“MABUTI naman naalala mo pang balikan ang mga anak mo!” galit na boses ng ama ang pumukaw sa kanya habang nakatingin sa dalawang batang naliligo sa pool. “D-Dad, sorry po. Masyado lang akong busy. Narito ako, Dad, para iuwi na po ang mga bata sa penthouse. Doon na sila magsi-stay para madali ko silang mapuntahan ’pag nandito ako sa Pilipinas.” Hindi naman na nagtanong ang ama. “Ingatan mo ang mga anak mo, son. Sila dapat ang priority mo.” “I will, Dad.” Tahimik lang ang kambal habang inaayos ni Lath ang seat belt ng dalawa. “Say bye to Lolo and Lola, kids.” “Bye po, lolo.” Bahagya lang ang ngiti ng dalawang bata habang kumakaway. Isang busina pa at tuluyan na nilang nilisan ang mansiyon. Habang nagda-drive ay hindi niya maiwasan ang malungkot habang sinusulyapan ang dalawang bata