"Saan mo ba talaga ako dadalhin?!" Hindi na ako mapakali. Kanina pa din ako tanong nang tanong sa kanya pero hindi niya naman ako sinasagot. Naririto na kami ngayon sa loob ng kotse niya at kasalukuyan na siyang nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta. Ipinakuha na niya sa akin kanina ang mga gamit ko sa locker dahil alam na daw ng mga manager na mag-a-out na ako. Mabuti na lang at nasa loob pa pala ng HR office si Arianne at hindi niya ako nakitang lumabas kasama itong lalaking hindi lang pala magnanakaw, kundi kidnapper pa! Hinila-hila niya ako palabas ng employees entrance! Ilang sandali lang ay bigla kaming lumiko papasok sa isang basement na kanina ay natanaw kong isang mataas na gusali. Saan naman kaya ito? Pagpasok sa loob ay malawak na parking lot ang aming nabunga