CHAPTER 5: Bear

1690 Words
Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant. Aba at may pera naman pala siya at mukhang yayamanin pa. Eh, bakit may pagnakaw ng cellphone ng may cellphone?! Huwag niyang sabihin na ako ang magbabayad dito?! Wala akong pera! Mahirap lang ako! Kasalukuyan na siyang nagtitingin sa hawak niyang menu. Tatayo na sana ako para mag-back out nang bigla siyang tumunghay sa akin at binigyan ako ng 'where are you going' look. "Ahm, m-magsi-c.r . P'wede naman sigurong mag-c.r, 'di ba? Naiihi na ako eh," inis kong sagot. Mabilis din akong tumayo at umalis sa inuukupa naming mesa. Hinanap ko ang restroom at nakita ko naman ito kaagad sa dulong bahagi nitong restaurant. Lumingon ako sa inalisan kong mesa at nakita kong nakatalikod si kuyang pogi dito sa gawi ng restroom. Luminga-linga ako sa paligid at hinanap ang daan para makalabas sa restaurant na ito. Nang makita ko ito sa kanang bahagi ay sinipat kong mabuti kung ano ang magiging posisyon ni kuyang pogi kapag naroroon na ako sa pinto. Nakatagilid siya at hindi niya kaagad ako mapapansin kung sakali. Basta ba wala lang magpapapansin upang hindi siya lumingon sa paligid. Naisipan ko na munang pumasok sa restroom dahil kanina pa rin ako naji-jingle. Naiihi ako sa sobrang kaba! Kaagad akong pumasok sa isang bakanteng cubicle at kaagad na hinubad ang panty, kasama ang pantyhose kong suot at naupo sa toilet bowl. Pero paano kapag umalis ako? Baka hindi ko na makuha ang phone ko at baka hindi na rin siya magpakita pa sa akin kahit kailan! Paano na 'yon? Seven months ko pang babayaran 'yon sa Home Credit dahil nine months ang contract niyon at two months pa lang akong nakakahulog! Huhuhu! Kung kakain naman kami, baka ako pa ang pagbayarin niya. Napaka-ungentleman naman niya kung gano'n! Wala pa naman na akong pera. Wala pang sahod at pamasahe na lang ang meron ako dito! Huhuhu! Ano na bang kamalasan ito?! Naisipan ko nang tumayo. Mabilis akong humila ng tissue na naka-hang sa gilid at ipinunas sa muningning ko. One hour na yata akong naririto. OMG, baka hinahanap na niya ako! Mabilis akong lumabas ng restroom ngunit kaagad din akong natigilan nang mabungaran ko siya sa pinto. Prente siyang nakasandal sa pader habang nakasuksok sa magkabilang bulsa ng suot niyang pants ang pareho niyang mga kamay. Napalunok ako dahil sa madilim niyang anyo habang nakatitig sa akin. "A-Ahm.." Hindi ko malaman ang aking sasabihin at hindi ko magawang salubungin ang kanyang mga titig. "What took you so long?" Inis niyang tanong sa akin. Hindi ko malaman ang isasagot ko sa kanya ngunit sa huli ay na-realize kong bakit ba ako magpapatalo sa kanya eh siya nga itong may atraso sa akin? "Eh, 'di sana umalis ka na!" sigaw ko sa kanya. Nakakainis! Masyado siyang demanding. Bakit ba hindi na lang niya ibigay ang phone ko? Sa halip na nakauwi na 'ko! Hindi siya sumagot at basta na lang niya akong tinalikuran at naglakad paalis. "Ho--" sisigaw na sana ako nang bigla siyang huminto sa paglalakad at muling bumaling sa akin. Mabilis siyang naglakad pabalik. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at muli niya akong hinila. Bipolar din 'tong lalaking 'to, eh. Muli kaming bumalik sa inuukupa naming mesa. Saktong pag-upo ko ay dumating naman ang mga pagkaing sandamakmak! Napanganga ako dahil sa sobrang dami. Paano naman namin makakain itong lahat?! Gusto ba niya akong gawing baboy?! Pero teka lang. "Hoy! Huwag mong sabihing ako ang magbabayad ng lahat ng ito?!" sigaw ko ulit sa kanya. "Shut up and eat," masungit niyang sagot at nagsimula na siyang kumain. Sinamaan ko siya ng tingin at kahit na nag-aalala ako sa mangyayari pagkatapos nito ay napilitan na rin akong kumain. Hindi ko kilala ang mga pagkain na ito dahil ngayon lang naman ako nakapasok sa ganitong klaseng restaurant. Napapangiwi ako dahil hindi ko trip ang mga lasa. Hindi man lang niya ako pinapili! Masarap pa ang pagkain sa kalye! Mabuti pa ang pares-pares sa kanto. Binilisan ko na lang ang pagkain para makauwi na ako. Sigurado kasing nasa bahay na si mama sa mga oras na ito at magtataka iyon dahil gabi na ay wala pa rin ako sa bahay. *** Nang matapos akong kumain ay wala sa sariling napahimas ako sa tiyan kong busog na busog. Ang dami kong nakain. Mukhang sasakit yata ang tiyan ko nito, ah. Samantalang siya ay kumakain pa rin hanggang ngayon. Napakabagal naman niya! Wala akong nagawa kundi ang hintayin siya. Hindi naman siya pala-salita. Natapos kami nang walang imikan at kibuan. Maya-maya'y tinawag na niya ang waiter. Nagsimula na akong kabahan dahil baka ako ang pagbayarin ng lahat ng mga kinain namin! May iniabot na parang booklet ang waiter. Si kuyang pogi naman ay may iniabot na card sa waiter. 'Yon siguro ang bayad niya. Yayamanin talaga. "Oh, tapos na tayong kumain. Nasaan na ang phone ko? 'Yon lang ang usapan natin, 'di ba? ani ko sa kanya. Bumaling naman siya sa akin at tumitig. Napalunok ako nang dumako ang paningin ko sa mga labi niya na kani-kanina lang ay dumampi sa aking birhen pang labi. Ninakaw niya ang first kiss ko! "Not so fast," nakangisi niyang sagot kasunod ang pagdila niya sa ibaba niyang labi. Muli akong napalunok habang nakatitig doon. Pero teka nga lang.. "Ano pa bang gusto mo? Kakain lang naman, 'di ba?" Hindi siya sumagot at naglalakad pa lang palapit sa amin ang waiter ay kaagad na siyang tumayo at muli niya akong hinila sa kamay. Sinalubong na lang namin ang waiter at muling iniabot sa kanya ang card. Muli niyang pinag-intertwine ang aming mga daliri. Ilang beses ko itong tinangkang hilahin ngunit hinihigpitan niya lang ang pagkakahawak at dahil doon ay nasasaktan lang ako kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan siya. Naglakad kami sa hallway hanggang sa pumasok kami sa loob ng time zone. Napatiim-bagang ako dahil tumatakbo ang oras at gusto ko na talagang umuwi. Siguradong nag-aalala na sa akin si mama! Ano ba kasing trip ng lalaking ito? Kung ano-ano ang kanyang mga nilaro. Ilang beses siyang nag-basketball hanggang sa napakunot ang noo ko nang iabot niya sa akin ang isang bola. Eh, kung sa mukha niya kaya ko ito ibato? Pero sayang naman ang kapogian niya. Baka mabangasan siya kaya 'wag na lang. Inihagis ko na lang ito sa ring at nanlaki ang aking mga mata nang pumasok ito sa butas. Napanganga ako at wala sa sariling kinuha ko ang mga nagkalat pang bola sa aking harapan at muli ko itong inihagis doon. Napalukso ako sa tuwa nang maka-score ako ng sampo! "Whoaa! Ang galing ko!" sigaw ko sa sobrang saya. Ito ang kauna-unahang beses kong pumasok dito sa time zone at maglaro at hindi ko akalaing mag-eenjoy ako ng ganito. Muli siyang nag-swipe for another round at hinayaan niya lang akong maglaro ng mag-isa habang tila nag-eenjoy din siya sa panonood sa akin. "Yes! Ang daming ticket!" sigaw ko habang iwinawagayway ang napakaraming ticket naming naipon! "Ito 'yong pinapapalitan, 'di ba?" Nakangiti namang tumango sa akin si kuyang pogi. Muli niya akong hinila at pumasok naman kami sa isang silid na may napakalaking t.v screen. Sa harapan nito ay may dalawang armalite na nakatutok sa screen. Mamamaril kami ng mga zombie?! Nakita ko kasi sa screen na may mga zombie. Nakakatakot lalo na at napakalakas ng background sounds. Ibinigay niya sa akin ang isang armalite, kinuha ko naman ito at sa kanya naman ang isa. Ipinatong ko muna sa aking lap ang napakarami naming ticket at saka humanda dahil nagsimula na siyang mag-swipe ng card sa machine. Lumabas na ang 'get ready' sa t.v screen. Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtutok ni kuyang pogi sa hawak niyang baril sa screen. Kinakabahan ako! Ilang sandali lang ay naglabasan na ang mga zombie at umingay ng napakalakas. "GRAAAAAOOOUULLL!!!! "AAAAAAAAAHHHHHH!!! Naihagis ko ang armalite at mabilis akong nagtakip ng mga tainga ko kasabay nang mariin kong pagpikit ng aking mga mata. Nakita kong sumugod ang napakaraming zombie patungo sa amin! Kasabay naman nang naririnig kong mga ingay ay may malakas na pagtawa akong naririnig. Naimulat ko ang isa kong mata at sinilip ang lalaking walang tigil sa kababaril sa screen at halos mamatay sa katatawa ng malakas. Ang walanghiya! Pinaghahampas ko siya sa braso. "A-aw! Stop it! We're gonna die!" sigaw niya ngunit patuloy pa rin naman siya sa kanyang paghalakhak. Bwisit na lalaki! Pinagtitripan ako! "Tama na 'yan!" sigaw ko sa kanya dahil napakatagal niyon bago matapos! "Wait!" sigaw din niya dahil sobrang ingay nga dito sa loob. Sige pa rin siya sa kanyang pamamaril. Yumuko na lang ako at nagtakip ng mga tainga ko upang hindi ko makita at marinig ang mga nangyayari. Ilang sandali lang ay tumahimik na rin ang paligid. "Let's go." Muli na naman niya akong hinila. Lumabas kami ng booth at lumapit sa isang toy machine. May mga toys sa loob nito na animo'y mga higante dahil sa sobrang lalaki. Nag-swipe siya doon at ilang beses pinagalaw-galaw 'yong parang kambyo ng sasakyan. Bababa 'yong bakal sa loob para makuha 'yong toys tapos ay aangat ulit ngunit nalaglag si toys sa ibaba. Nakailang swipe siya at muling sinubukang makuha ang toys sa loob. Ako naman ay parang tangang pinanonood siya sa kanyang ginagawa. Ano ba kasing gagawin niya dyan? Maya-maya lang ay nakita kong nalaglag sa isang butas ang malaking bear. Umupo si kuyang pogi at may kinuha sa ilalim ng machine. Nanlaki ang aking mga mata nang ilabas niya mula doon ang napakalaking bear! Nakangiti niyang iwinagayway ito sa aking harapan. Halos kalahati ko ang laki nito! Kaagad ko ito niyakap ng mahigpit. Ang lambot! "A-Akin ba 'to?" paniniguro ko dahil baka kasi assuming lang ako! Nakangiti naman siyang tumango sa akin. "Oh my God! First time kong magkaroon nito sa tanan ng buhay ko! Thank you! Thank you!" Nagtatalon ako sa sobrang tuwa at wala sa sariling nayakap ko ng mahigpit si kuyang pogi. Ramdam ko ang paninigas niya kaya natigilan din ako at dahan-dahang bumitaw sa kanya. Niyakap ko na lang ng mahigpit ang bear at saka ako tumalikod. Shocks! Nakakahiya! Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD