"What's your favorite color?" tanong niya habang namimili kami ng bedsheet, pillowcase, and comforter. "White, Sir." Dumampot ako ng set ng bedsheet na kulay white. "Okay, I like white too." Napalingon naman ako sa kanya na ngayon ay may itinutulak ng cart. Sinabi ko nang ako na ang magtutulak niyon ngunit mapilit siya kaya hinayaan ko na. Pero teka, white din ang gusto niya? Okay, maganda naman kasi ang white. Malinis tingnan sa bahay. Mahirap nga lang maglaba. Inilagay ko na ang set ng bedsheet sa pushcart na hawak niya. Marami yatang bibilhin si Sir kuyang pogi. Hindi kaya bagong lipat lang siya sa condo unit niya? Mayaman naman pala siya, eh bakit ninakaw niya ang phone ko? At bakit kaya siya nakasakay sa jeep? Wala ba siyang kotse? Wierd. "How about this one, Sir?" Dinampot ko