"Good morning!" masayang bati ko kila Chelle at Sam pagdating na pagdating ko dito sa loob ng locker room. Magkatabi na silang nakaupo sa mahabang upuan at abala na sila sa pag-aayos ng mga sarili nila sa harapan ng mahabang salamin na para sa lahat. Marami-rami na rin ang tao dito sa loob at makikisiksik na naman ako ng upuan sa kanila. Umaalingasaw ang iba't ibang klase ng kanilang mga pabango. "Saya natin ah," sabi ni Sam habang nagli-lipstick. Ako lang talaga ang palaging late sa aming tatlo. "Of course! Dapat palagi tayong masaya para maraming benta. Hehehe," nakangisi ko namang sagot habang nakikisiksik na sa kanilang tabi. "Hmp. Siya lang ang maraming benta. Hindi naman namimigay," nakasimangot namang sabi ni Chelle habang abala naman sa paglalagay ng mascara sa pilik-mata niy