Paglabas ko sa employees entrance/exit ay napamulagat ako nang madatnan ko sa labas si kuyang pogi na tila may hinihintay. Anong ginagawa niya dito? Abala siya sa pagtutok sa phone niya. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa malampasan ko siya. Ngunit nagulat ako nang may biglang humawak sa braso ko at hinila ako. "H-Hoy, saan mo na naman ako dadalhin?!" sigaw ko nang makita kong siya na naman ang humihila sa akin! Saan na naman ako dadalhin ng lalaking ito? Babalik na naman ba kami sa condo niya? Hindi pa ba tapos ang pag-aayos niya? "I already told you we were gonna have a date. Did you receive the chocolate?" Bigla naman akong natigilan. Sa kanya pala galing 'yon? "May binigay ka ba? Wala naman ah," pagkakaila ko sa pagbabakasakaling ma-po