ito." Kaagad niyang ibinalik sa akin ang papel na hawak niya at mabilis na naglakad patungo sa pinto. "Baby ko!" naisigaw kong bigla dahil sa pagpa-panic ko. Huminto naman siya at nakangiting lumingon sa akin. Baliw talaga. Kaagad din siyang bumalik sa akin. "Who's your baby again?" nakangiti niyang tanong habang napakalapit ng mukha niya sa akin. Bwisit! Naisahan niya ako don! "Eh h-hindi ka naman kasi t-talagang mukang b-baby eh," nakanguso kong sagot. Huminga siya ng malalim at akma nang tatalikod kaya muli akong napamulagat. "Oo na! Oo na! Baby ko! Ikaw nga 'yong baby ko!" sigaw ko ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumagsak ng malakas ang pinto ng opisina. Sabay kaming napalingon doon ni Sir Dylan at napanganga ako nang mabungaran ko ang lalaking kapapasok lamang ng pinto. What the heck? Anong ginagawa niya dito? Si kuyang pogi na magnanakaw ng phone ko. Sinusundan ba niya ako? Wait, paano siya nakapasok dito sa Employees Department? Hindi kaya mag-a-apply din siya ng trabaho? At bakit ganyan siya makatingin sa akin, ang sama-sama! Inano ko ba siya? Siya nga ang may kasalanan sa akin eh, dahil sa kanya kaya pinagalitan ako ni mama! "Sige na, baby ko. I'll take care of it," sabi ni Sir Dylan pero kay kuyang poging magnanakaw ng phone siya nakatingin. Hindi na ako sumagot at pinili ko na lang maglakad patungo sa pinto.  Ramdam ko ang taimtim na pagtitig niya sa akin hanggang sa makalapit na ako sa kanya. Tiningala ko siya at saglit na tinitigan ngunit wala akong mabasang anumang emosyon sa kanya nang magtama ang aming mga mata. Pero inirepan ko siya bago ko binuksan ang pinto at nanakbo palabas. Baka habulin niya ako! Huhuhu. *** SELLING AREA MEN'S SHOES DEPARTMENT "Alliyah, pssst."  Sino ba 'yon sitsit nang sitsit?  "Alliyah, pssst."  Luminga ako sa paligid hanggang sa makita ko si Chelle na bahagya pang nagtatago sa isang rack ng sapatos. Ano na naman kaya ang problema ng bruhildang ito?  Busy ako sa pagpupunas ng mga alaga kong mga sapatos dahil dapat ay palagi silang makintab. 'Yon bang masisilaw sila dahil sa sobrang kintab. Kasing kintab ng noo ni Chelle.  "Hoy! Sitsit ka nang sitsit. Alibangbang ka ba?" nakangiwi ko namang tanong sa kanya. "Anong alibangbang? Gangbang?" kunot-noo niya namang tanong. "Alibangbang hindi gangbang. Salaginto, salagubang 'yon. Sira-ulo 'to. Gangbang daw." "Gaga. May maganda bang salagubang?" Ay, iba deeennn.. "Aba, ewan ko." Tinalikuran ko na lang siya at hindi na pinansin.  Bakit kaya hindi na lang din siya magpunas ng mga alaga niyang sapatos, imbes na magtsismis siya dyan. Huwag niyang hintayin na sipain pa siya ng mga sapatos niyang tinda. "Pssssst...Pssssst, Alliyah. May sasabihin nga ako," pangungulit na naman niya. Hindi siya makapag-ingay ng malakas dahil nag-iingat siyang hindi mahuli ng mga manager na pakalat-kalat sa paligid. "Ano ba kasi 'yon? Mag-aasawa ka na ba?" naiirita ko nang tanong sa kanya.  Ano ba kasing sasabihin niya? Bakit hindi pa agad sabihin? Iniistorbo niya ang pagpupunas ko eh. Siguro gusto din niya magpapunas sa akin. Ano siya, sinuswerte? Bigla niya naman akong sinamaan ng tingin. Aba't, luka-luka talaga. "Paano naman mag-aasawa, eh 'yong gusto ko may gustong iba?! Huhuhu." Kumuha na din siya ng basahan niya na nakasiksik lang naman sa mga ilalim ng mga box na nasa ibaba ng rack at sinimulan na rin niyang magpunas ng mga sapatos. Mabuti naman. "Eh 'di huwag mo din siyang gustuhin para fair! Sus, ang dali -dali lang eh. Hindi naman pogi 'yong gusto mo," pang-aasar ko sa kanya pero totoo namang pogi 'yong gusto niya. Mas lalo namang tumalim ang pagkakatitig niya sa akin. "Wow, ha! Pogi kaya 'yon. Kamukha ni Jungkook," kinikilig-kilig pa niyang sabi. Napangiwi naman ako. "Ano? Paano niya naman naging kamukha 'yon, eh ang laki ng mata no'n? Ang itim-itim pa, kulot ang buhok. Hindi nga siya pwedeng lumabas sa gabi eh. Nabangga mo na nga, hindi mo pa rin makita!" "Ang sama-sama mo. Huhuhu!" May paghampas-hampas pa siya ng basahan sa stante at may pagpadyak pa ng paa niya sa sahig kaya naman tumataguktok ang matulis na heels ng sapatos niya. "Honest lang. Hmp!" Nginisihan ko lamang siya. Natahimik naman siya habang nakasimangot. Ang buong akala ko ay hihinto na siya ngunit muli na naman siyang sumitsit. "Psssst...Alliyah!"  Tsk. Hindi pa rin talaga tumigil?! Mabuti na lang at wala pang gaanong tao dahil maaga pa at kaka-open pa lang ng store. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Ang aga-aga, ang ingay-ingay niya! "Nakita mo ba 'yong anak ng may-ari nitong Mall? Nandito siya kanina! Omg! Ang pogi-pogi niya!" kilig na kilig niyang sabi. May patalon-talon pa siya na akala mo'y sinisilihan ang muningning niya. Mamaya ay siguradong magpapaalam siya para umihi. Naiihi siya sa sobrang kilig. Tanging ngiwi lang ang isinagot ko sa kanya. "Dito ka muna, pupuntahan ko lang muna si Kulot sa Home Department. Sasabihin ko sa kanya na ipinagpalit mo na siya sa iba para lalo siyang matuwa at hindi ka na lalo niya papansinin." Aalis na sana ako nang hilahin niyang bigla ang buhok ko.  "Aray! Ang brutal talaga ng babaeng to!" "Ito naman! Paano ko naman ipagpapalit 'yon, eh siya na nga lang ang kumukulay sa buhay ko," nakanguso niyang sabi. "Ah, oo nga naman. Kumukulay sa sobrang itim." Napahagalpak ako ng tawa sa sarili kong sinabi ngunit napangiwi ako nang bigla niya akong batuhin ng basahan sa mukha! Bastos! "Hi, Alliyah. Tawag ka sa Home Dept."  Speaking of Kulot na bigla na lamang dumating sa area namin. Mabilis akong lumingon kay Chelle. Nakatungo na siya at daig pa ang nasampal dahil bukod sa blush on niya ay nadagdagan pa lalo ang pamumula ng pisngi niya. Mweheheh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD