Lumipas ang mga linggo at palagi na kaming lumalabas ni Dominic. Favorite spot na namin ang baywalk para mag-date at kumain ng mga street foods. May ilan siyang naikukwento sa akin tungkol sa kabataan niya kasama ang mga pinsan niya at mga kaibigan. Si Charlie daw 'yong itinuturing niyang parang bestfriend niya sa lahat ng mga pinsan niya dahil iyon daw ang hindi nawawala sa tabi niya. Pumapangalawa ang pinsan niyang kambal na si Rick. 'Yong isang kambal daw na si Nick ay hindi niya gaanong close dahil mas malimit daw na gusto niyon na mapag-isa lang at nakatutok lang sa trabaho. Masyado daw seryoso sa buhay ang pinsan niyang iyon. Hindi katulad ni Rick na game daw lagi sa lahat. Kung saan-saan daw sila napapadpad na mga bars. Halos lahat ng bar sa buong Manila ay napasukan na nila at u