PABALIK na si Lath ng Pilipinas. Nang makatanggap siya nitong nakaraan ng envelope na galing sa secret agent na binayaran niya ay nakaramdam siya ng tuwa. “Nadine Moran is alive at may amnesia ito dahil sa pagkakabagok ng ulo nito. Ang babaeng nasunog ay isang missing person sa America.” Pagkalapag ng eroplano ay halos liparin na niya ang daan pauwi para lang makarating agad ng bahay. Nai-excite siya na makita ang mga anak at si Nadine. “Sir, tatlong araw na ho mula nang umalis sila,” bungad sa kanya ng kanilang maid nang makarating siya ng bahay. Tigagal at hindi makapaniwala, bigla ang paghulagpos ng galit niya. “Ah!” Sabay sipa sa malaking pigurin na nasa gilid ng entrance ng bahay. Basag-basag iyon matapos tumilapon. Halos mamutla naman ang maid habang nakatingin sa galit na gal