"Ano ang gusto mong mangyari?" Tanong ko dito.
"Nais ko na pong makipagkasundo." Sabi nito. Tumango ako. Saka ko tinawagan si Manuel.
"Oh, Manuel Nandito Si Mr.Chua gusto na daw niyang makipag kasundo sayo. Anong sagot mo?" Tanong ko sa kanya.
"O sige sasabihin ko." Sabi ko.
"Sa susunod kasi aalamin mo muna kung sino ang kalaban mo. Bago ka kumilos." Sabi ko dito hindi ito umimik.
"Ang gusto ni Manuel bayaran mo ang nasunog na mga armas."
Sabi ko sa kanya.
"Magkano naman ang babayaran ko?"
Tanong ko
"Three hundred million pesos."
Sabi ko dito.
"Sige ako bigay basta ako di na gulo pa Manuel." Sabi nito.
"Magtiwala ka na hindi kana guguluhin pa ni Manuel." Sabi ko dito.
****JHANIN POV#****
Umaga pa lang aligaga na ako sa pagaasikaso ng mga gamit ko sa school. Dahil ngayun ang unang araw ng pagbabalik ko sa school. Hindi ko pa kabisado ang school na papasukan ko. Kasi private school na puro babae lang ang pumapasok ang pinili ni tita Rose na papasukan ko kasi yun daw ang gusto ni Manuel.
pagdating ko sa breakfast table.n Nakita ko na abala sila Nena sa pagaasikaso at paghain ng Pagkain, Nakaupo na si Manuel at tita Rose sa upuan ng breakfast table. Umupo na rin ako.
"Bilisan mo iha at ihahatid ka ni Manuel sa school mo." Nagulat ako sa sinabi ni tita Rose. Kaya napatingin ako kay Manuel na nakangiti sa akin.
"Sisiguraduhin ko lang na ayos ka lang dun." Sabi nito. Na nakangiti pa rin sa akin.
"Ano ba ang nangyayari sa akin ang lakas ng kalabog ng puso ko." Bulong ko sa isip ko.
Wala akong nagawa kundi tumango na lang sa kanila, kahit sa totoo lang kinakabahan ako.
Hinatid ako ni Manuel sa gate ng pinapasukan ko. Wala kaming imikan sa likod ng sasakyan habang nasa daan kami kanina, kasi ang lakas lakas ng kabog ng dib dib ko habang nasa tabi ko si Manuel.
"good luck sa pagpasok sa school." Sabi nito ng pagbuksan ako ng pinto. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya saka pumasok na ko sa gate. saka lang ako nakahinga ng maluwag ng nasa loob na ako ng school.
Busy ako maghapon kaya hindi ko namalayan ang oras. Nang may kumalabit sa akin.
"halika na sabay sabay na tayo mag break sa canteen at pumunta sa susunod na subject natin."
Sabi ng katabi ko at ngumiti kaya ngumiti narin ako sa kanya at tumango.
"Ako ng pala si Vivian Avila at ito naman si Sherly Mendrano at Catherine alexar."
Sabi nito at iniabot pa ang kamay sa akin.
"Ako naman si jhanin Mendosa."
Pakilala ko at kinamayan ko silang tatlo. Nasa canteen kami nagmemeryenda. Binigyan ako ni tita Rose ng cash na five thousand at isang ATM card na naka pangalan sa akin at isang black credit card nakalagay ito sa isang paper bag na may laman ding itong cell phone na kagaya kay Manuel.
IPON 6 pink diamond ang nakalagay sa labas nito. Ang ganda ng cell phone na to ngayun lang ako nag ka cell phone. Kaya tuwang tuwa ako.
Tumonog ang cell phone ko kaya napilitan akong kunin to sa bag ko.
"Wow! ang mahal ng cell phone na yan ha. I phone 6 pink diamond yan. Grabe ka ang mahal mahal ng cp mo."
Sabi ni Sherly na nanlaki ang mata ng makita ang Cell phone ko. Napatanga ako kasi wala naman akong alam sa mga klase ng mga cell phone.
"Grabee pumapangatlo lang ang mga cell phone namin diyan ah."
Sabi naman ni Vivian na tiningnan pa habang nakikipag usap ako. Tumango lang ako kahint hindi ko alam ang presyo talaga ng cell phone nato.
"Hello Jhanin kumusta ka naman diyan ayos ka lang ba.? Gusto kasi malaman ni Manuel kong ayos ka lang diyan?" Tanong ni tita Rose.
"Ayos lang po ako tita paki sabi na lang po sa kanya. Salamat sa lahat."
Sagot ko kay tita Rose. Habang napapangiti kinukumusta ako ni Manuel. Pero bakit hindi siya ang tumawag sa akin.
"Bruha, magkano ang bili diyan sa cell phone mo? Wala niyan dito sa pinas sa ibang bansa lang yan mabibili."
Sabi naman ni Catherine at kinuha ang cell phone ko.
"Ha.? Hindi ko alam binigay lang kasi sa akin
yan ng tita ko."
Sabi ko na nahihiya kasi hindi ko alam kung magkano at anong klase ang cp ko.
"alam mo siguro ang yaman yaman ng tita mo kasi hindi makakabili niyan ang pangkaraniwang business man lang." Sabi ni Vivian. Na ikinagulat ko gaano ba kayaman talaga si Manuel hindi ko din talaga alam.
hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kasi hindi ko alam kung gaano kayaman sila Boss Manuel. Kaya ngumiti na lang ako.
paglabas ko ng school, nagulat ako ng sumalubong sa akin si Bruno.
"Halika na ma'am kanina pa po naghihintay si Boss." Sabi ni Bruno sa akin at kinuha na niya ang gamit ko. Nagpaalam na ako kina Sherly at naglakad na kami papunta sa sasakyan.
Pagdating namin binuksan ni Bruno ang pinto sa likod ng driver. At pumasok ako sa loob nakita ko si Manuel sa tabi ko nakaupo may kausap sa CP niya.
"Okay..!mamaya na tayo magusap ikaw na muna ang bahala sa kanya."
Sabi nito at pinatay na ang CP niya at lumingon sa akin.
"Kumusta na ang araw mo ngayun?." Sabi nito na nakangiti.
sa akin. Napa tanga naman ako.
"Grabee lalo siyang nagiging gwapo kapag nakangiti siya. Ano ba tong nangyayari sa akin. Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko kapag nakikita ko tung lalaki na to." Bulong ko sa isip ko
"Hey! are you okay?."
Sabi nito. Ng hindi ako umimik nakatitig lang ako sa kanya at hindi nagsasalita.
"Y.yes im okay."
Sagot ko at napalunok dahil sobra talaga ang kabog ng dib dib ko. Tumango na lang siya at hindi na ako kinausap sila Bruno na ang kinausap nito.
kinabukasan maaga pa gising na ako. Pagkatpos kong gawin ang morning routine ko bumaba na ako para tumulong sa kusina.
Nagulat ako ng makita si Manuel na nagluluto.
"Oh. Hi." Sabi niya ng makita ako na nakatayo sa pintuan. Saka ngumiti. Lumakas na naman ang t***k ng puso ko
"Hi."Bati ko na lang sa kanya saka alanganing ngumiti.
"Maupo ka muna. maluluto narin ito." Sabi nito na parang natataranta kaya lumapit ako para tumulong maghanda ng lamesa kaso ng hahawakan ko ang pingan siya sakto ding hahawakan niya ito. Kaya ang nangyari ang kamay ko ang nahawakan niya. Napatingin ako sa kanya nagsalubong ang paningin namin. natulala akoSa sobrang lakas ng pintig ng puso ko dahil halos magkadikit na kami. Nakita ko ba napalunok siya.
Ng matauhan agad kung binitawan ang plato at binawi ang kamay ko na hawak niya. Saka umusog at yumuko.
"Sorry." Magkapanabay naming sabi kaya natawa kami pareho.
"Ahhm. tulungan na kita sa pagaayos ng kakainan." Sabi ko na lang. Tumango naman siya. Kaya ako ang nagayos ng lamesa habang nagluluto siya.
Hinatid niya uli ako sa school wala kaming imikan habang nasa daan. Naiilang parin kasi ako sa nangyari kanina. Pagdating namin bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan.
Tatalikod na sana ako ng tawagin niy ako kaya lumingon ako sa kanya.
" Ahhm. G..Good luck." Sabi niya ngumiti ako sa kanya. Saka tumalikod Ng may maalala ako lumingon ako uli nakita ko na papasok na siya sa kotse tinawag ko siya kaya lumingon siya.
"Aahhm. I..Ingat" Sabi ko saka tumalikod na agad. pagdating ko sa loob ng school napahawak ako sa dib dib ko dahil sa lakas ng kabog ng dib dib ko. Napa ngiti na lang ako.
"Hoy! Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Vivian sa akin at sumilip sa labas.
"Ahhm. wala napagod lang ako nagmadali kasi akong pumasok akala ko late na ako." Pagsisinungaling ko.
"Ano kaba ang aga aga pa no." Sabi niya saka hinila na ako papasok at sabay na kaming pumunta sa school.
Kasalukuyang kumakain kami ng tumunog ang Cellphone ko. Muntik na akong atakihin sa puso ng makita ko kung sino ang tumatawag.
"Hello?" Sabi ko pilit pinapakalma ang sarili.
"Hi.! Kumain ka na ba?" Sabi niya. hihimayin na yata ako sa kilig.
"Grabe, tumawag lang siya para itanong kong kumain na ako." kinikilig n bulong ko sa isip ko.
"Kumakain palang ikaw?" Tanong ko sa kanya.
"Ano ba to para kaming mag syota kung magtanungan." Bulong ko uli.
"Ahhm. Kumakain palang din." Sagot niya. Napa pikit ako. Natahimik kami sandali.
"Ah. Bakit ka nga pala tumawag?" Tanong ko ng hindi ako makatiis.
"Aahh..I called to check if you ate lunch and to tell you that I will pick you up later." Sabi niya. Napakagat ako sa ibaba kong labi.
"ok." Yun lang ang nasbi ko Nagpaalam na ito. Ng patayin ko ang CP ko napahawak ako sa dib dib ko.
"Ano bang nangyayari sa akin. Kinikilig ako sa simpleng salita niya lang. Saka bat ganito ang Nararamdaman ko ang lakas lakas ng pintig ng puso ko" Bulong ko.
Sige ang tingin ko sa relos ko pag dating ng hapon. Ewan ko ba Exited akong umuwi.
Paglabas ko hinanap agad ng mata ko ang sasakyan namin. Ang lakas ng kalabog ng dib dib ko ng makita siya na nasa tabi ng sasakyan hinihintay ako.
Ngmakita ako ngumiti ito at kumaway.
Napangiti na lang ako.
"Hi.! How was your day?"
Tanong niya sa akin.
"fine." Maikli kong sagot. Tumango siya.
Inalalayan niya ako sa pagpasok sa kotse. Saka siya pumasok.
Wala na naman kaming imikan. Nagulat ako huminto ang sasakyan lumabas siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Nakita ko na nasa harap kami ng isang restaurant.
Napapitlag ako ng hawakan niya ako sa siko. Napatingin siya sa akin. Alanganin akong ngumiti sa kanya. Pumasok kami sa loob ang ganda. Ngayun lang ako nakapasok ng ganitong kainan.
dumeretso kami sa lamesa na pinagdalahan sa amin ng staff. nasa gilid ito pagtingin ko sa tabi namin kitang kita ang labas. medyo mataas ito kasi sumakay pa kami ng elevator pagpunta namin dito.
binigyan kami ng Menu ng isang waiter ng makaupo na kami. Tiningnan ko ang Menu. Wala naman akong naintindihan sa mga nakasulat.
"What do you want to eat?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"It's up to you, I didn't understand anything here." Sabi ko na lang. Napangiti siya. Saka tinawag ang waiter at omorder.
Nagulat ako ng dumating ang pagkain namin. Ang dami niyang sinabi sa waiter kanina yun pala pasta at isang hiwa ng karne at toasted bread lang pala yun at isang juice.
Tahimik kaming kumain medyo nalilito pa nga ako kung paano kakainin ang pagkain kasi ang hahaba ng pasta kaya lihim ko na lang tiningnan ang ginawa niya.
"Kumusta naman sa school mo, hindi ka ba nahihirapan?" Maya maya tanong niya.
"Okay lang. Magagaling naman ang mga tescher magturo."
Sagot ko sa kanya. Tumango siya.
"Sa mga classmates mo hindi kaba nahihirapan makisama?" Tanong niya uli.
"Ayos lang din naman Actualy may mga kaibigan na ako ngayun." Sabi ko sa kanya.
"Thats good." Sabi niya.
"Salamat nga pala. Manuel sa lahat."
Sabi ko sa kanya.
" Okay lang. Basta kung may kailangan ka sabihin mo lang kay tita Rose."
Sabi niya. Tumango ako.
****
Lumipas ang limang araw, ganun lagi ihahatid niya ako bago siya pumunta sa pupuntahan niya kasi lagi lang naman nasa bahay siya kaso lagi siyang busy sa computer niya. Lagi din marami siyang bisita dumarating at naguusap sila sa opisina niya. parang na sanay na ako sa presensiya niya pero ang puso ko lagi paring lumalakas ang pintig pag nakikita ko siya O kaya ngngiti siya sa akin. Nalilito na nga ako sa sarili ko.
" Buti gising ka na iha, mamaya pala iha may dadating. Yung si Betyna siya ang kinausap ko na personal na magtuturo sayo ng proper dining etiquette at table manners kailangan mo yun ." Sabi ni Tita Rose.
"Bakit naman kailangan kong magaral nun Tita?"
Tanong ko kay Tita Rose.
"Gusto kasi ni Manuel ikuha kita ng mag tuturo nun sayo. Kailangan mo kasi yun iha para pag kasama ka namin ni Manuel makakasabay ka, kahit saan ka man dalahin namin ni Manuel hindi ka maiilang."
Sabi ni Tita Rose na tinanguan ko na lang kahit hindi ko parin naiintindihan kong bakit kailangan ko matutu nun at bat naman ako isasama nila.
Isang buwan din ako tinuruan ng kung ano anong etiquette. May sa pag suot ng damit may sa paghawak ng baso ng alak at paano iinumin yun. Yung iba naman naituro na sa akin sa school. Haay andami daming etiquette. Nakakapagod. Ang arte arte pa ng bakla na nagtuturo sa akin buti na lang natapos din.
hindi rin nagpakita sa akin si Manuel ng isat kalahating buwan kaya hindi ako nakapag reklamo sa gusto niyang matutunan ko.
Si Bruno ang nagsusundo at naghahatid sa akin sa school. Hindi ko alam parang na mimiss ko na ang mga ngiti niya sa tuwing kakausapin niya ako. Na mimiss ko na ang pagaalalay niya sa akin. kahit araw araw naman siyang tumatawag sa akin. Akala nga nila Vivian boyfriend ko si Mnuel. Ilang araw na akong walang gana bumangon ng maaga kasi walang Manuel na nagluluto ng almusal ko.
Isang hapon pag labas ko sa school, si Tita Rose ang nagsundo sa akin. Kasama uli si Bruno at ilang lalaki. Wala si Bugart kasama daw ni Manuel. May inaasikaso daw ito na importante. Dumeretso kami sa isang boutique.
"Cassandra ikaw na ang bahala kay jhanin alam mo na ang gagawin."
Sabi ni tita Rose at iniwan na ako. L
Lumabas ito sa may waiting erea at nag basa ng magazine.
nagtaka naman ako ano ang gagawin ng matabang babae sa akin.
"ikaw pala ang girlfriend ni Boss. Ako ang bahala sayo. Gyou are the most beautiful tonight."
sabi nito at iniwan ako. Maya maya lumabas ito sa isang kwarto na may dala dala na isang damit na kulay itim. Isinabit niya iyon at pinaupo ako sa harap ng salamin at inayusan yung medyo kolot kong buhok tinuwid niya ito at hinyaang nakalugay at isinuot niya sa akin ang itim na damit ang haba nito ay lampas tuhod ko labas ang balikat ko at may hiwa ito banda sa hita ko pababa kaya lumalabas din ang hita ko pag naglalakad ako hapit ito sa katawan ko kaya ilang na ilang ako. Tuwa tuwa si tita Rose ng makita ako.
"You look beautifull iha." Sabi niya saka nagpaalam na sa baklang nagayos sa akin at umalis na kami.
Pumasok kami sa isang hotel at pumasok ulit kami sa isang pinto. Dun ko lang nalaman na party pala ang pupuntahan namin sinalubong kami ni Manuel pagpasok namin. Ang gwapo niya sa suot niyang puting long sleeve na inibabawan niya ng itm na tuxido at itim na pants.
lalo lang lumakas ang kabog ng puso ko ng ngumiti ito sa amin.
"Hi honey, you are the most beautiful tonight." Bulong nito sa akin ng kunin ang kamay ko at ipolupot ito sa braso niya. Kinilig ako ng husto sino ba naman ang di kikiligin tawagin ka ba naman na Honey. Siguro kung hindi madilim nakita na nito ang pamumula ng mukha ko. Lumingon ako kay Tita nakangiti ito sa akin at sumunod sa amin sila ni Bruno.
dinala kami ni Manuel kung saan nanduon ang pagkain, kumuha kami ng plato at kumuha ng pagkain saka umupo sa lamesa na itinuro ni Manuel.