"Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa past life ko bakit ako pinaparusahan ng diyos?" Tanong ko sa sarili ko.
"Wag ka ng umiyak ayaw mo magiging isa ka sa babae ng mafia Boss." Sabi ni Christy sa akin at tumawa pa ito ng nakakaloko. Tiningnan ko lang siya ng masama bago kami umalis.
"Wag kang magalala miss masisiyahan ka naman sa gagawin ng Boss namin sayo sa kama at kung ayawan ka naman niya nandito kami handang magpaligaya sayo." Sabi ng isa at nagtawanan na sila. Kinilabutan ako sa narinig kong sabi ng isa na gagawin sa akin ng boss nila at pag ayaw daw nito sa akin sa kanila ako mapupunta. Naiisip ko palang ang itsura ng boss nila siguradong na akong nakakatakot din. Kasi sila nga ang papangit nila yung amo pa kaya nila. Mas lalo lang akong kinabahan sa naisip.
Ang tagal ng biyahe namin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako,nagising na lang ako sa marahas na pag gising sa akin.
"Hoy, miss gising nandito na tayo sa pag sisintensiyahan sayo. Sabi ng katabi ko na siyang nanggising sa akin kinabahan uli ako. Lumabas kami ng sasakyan at pumasok sa loob.
Pag pasok namin sa loob nanlaki ang mga mata ko sa ganda ng nakikita ko, ang ganda ng bahay. Bumunggad sa amin ang dalawang mahabang hagdan. Kulay crema ito at may Chandler sa gitna na nagbibigay ilaw sa paligid at sa dulo ang leaving room. May sumalubong sa amin na matandang babae.
"Ako na ang bahala sa kanya."
Sabi nito at pinakuha sa isang kasama niya na naka uniform na kulay blue ang mga gamit ko. Umalis din agad ang mga lalaki na kasama ko.
"Maupo ka iha at sasabihin ko lang kay Manuel na nandito kana." Sabi nito at umalis na. Naiwan ako naupo ako hindi parin maalis ang kaba ko, nandito kami sa leaving room ng bahay.
"Ang ganda naman ng bahay na to at ang laki laki pa. Kung maganda ito dito sa loob lalo na siguro sa labas,"
Bulong ko. Hindi ko nakita kanina ang labas nakatulog kasi ako, ginising lang nila ako ng nasa harap na kami ng pintuan ng bahay.
"Iha kumain ka na muna. Alam kong hindi ka pa kumakain mag mula ng kinuha ka nila kanina." Sabi ng matandang sumalubong sa amin kanina, dumating na siya galing sa kwarto ng tinatawag nilang Boss.
Namangha ako ng makarating kami sa isang lamesa na isang dosenang tao yata ang kakasya o higit pa may bulaklak ito sa gitna. Pinaupo ako ng matanda sa isa sa mga upuan dun at tinawag ang dalawa pang naka uniform na damit.
"Dalahan mo siya ng pagkain at pag natapos na siyang kumain Ihatid niyo siya sa dulong kwarto sa itaas, naiintindihan niyo?" Sabi nito sa dalawa at tumango naman ang mga ito at umalis agad.
"Iha sila na ang bahala sayo." Sabi nito sa akin at umalis na.
"Pagkatapos ko bang kumain saka ako sesentensiyahan." Bulong ko sa sarili.
Maya maya nakita ko ng pabalik ang isang naka uniform, may dala na itong tray ng pagkain at inilapag ito sa harap ko. Nang makita ko ang pagkain na inihain nila sa akin napalunok ako ng laway.
"Last supper ko na ba? Bakit ang sasarap ng pagkain na inihanda nila sa akin? Hindi na siguro ako mabubuhay kinabukasan." Bulong ko uli sa sarili ko at tiningnan ang nasa harap ko na crispy pata, kare kare, inihaw na liempo, lupiang shanghai, kanin, hiniwang manggang hinog at isang pitsil na orange juice. Nagutom agad ako sa nakita ko. Nakalimutan ko ang kasalukuyang sitwasyon ko. Ngayun ko lang naisip na wala pa pala akong kain magmula kaninang umaga.
"Nakakahiya naman sa kanila baka sabihin nila choosy ako. Kakainin ko na lang." Sabi ko sasarili ko at nag umpisa ng kumain. Muntik ko ng maubos lahat nakalimutan ko na nasa panganib ako sa totoo lang kasi ngayun lang ako nakakain ng ganitong pagkain, kaya sinamantala ko na tutal papatayin na naman nila ako pipigilan ko pa ba ang sarili ko na kumain ng masarap.
Pag katapos kong kumain dinala nila ako sa taas. Habang nag lalakad kami papunta sa kwarto ko walong pinto yata ang nabilang ko na pinto bago kami nakarating sa magiging kwarto ko.
"Wow! Ang ganda. Ito ba talaga ang magiging kwarto ko?" Tanong ko ng buksan ang pinto at pumasok kami.
"Opo. Ito po ang kwarto niyo at diyan niyo na lang po sa closet ilagay ang gamit niyo, maiwan ko na po kayo ma'am." Sabi nito at aalis na sana ito ng pinigilan ko.
"aahm. Wag ka munang umalis, pwede ba akong mag tanong?"
Sabi ko at ngumiti sa kanya, tumingin ito sa akin at tumango.
"aahm.. Sino yung Boss niyo? Mabait ba siya?" Tanong ko uli sa kanya. Nakita ko ang pagkailang nito.
"Pasensiya ka na po ma'am hindi ko po masasagot ang tanong niyo. Kayo na lang po ang umalam magkikita naman po kayo." Sabi nito at ngumiti saka tumalikod na. Natahimik ako.
"Wag kang magalala ma'am, hindi naman nanakit si Boss Manuel."
Sani nito at umalis na.
"Hindi niyo lang alam, malaki ang utang ng stepmother ko sa kanya kaya siguradong sisingilin niya ako."
Bulong ko at nagumpisa na akong magayos ng gamit ko sa malaking closet at ng matapos ako pumunta ako sa loob ng banyo. Namangha nanaman ako sa laki nito. Salamin na malabo ang ding ding ng Shower, katabi nito ang toilet salamin ding malabo ang ding ding nito at meron pang bath tub, sa gilid ang malaking sink na may malaking salamin kulay cream ang mga ito. Napailing na lang ako. Nagumpisa ng maghilamos at nag tootbrush ng luma kong tothbruss na dala dala ko. Nagbihis din ako ng pantalong maong ko na kupas din kagaya ng sinuot ko papunta dito pinaresan ko ng T shirt na kulay puti at lumabas na. Gusto ko handa ako sa mangyayari sa akin oras na puntahan ako ng Boss nila makikipag p*****n muna ako bago niya ako magalaw.
Sinarado ko ang pinto at siniguradong naka lock tapos pinatay ko ang ilaw.
"Siguro malayo ito kasi inabot kami ng gabi sa biyahe namin. Naalala ko pa nung gising pa ako, nasa may kalsada pa kami mag hahapon na. Ano kaya ang mangyayari sa akin dito sa bahay nato." Sa kakaisip hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
***MANUEL POV#**
Kanina ko pa iniisip kung ano ang magandang gawin sa babae na dala ng mga tauhan niya kanina, naisip niyang ipadala ito sa Bar niya sa malate. Pero hindi ko pa sinasabi kay Tita alam ko na hindi na naman niya magugustuhan Kaya ng tinanong ni tita Rose kung anong gagawin ko sa babae sinabi ko ito na lang muna ang bahala sa babae.
Habang naglalakad papunta sa kwarto na sinabi ni tita Rose na pinatulugan sa babae iniisip ko na ang gagawing parusa sa babaeng anak ni Veron. Sa tabi lang pala ng silid ko nilagay ni Tita ang babae. Pagtapat niya sa pintuan nito kinuha niya ang master key niya sa bulsa saka binuksan ang pintuan.
"Fuck.! Who is this woman? Who was taken of those idiot." Sabi ni Manuel ng buksan ang pinto at ang ilaw ng kwarto. May sariling susi si Manuel sa lahat ng silid sa Mansion niya. Kaya kahit ni lock pa ni Jhanin ang pintuan nabuksan parin ni Manuel ang pinto ng kwarto niya. Nagulat si Manuel sa babaing himbing na himbing ang tulog sa kama.
"She is not verron's daughter."
Sabi ko at tinitigan ang babaeng tulog na tulog sa harap niya.
"Who is this woman sleeping on front of me?" Sabi ko uli at wala sa sariling nilapitan ito kumalabog ang dib dib ko ng matitigan ko ng malapitan ang babae at hindi ko napigilan na humanga sa itsura nito. Napaka simple nito malayong malayo sa Anak ni Veron na punong puno ng make up ang mukha. Ng maalala kung bakit ako nasa silid na pamura ako uli at nagmamadaling kong pinatay ang ilaw saka lumabas ng kwarto.
"BUGART...BUGART..!" Sigaw ko habang bumababa sa hagdan.
"Ano ba yun Manuel? bat ka ba sigaw ng sigaw diyan.?" Tanong ni tita rose sa akin. Alam niya na galit ako dahil sumisigaw lang ako kapag galit.
"Tita Rose ipatawag niyo po si Bugart at papuntahin niyo po sa office ko."
Sabi ko na nakakunot ang noo.
"Oo sige..sige wag ka lang sumigaw at gabi na." Sabi ni tita Rose at tinawag ang isang naka uniform at inutusan na tawagin sa labas si Bugart. Ako naman ay agad na pumunta sa opisina ko.
"Boss bakit po." Tanong ni Bugart ng dumating sa opisina ko.
"Tarantado ka.! Sino ang kinuha mong babae? Diba sinabi ko na yung anak ni Veron ang kunin niyo kung hindi siya magbabayad." Galit na galit na sabi ko sa tauhan kong si Bugart.
"Oo nga po Bpss kaya po ang anak ni Verron ang kinuha namin Boss. Sabi niya pa nga wag ka pa nga daw magalala kasi berhen pa daw yang anak niya." Sabi ni Bugart. Napaisip ako.
"Saan niyo kinuha ang babaeng yun.?"
Tanong ko uli kay Bugart.
"Sa bahay po nila Boss. Sabi pa nga niya yung anak na lang namin ang kunin niyo. Umiiyak pa nga po yang babae ng kunin namin Boss."
"Nagsalita pa nga yung kapatid niya Boss. Ayaw ba daw niya magiging isa siya sa babae ng mafia boss." Sabi uli ni Bugart sa akin. Napakuyom ako ng kamao .
"Yung kapatid niya na sinasabi niyo maiksi ang suot at puro make up ang mukha.?" Tanong ko kay Bugart at nag isip naman to pilit iniisip ang itsura ng kapatid ng babae na kinuha nila.
"Opo Boss, tumawa pa nga ito." Sabi uli nito.
"fuck..! Kung hindi ako nag kakamali."
Sabi ko at napa suntok pa sa lamesa.
"Sige na Bugart umalis ka na iwan mo na ako." Maya maya Sabi ko at lumabas na ng pinto si Bugart.
"Tita Rose..! May ipapagawa po ako sa inyo. Pumunta po kayo sa akin sa opisina ko bukas ng umaga." Sabi ko kay tita Rose ng tawagan ko siya sa telepono sa opisina ko konektado ito sa kwarto niya.
"Oo Manuel." Sagot naman ni tita Rose sa akin. Pagkarinig ko sa sagot ni tita Rose ay umalis na ako.
****JHANIN POV#**
Nagising ako at nag unat ng katawan pagdilat ng mata ko nagulat ako at napabangon. Ang ganda ng kinaroroonan kong kwarto at napaisip ako. Naalala ko ang nangyari kahapon,pinakiramdaman ko ang sarili ko wala naman masakit sa akin nakasuot pa naman ako ng damit ko. Lalo na sa may pagitan ng mga hita ko,wala namang masakit. Kinabahan ako bigla.
"Naku baka hindi ako nagustuhan ng Boss nila. Baka ibigay niya ako sa mga pangit na yun." Buulong ko at napahawak ako sa bibig ko.
"hmmp..! Ang baho..ay hindi pa pala ako nag sisipilyo. Hininga ko pala ang nanaamoy ko" Bulong ko sa sarili ko.at bumangon na sa higaan ko. Nagmamadali akong kumuha ng damit ko at pumasok ng banyo.
Paglabas ko ng banyo habang nagsusuklay ako ng buhok ko nagiisip ako kung papaano ako tatakas sa bahay nato.
"Aaah.. bahala na." Inis kong kamot sa ulo ko at nagimpake ng mga damit.
Nag mamadali kong kinuha ang bag ko at nilagay lahat ng damit ko dun at binuhat ko ito. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko.
"Naalala ko yung ginagawa ng secret agent na si James bond ba yun, ah, basta yun na yun. ang galing galing niyang magtago paborito ko yung pilikula nun. Gagayahin ko,
ganito lang yun." Sabi ko at dahan dahan akong bumaba sa hagdan at nagtago sa may likod ng hagdanan sige ang lingon sa likod at harap.
Ng may kumalabit sa akin.
"Ano ka ba? Wag kang malikot baka makita ako. Halika magtago ka rin."
Bulong ko sa kumalabit sa akin at hinila ko siya sa tabi ko hindi ko siya tinitingnan.
"Anong ginagawa mo ma'am?"
Bulong din nito sa akin.
"Ano..pa? Di tatakas ano kaba naman ang hina mo naman?" Bulong ko rin na hindi siya nililingon.
"Ano kaba ma'am hindi ka po makakatakas dito." Bulong ulit nito.
"Sinong may sabi. Magaling kaya ako magtago." Bulong ko rin sa kanya at sumilip pa sa labas ng pinag tataguan namin.
"Talaga po? Kasi kanina pa ho kayo pinapanood ni Boss Manuel. Pinapatanong niya kong kakain na daw ba kayo at san daw po ang punta niyo?" Sabi nito at tumayo na. Napa tanga na lang ako sa kanya.
"Saka hindi naman po kayo makakatakas dito kasi po mam napapalibutan po itong bahay ng CCTV at naka program po yun sa office ni Boss Manuel." Sabi pa uli nito.
"Haay! Bakit hindi mo sa akin sinabi agad ? Nakuha mo pang magtago kasama ko." Sabi ko at tumayo na nagpapadyak pa ng paa at tumingin ako sa taas nakita ko ang isang bilog at may ilaw na pula kaya wala na kong nagawa kundi sumama sa kusina para magalmusal.
****MANUEL POV#**
Nagulat ako at napakunot ng noo ng tumingin sa monitor ng CCtV nakita ko yung babae na dala ng mga tauhan niya kagabi na dahan dahan itong bumababa ng hagdan at nagtago pa sa ilalim ng hagdan,may dala dala siyang bag.
"What is she doing?"
Sabi ko saka napa iling.
Tumawag ako sa telepono na naka connect sa ibaba. Sinabi ko na puntahan yung babae sa ilalim ng hagdan at tanungin kong gusto ng mag almusal.
Nagula ako ng makita ko na hinila nito ang katulong ko at pinatago ito sa likod niya at nag bulungan ang dalawa. Napakunot ang noo ko.
"What they're doing?" Tanong ko at pinagmasdan ang dalawa nakita ko na tumayo na ang katulong ko at maysinabi sa babae napatanga ito at tumayo nangpapadyak at tumingin sa CCTV. Nahigit ko ang paghinga ko.
Napaka ganda niya. Hindi ko maiwasan na hindi humanga sa tuwing makikita ang mukha niya at wala sa sariling napa ngiti.
"This woman is very innocent."
Sabi ko na umiiling habang papunta sa may lamesa ko at nagsimula nang mag tipa sa computer ko at maganang nagtrabaho.
***JHANIN POV#**
"Ano ka ba naman ma'am, hindi ka basta basta makakalis dito. Dahil paglabas mo sa pintuang yan maraming tauhan diyan si Boss na nag babantay." Sabi nito, habang pinapaupo ako sa upuan sa tabi ng lamesa, Iba nanaman itong lamesa na kinakainan ko nasa tabi naman ito ng salamin na diding, malaki din ito pero hindi ito kasing laki ng lamesa kagabi at pabilog ito hindi kagaya kagabi na pahaba. Napa lingon ako sa tabi ko. Nagulat ako sa nakita,
ang laki laking swimming pool at pahaba ito may pabilog din sa gilid nito at meron pang nasa sulok may bubong ito may kalakihan din na pabilog pero mas malaki ang pahaba na nasa gitna.
"Wala si mam Rose kaya Kami ang napag utusan na mag asikaso sayo ni Boss Manuel." Sabi nito uli sa akin. Napalingon ako sa kanya.
"Ano ang mga pangalan niyo at ano ano ang trabaho niyo dito?" Sunod sunod na tanong ko sa kanila. Dalawa kasi sila na nagaasikaso sa akin.
"Ako si Nena at ito si Carmina parehas kaming katulong dito.at yung isa na yun na payat yun si Inday katulong din bale tatlo kaming katulong. Yung nasa diry kitchen si aling Bebang at yung labandera naman si aling Berta na asawa ng hardenero na si mang Berto." Pakilala ni Nena sa kanilang lahat. Habang nilalagyan ng juice ang baso ko si Carmina naman inakyat uli ang bag ko.
"At yung matanda na nagdala sayo dito sa kusina kagabi si Ma'am Rose yun Tita yun ni Boss Manuel siya ang pinagkakatiwalaan ni Boss Manuel dito sa bahay." Sabi ulit ni Nena sa akin. Napakunot ang noo ko.
"Tita kung ganun bata pa yung Boss nila." Sabi ko sa isip ko.
"Aah.. Ganun pala. Eh Nena ano sa palagay mo ang magiging trabaho ko dito sa bahay na to?" Tanong ko kay nena.
"Ay m'aam hindi ko rin alam. Akala nga namin syota ka ni Boss Manuel. Kasi dun ka pina hatid ni mam Rose sa guest room katabi ng kwarto ni Boss Manuel." Sagot ni Nena sa akin.
"Guest room pala ang tinulugan ko kagabi at yung katabi pala ang kwarto ng Boss nila." Sabi ko sa isip ko. ng may maalala ako.
"Ay Nena hindi ba ako nagustuhan ng Boss mo. Kasi sabi ng mga Lalaki na nag hatid sa akin pag hindi daw ako nagustuhan ng Boss niyo ibibigay daw ako sa kanila." Sabi ko na kinakabahan kasi naalala ko ang sinabi ng mga pangit na yun.
"Wag kang maniwala sa kanila mga lokoloko yun at isa pa kung hindi ka nagustuhan ni Boss bat ka dun sa guest room pinatulog ni mam Rose at hindi ka binigay ni Boss ngayun sa mga gagong yun. Pinaasikaso ka pa nga sa amin." Sabi ni Nena na nakapag paluwag ng paghinga ko. Ayos narin yun kesa ibigay ako sa mga pangit niyang tauhan.
"Akala ko talaga ibibigay ako ng Boss niyo sa mga pangit na yun kaya tatakas na ako. Mas nanaisin ko na lang na mamatay wag lang ako mapunta sa mga pangit na yun."
Sabi ko kay Nena habang kumakain. Na tawa siya sa sinabi ko. Napapa sarap na naman ang kain ko kasi naman sino ba ang hindi mapapasarap sa pagkain sa bahay na to ang sasarap ng pagkain katulad ngayun may sinangag na may becon ,hatdog ,itlog,ham at may hiniwang papaya pa at orange juice na naman samantalang sa bahay laging tuyo ang ulam ko kasi lagi akong nauubusan ng ulam buti nga at marami ang nasasaing ko kung hindi baka pati kanin maubusan ako.
Naisipan ni Manuel pumunta sa may pool para maligo at kasama na rin ang mag ehersisyo, ng makita niya si Jhanin na kumakain.
nakatuwaan niyang pag masdan ito at sa lugar niya narirnig niya ang usapan ng dalawa.
"Ah..Nena hindi ba ako nagustuhan ng Boss mo kasi sabi ng mga lalaki na naghatid sa akin kagabi pag hindi daw ako nagustuhan ng Boss mo ibibigay daw ako sa kanila." Nagulat ako sa sinabi nito.
"Sira ulo talaga yung mga yun. Ginawa pa akong manyakis ng mga gagong yun." Bulong ko at nakinig pa ako. Natawa ako sa sinbi ni jhanin na mas nais niya na lang daw magpakamatay kesa mapunta sa mga pangit na yun. Napapailing na umlis na lang ako at hindi na itinuloy ang pagligo. sa kwarto na lang ako maliligo.
hinihintay ko ang pagdating ni tita Rose. Gusto kong malaman kung ano ang resulta ng pinatatrabaho ko.