IPINATIGIL na niya ang pagpapahanap sa mag-iina niya dahil alam na niya kung nasaan ang mga ito. Ngayon, ang malaking problema ay papaano niya makukuha ang mga ito sa pangangalaga ng kaibigan nang hindi siya tumupad sa kanilang pinag-usapan many years ago. Sino ba naman ang mag-aakala na tinotoo pala ng kaibigan niya ang usapan nila noong magkasama pa sila sa martial arts. Bakit naman sa dinami-rami ng mapupuntahan at tutulong sa kanyang mag-iina ay ang matalik pang kaibigan? Anak pala ito ng dating tagapag-alaga noon ni Nadine sa bahay ng auntie nito. Alam ni Lath kung gaano na-in love ang kaibigang si Jonas sa kapatid niyang si Laurice. Hindi rin niya inaasahan na darating sa puntong gagawing alas ng kaibigan si Nadine at ang kambal para makuha ang kapatid niya. Pero ngayon ay iba ang n