"Ako ña kashiii," sabi ko habang ngumunguya ng pagkain. "Stop," sagot naman niya nang muli kong tinangkang agawin ang kutsarang hawak niya. Kanina ko pa inaagaw ang kutsara at tinidor sa kanya pero ayaw niya talagang ibigay. Masama na nga ang tingin niya sa akin eh. Siguro ay nakukulitan na rin siya sa akin. Mukhang malapit na naman niya akong masigawan. Bahala nga siya! Paa at mga tuhod ko lang naman ang may injury at hindi ang mga kamay. Matapos niyang gamutin kanina ang tuhod ko ay ang paa ko naman ang nilagyan niya ng ice pack dahil medyo namamaga na ito. Nagpa-deliver din siya ng pagkain kaya ito na ngayon ang nila-lunch namin. Isang plato lang ang nilagyan niya ng pagkain at dito pa rin kami sa sofa kumain. Hindi na kami nag-abala pang magtungo sa kusina. *** Matapos naming k