Tinanghali ako ng gumising. Pumunta ako sa kusina para magluto na laman ko na paborito niya ang tinapang Bangus kaya pinapunta ko sa salinas si Draco para bumili ng tinapang Bangus.
Nasa kalahati na ako ng ginagawa ko. Ng makarinig ako ng bulungan sa likod ko Kaya lumingon ako. Nagulat ako at nataranta ng makit ko si Jhanin kasama niya ang isa katulong nanasa likod ko sila. Napatingin ako sa kanya nakita ko titig na titig siya sa akin. Ang lakas ng kabog ng divdib ko.
"H!i..Good morning po Boss, tinatanong ko po si Jhanin kung bakit nandito." Sabi ni Nena sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"So ibid sabihin kanina pa siya nandito. Bat hindi ko siya naramdaman." Bulong ko sa isip ko. Kinakabahan ako hindi ko alam na magkikita kami ngayun.
" Mabuti at nanadito kana pala, luto na ang pagkain maupo ka na at magalmusal." Sabi ko na lang para mawala ang pagkailang ko. Saka tinuro ang lamesa.
"Aahm kain na. Niluto ko na rin ang nirerequest mo kay manang na tinapang Bangus. Masarap yan galing pa yan ng salinas at bago yan, pinakuha ko sa mga tauhan ko kahapon." Sabi ko uli sa kanya ng nakaupo na kami. Natataranta Ako hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya napapamura ako sa sarili ko.
"f**k! Ano ba Manuel umayos ka nga. Bat ka ba natataranta." Bulong ko sa isip ko. Ang lakas lakas ng kabog ng dib dib ko.
" "Aahm kumain ka lang ng kumain wag kang mahiya.
Hindi ka ba naiinip dito? Pag may gusto ka sabihin mo lang kay tita." Sabi ko ulit dito. Saka tiningnan ito.
Nasa kalagitnaan ba kami ng pagkain ng tumunig ang Cellphone ko.
"Sorry, Sagutin ko lang." Sabi ko sa kanya saka nagpunas ng bibig at lumabad. Ng nasa labas na ako saka kang ako nakahinga ng maayos.
"Hello?"
Sabi ko ng sagutin ang tawag.
"Manuel may sumabotahe sa ware house." Sabi ni Tyron.
"What?" Tanong ko dito saka napakunot ang noo ko.
" Bigla na lang nagkasunog sa Ware house kaninang madaling araw."
Sabi nito.
"Saan galing ang sunog at paano nagkasunog diyan?" Tanong ko dito.
"Sa ngayun hindi pa namin alam. Inaalam palang namin kung saan nagsimula ang apoy." Sabi nito.
"Alamin niyo at siguraduhin niyo na hindi nakatawag ng pansin ang nangyaring sunig." Sabi ko dito.
"Pupunta ako diyan ayusin niyo yan." Sabi ko saka pinatay ba ang Cellphone.
Huminga ako ng malalim saka sinilip si Jhanin na maganang kumakain sa lamesa. Saka tumalikod na.
"Oh. Manuel, Aalis ka?" Tanong ni Tita ng makitang palabas ako ng bahay.
"Opo Tita. Nagkaroon ng sunog sa ware house. Kayo na lamang po ang bahalang
magpaliwanag kay Jhanin. Alis na po ako." Sabi ko saka tumalikod na at nagmamadaling sumakay ng kotse.
*****JHANIN POV#****
Nagising ako ng maaga para tumulong kay manang sa pag luluto at magalmusal narin. Nagulat ako ng makarating ako sa kusina ng bahay hindi sa dirty kitchen, Dadaanan mo kasi yun bago ka makarating sa dirty kitchen.may nagluluto dun na isang lalaki nakatalikod ito sa akin. Naalala ko yung lalaki na pumasok sa loob ng kwarto ko kaparehas niya ng tayo at yung taas parehas na parehas.
Kaya kinuha ko yung dust feather hahampasin ko na lang sana siya ng lumabas sa pinto ng dirty ketchen si Nena at nakita ako hinawakan agad ang kamay ko.
"Ma'am ano po ang ginagawa niyo? Bakit niyo po papaluin ng pampagpag ng Alikabok si Boss.?" Nanlaki ang mata ko sa binulong niya. Sino daw ang lalaking ito yung Boss nila. Balik ko sa sinabi niya sa isip ko at tumingin sa gawi ng lalaki. Sakto naman tumitingin ito sa amin. Nabitawan ko ang dala dala ko na ipampapalo ko sana sa kanya kanina natulala ako sa itsura nito ang gwapo gwapo nito.
"Hi!..Good morning po Boss, tinatanong l ko lang po si jhanin kung bakit nandito."
Sabi ni Nena ng lumingon si Manuel at kumunot ang noo nito. Ang lakas naman ng kaba ko ng makita ko siya.
"Oh, nanadito kana pala. Buti at luto na ang pagkain maupo ka na at magalmusal." Sabi nito na itinuro ang lamesa.
"Aahm jhanin siya si Boss Manuel. Siya ang personal na nag aasikaso ng almusal mo sa umaga bumababa siya dito tuwing umaga para magluto ng pagkain mo at aakyat din siya pag katapos niya." Bulong ni Nena sa akin at itinulak na ako papunta sa lamesa. Saka nagpaalam na sa amin.
"Maupo kana at kumain."
Sabi nito at inilagay ang niluto niyang sinangag,itlog,ham,bacon,hot dog at may tinapa na bangus. May ginawa din siya na tuna Sandwich tapos tinimplahan niya ako ng chocolate mocha latai. Ang galing niya nga at umopo na rin siya sa harap ko. Nakatulala lang ako sa kanya hindi ako makapaniwala na ganito kabata ang leader ng Mafia at amo nila Nena.
"Aahm kain na. Niluto ko na rin ang nirerequest mo kay manang na tinapang Bangus masarap yan galing pa yan ng salinas at bago yan, pinakuha ko sa mga tauhan ko kahapon." Sabi nito. Hindi ako makapaniwala. Talaga lang ha. Pinakuha niya pa yan sa mga tauhan niya sa salinas.Sinong lolokohin niya, sino naman ako para ipakuha niya pa sa malayo ang gusto ko no.
Tiningnan ko lang siya at kumain na lang kahit naiilang kasi kahit hindi ako tumingin sa kanya alam ko na nakatingin siya sa akin.
"Aahm kumain ka lang ng kumain wag kang mahiya.
Hindi ka ba naiinip dito? Pag may gusto ka sabihin mo lang kay tita." Sabi nito uli. Napatingin ako sa kanya gusto ko sanang tanungin siya kung ano ang magiging trabaho ko kaso nailang ako sa titig niya kaya binaba ko na lang uli sa plato ko ang tingin ko.
Nasa kalahati pa lang kami sa pagkain ng may tinangap siya na tawag sa CP niya kaya agad siyang nagpunas ng puting tela na nasa hita niya kasama yun na ininlalagay sa lamesa kasama ng mga plato at kutsarat tinidor,kutsilyo at kusarita.n Nilalagay yun sa hita O kaya sa dibdib para pamunas at para hindi ka magkarumi sa pagkain, madalas ko ito makita sa mga bigating restaurant sa palabas sa tv.
Saka nag paalam sa akin at umalis. Nakahinga ako ng maayos ng umalis siya sa harap ko. Kumain ba lang ako ulit.
*****
"Ano Jhanina masapa ba ang tinapa na Bangus.?" Tanong ni aling bebang na kusinera. Nasa kusina ako para tumulong magluto.
"Opo masarap ang nabili niyong tinapa mukhang bago hind kagaya sa tinapa na binibili ko sa may kanto amoy palang luma na." Sabi ko na nagtatanggal ng dahon ng kakong sa tangkay nito. Magsisinigang na baboy at pinakbet kasi si aling bebang ngayung tanghalian.
"Hindi ako ang bumili nun at talagang masarap yun kasi dun pa pinabili ni Boss sa salinas yun kay Bruno at Draco."
Sabi nito at tumingin sa akin.Napa tingin ako kay manang sa narinig ko na sinabi niya.
"Talaga po Manang. Bakit naman niya ipapabili yun ako lang naman ang may gusto nun at sa malayo pa bumili?"
Tanong ko kay aling babang. Na napapaisip.
"Ewan ko nga kay Boss. Sabi niya kasi sa amin sa bihin daw namin kung ano ang gusto mo kainin. Kaya sinabi ko na gusto mo kumain ng tinpa na Bangus. Hindi ko naman alam na papupuntahin niya yung dalawa sa pagawaan ng tinapa sa salinas, alam mo Jhanin lalo na siguro kapag nag lihi ka na baka mataranta ng husto yang nobyo mo." Sabi nito na ikinagulat ko ang sinabi niyang huli. Na mula ako.
"Naku!..Manang hindi ko po boyfriend si Boss Manuel." Sabi ko na nanlalaki pa ang mata.
"Ay hindi mo ba nobyo si Boss. Naku hindi ko alam na mahina pala si Boss sa babae. Akala ko pa naman e nobya ka na niya kasi kung mag alala siya wagas."
Sabi ni manang sa akin at nagtawanan silang lahat.
Tinanghali ako ng gising kasi napuyat ako sa kakabasa sa libro na kinuha ko sa library ni Boss Manuel. Hindi ko na siya nakita magmula ng umagang yon at iba ang lasa ng pagkain ko nitong ilang araw kasi si manang na ang nagluluto ng almusal ko.
"Oh Jhanin buti gising ka na kanina pa kita hinihintay." Sabi ni mam Rose na ngayun ko lang nakita, kasi sabi nila may pinagawa daw si Boss Manuel.dito
"Sorry mam hindi ko po kasi namalayan na hatinggabi na pala sa kakabasa ng libro na kinuha ko sa library kahapon kaya hating gabi na ako nakatulog." Sabi ko na nakatingin kay ma'am Rose.
"Bakit niyo po ako hinahanap mam?"
Tanong ko kay mam Rose.
"Aahm..Iha gusto mo ba na magaral uli?"
Tanung uli ni mam Rose na ikina lingon ko sa kanya.totoo ba ang narinig ko gusto nila akong pagaralin uli.
"Opo mam." Mabilis na sagot ko at tuwang tuwa sa narinig. Gustong gusto ko talaga matapos ang course ko na BSBA.
"Sige aasikasuhin ko ang pagpasok mo sa school. Ngayung pasukan, diba second year ka na sa kursong BSBA."
Sabi nito. Na ikinatuwa ko at nayakap ko siya ng mahigpit.
"Salamat po ma'am. Asahan niyo po na magaaral ako ng mabuti at hindi ko kayo bibiguin." Sabi ko uli kay ma'am Rose habang nakayakap ako sa kanya.
"Haay..Iha hindi dapat ako ang pasalamatan mo kundi si Manuel. Siya ang nagutos sa akin na asikasuhin ang mga kailangan mo sa pagpasok sa school." Sabi nito habang tinatapik tapik ang likod ko.Habang tumatawa.
"At isa pa wag mo na akong tatawaging ma'am tita na lang at si Manuel wag mo na ring tatawaging Boss ha..!"
Sabi uli nito. Nagtataka na tiningnan ko siya.
"Pero po baka..m.."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya ito.
"Wala ng pero pero ok! Tita ang gusto ko na itawag mo sa akin at wag mo ng tatawaging Boss si Manuel."
Sabi nito saka ngumiti sa akin. Tumango na lang ako. Hindi ko talaga maisip ang mga nang yayari sa akin.
"O siya ubusin mo na yang kinakain mo at aalis tayo." Sabi nito at tinapik ako sa balikat.
,****MANUEL POV#***
Ilang araw na ako dito sa hide out namin.
Inayos ko ang naging problema.
"Boss, nahuli na namin siya."
Sabi nj Bugart. Napatingin ako dito.
"Nasaan ang tarantadong yun?" Sabi ko dito.
"Nasa basement Boss." Sagot nito.
Tumayo ako at pumuntang basement.
Pagdating ko dun nakita ko ang lalaking nakakatali at bugbog sarado.
"Boss, Patawad pinilit lang nila akong gawin yun. Papatayin nila ako pag hindi ko sila sinunod."Sabi nito. Nag tagis ang bagang ko.
"Sa akin hindi ka natakot?" Sabi ko dito.
Napalunok ito.
"Alam mo ba Kung magkano ang na wala sa akin dahil sa ginawa mo?" Tanong ko dito. Sabay hampas ng baril dito. Nagmakaawa ito sa akin.
"Alam mong ayaw na ayaw ko sa lahat ang tinatraidor ako." Sabi ko dito saka tinutukan ito ng baril sa ulo saka pinaputukan. tumumba ito sa harapan ko. Parang wala lang na binalik ko ang baril ko sa tagiliran ko.
"Linisin niyo yan." Sabi ko sa kanila.
" Pagkatapos sumunod kayo sa opisina ko may paguusapan tayo." Sabi ko sa mga ito. Nagsi tango ang mga ito. Iniwan ko na sila.
"Anong plano mo Boss?" Tanong ni Tyron sa akin.
"Ihanda mo ang mga tao may bibigyan tayo ng leksiyon." Sabi ko dito. Tumango ito.
Kinagabihan pumunta kami sa Wesrern Casino sa malate. Pagdating namin sinalubong kami ng bantay sa pintuan agad kong pinaputukan ito.
Nagkagulo sa loob pinagbabaril ko ang mga machine at lemesa sa loob. Habang nakikipag barilan sila Bugart sa mga tauhan ng Casino. Wala kaming tinira sa kanila at lahat ng gamit sa loob sinira namin. At parang wala lang na lumabas ng Casino.
****SOME ONE POV#*****
"Anong balita?" Tanong ko sa isang tauhan ko.
"Sinunog po Boss ang ware house ni Boss Manuel." Sabi nito sa akin. Napatingin ako dito.
"Ang daming gagalawin nila Si Manuel pa. Hindi ba nila kilala ito?" Wala sa sariling sabi ko. Kilala ko si Manuel wala itong pakialam sa mga bagay bagay sa mafia word hangat hindi sinasabi sa kanya ng mga Elder na makialam siya.
Pero iba kapag kinanti mo siya dahil doble ang ibabalik niya sayo.
"Anong ginawa ni Manuel?"
Tanong ko dito.
"Nasa ware house ngayun naglalagi si Boss manuel. Inaalam kong sino ang may pakana ng lahat." Sabi nito. Napatango ako.
"Kung ako sa kanya kung sino man siya maghanda na siya sa balik ni Manuel sa kanya." Bulong ko sa isip ko.
"Sige subay bayan niyo lang siya. At ireport niyo sa akin lahat."
Sabi ko uli.
Makalipas ang ilang araw nalaman ko ang nangyaring kaguluhan sa may malate. Nasundan pa ito ng ilang beses.
"Boss, sobra na po ang ginagawang pang gugulo sa negosyo ko ni Manuel." Sabi ni Chua ang may ari ng mga negosyo na sinisira ni Manuel.
"Kasalanan mo. Bakit mo pinasunog ang ware house ni Manuel?" Sabi ko dito.
"Hindi ko po alam na kanya yung ware house na yun at tauhan siya Tyron." Sabi nito. Napag alaman namin na natatalo ng casino Manuel ang casino niya. Kaya sa galit niya pinasunog niya ang awre house na hindi niya alam na si Manuel ang may ari.
Tinawagan ko si Manuel at pinapunta ko dito. dito sa Sanctuary.