“HINDI ako papayag sa gusto mo!” Galit na galit si Nadine. “Hinayaan kitang mapalapit sa mga anak ko pero hindi ibig sabihin no’n na hahayaan ko silang ilayo mo sa akin!” “Then ano’ng gagawin mo?” naghahamong baling ni Lath sa kanya. “Ako ang mommy nila at karapatan ko ’yon! Baka nakakalimutan mo na ako ang nagpakahirap sa mga anak ko mula nang ipagbuntis ko sila!” “Then see you in court!” matigas na sagot ni Lath. “Walang-hiya ka!” Sinugod niya ito. “Wala kang karapatan sa mga bata at kahit ikamatay ko, hindi ako makakapayag sa gusto mo!” Halos magbuga ng apoy ang mga mata ni Nadine. Hindi lingid kay Nadine kung gaano kagaling na lawyer ang isang Lath. Alam niyang kaya nitong kunin sa kanya ang mga bata. Iyon ang hindi niya kaya, ang mawala sa kanya ang kambal. Ikamamatay niya. N