PANAY ang iyak ng kambal kahit ilang araw na ang lumipas mula nang i-cremate ang katawan ng kanilang ina. Kahit nitong dumating sila ng Pilipinas, may mga gabi na sumisigaw ang magkapatid. Tinatawag nila ang kanilang mommy. Sa araw-araw na dumadaan ay pahirap nang pahirap kay Lath ang sitwasyon ng mga anak. Walang-ganang kumain ang kambal, halos hindi rin nakatutulog at bihirang magsalita. Nababahala na siya sa mga anak at nag-iisip kung ano’ng mabuting gawin niya. “Kuya, bring them to Palawan para maiba naman ang kanilang kapaligiran. Baka makatulong ’yon para makalimutan nila ang pagkawala ni Nadine.” Mag-isang nasa madilim na silid si Lath, halos araw-araw din siyang umiinom. Gusto niyang h’wag isipin ang lahat pero palaging bumabalik sa kanya ang huling pagtatalo nila ni Nadine kaya