"Dito na lang ako. Happy birthday ulit," sabi ko nang matanaw ko na ang sakayan ng jeep sa labas. Tumango naman siya at dahan-dahang itinabi ang kotse sa gilid ng kalsada. Kaagad ko nang binuksan ang pinto at lumabas. Ipinagpapasalamat ko na natutunan ko na kung paano itong buksan. Kumaway ako sa kanya paglabas ko ngunit hindi na niya ako nilingon at pinatay na niya ang ilaw sa loob. Hinabol ko na lamang ng tingin ang kotse niyang papalayo na bago ako bumaling sa daan patungong sakayan ng jeep. Mga benteng hakbang na lang siguro ang gagawin ko at naroroon na ako. Siguradong mapapagalitan na naman ako ni Mama nito. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko na naman sa kanya. Ayaw ko naman magsinungaling dahil parang ako ang nasasaktan kapag ginagawa ko 'yon. *** "Saan ka nanggaling? Bak