Chapter 3

3187 Words
Ng dumating si Tita nagusap kami sa opisina. Nalaman ko na siya pala ang anak ng kinakasama ni Veron at nalaman ko din na hindi maayos ang pakikitungo ng mag ina dito. "Kung ganun po nagaaral pala siya Tita." Sabi ko kay Tita habang binabasa ang mga document na dala ni Tita mga record niya at pagkakakilanlan niya. "Oo iho at isa siyang scholar sa skwelahan na pinapasukan niya." Sabi ni Tita napa tango ako. "Ano ngayun ang balak mo sa kanya ngayung napatunayan mo na hindi nga siya anak ni Veron." Sabi ni Tita. "Pagiisipan ko pa po Tita. Sige po Tita magpahinga na po kayo salamat po." Sabi ko sa kanya at nagpaalam na ito. Napa isip ako sa nalaman ko. Hindi ko alam ang mararamdaman hindi ko alam na ganun ang mga naranasan niya. Na ikuyom ko ang kamao ko. Ng maisip ko sila Veron. "Mabibigyan din kita ng leksiyon." Bulong ko. Pagdating ng gabi pinuntahan ko si Jhanin sa kwarto niya. "Hindi ko alam bat ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kita." Bulong ko. "Patawarin mo ako kung hindi na kita pauuwiin pa sa inyo." Bulong ko uli. Saka huminga ng malalim at lumabas ng silid niya. ****JHANIN POV#*** Pang apat na araw na ko dito sa bahay na to. Pero hanggang ngayun hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin ng Boss nila at isa pa hindi parin ito nagpapakita sa akin hanggang ngayun. Naiinip na ako dito tanging kusina lang at kwarto ko ang napupuntahan ko kasi natatakot ako na makita niya at kung ano ang gawin niya sa akin. Napahinto ako sa kakaisip ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko natakot ako. Matagal ko munang tinitigan ang pinto, kung hindi nag salita ang nasa labas. Hindi ako kikilos. "jhanina gising ka ba?" Tanong ni tita Rose sa labas ng pintuan ko. Ng marinig ko na siya lang pala saka lang ako tumayo at nagbukas ng pinto. "Pasensiya na po ma'am nasa banyo po kasi ako." Pagsisinungaling ko. "Oh! Sorry pinapunta kasi ako ni Manuel pinatatanong niya kung gusto mo daw mag ikot ikot samahan daw kita at baka daw naiinip ka na." Sabi niya saka ngumiti ito sa akin. Napatanga naman ako sa sinabi niya "Ano daw? Anong topak ng pamangkit niya? Pero totoo ba ito ililibot niya ako sa lugar nato. Syempre gusto ko naiinip na nga ako."sabi ko sa isip ko kaya tumango ako. "Halika sasamahan kita." Sabi nito na inabot ang kamay ko. Inabot ko naman ang kamay niya at ngumiti ako. Lumabas kami ng bahay. Tama nga si Nena pag bukas pa lang ng pinto naglingunan na agad ang limang tao. Halos sampo sila na armado na nagbabantay sa labas ng pinto. Kaya napatingin ako sa kanila. dumeretso kami sa kanan. Ang ganda ng bakutan ang daming bulaklak sa mga gilid ng nilalakaran namin may dinaanan pa kami parang maliit na tulay at sa ilalim nun maraming isda naibat ibang klase. May fountain din kaming nadaanan at sa dulo may daanan na maliit at ang paligid nito ibat ibang klase ng bulaklak at sa dulo may lamesa na gawa sa bakal at ganun din ang mga upuan nito na nakapallibot dito sa ibabaw nito ay may vase na may bulaklak kulay puti ito. "Ito ang garden ko pag wala na akong ginagawa nandito ako.mahilig ka rin ba sa mga halaman Jhanin?" Tanong nito sa akin. Kaya napalingon ako sa kanya.at tumango. "Opo naaalala ko pa yung tinanim kong rose sa bakuran namin kinuha ko lang yun sa nadaanan namin at yung bugambila na binigay ng kapitbahay namin tinanim ko din." Kwento ko na natatawa.tiningnan naman niya ako. "Namimiss mo ba ang pamilya mo?" Tanong ni tita Rose na nakatitig sa akin. "Opo kahit na hindi nila ako namimimiss at kahit na wala silang pakialam sa akin naaalala ko parin sila kasi sila lang ang pamilya ko." Sabi ko na naluha sa isiping yun. "Sorry po." Sabi ko uli at pinunasan ang luha ko tumawa siya at hinila ako sa may upuan dun at naupo kami. "Wag kang magalala masasanay ka rin dito pag naiinip ka maglibot libot ka sinabihan na ni Manuel ang mga tao niya na payagan kang lumabas ng bahay at magikot ikot sa bakuran malawak ito magsasawa ka. Marami ka ring makikita.hanggang dito lang kita naisama kasi hirap na akong maglakad." Sabi ni ma'sm Rose at tinulungan ko siyang mag asikaso ng halaman niya.at tinuruan niya akong maglagay ng abono sa halaman. Tuwang tuwa naman ako. Nalibang ako ng husto hindi ko na namlayan ang oras. "Halika na at mag lunch na tayo. Siguradong hinahanap na tayo ni Manuel." Sabi nito at tumayo na tumayo na rin ako at naghugas kami ng kamay bago umalis. "Ma'am ano po ba ang magiging trabaho ko po dito sa bahay?" Tanong ko kay mam Rose habang nakain kami. Napatingin siya sa akin. "Bakit iha naiinip ka na ba? Wala pa kasing sinasabi si Manuel. Hayaan mo at tatanungin ko rin minsan yun." Sagot naman nito sa akin at ngumiti. "Hindi naman po. Nakakahiya kasi na wala po akong ginagawa hindi po ako sanay." Sabi ko saka ngumit. Tumawa naman si ma'am Rose sa sinabi ko. " Magmula ngayun masanay kana dahil sa tingin ko hindi ka pagtatrabahuin ni Manuel saka wala ka naman gagawin dito sa bahay may mga gumagawa na para sa atin." Sabi nito na tawa ng tawa. Ngumiti na lang ako. Lumipas ang mga araw magiisang buwan na ako dito sa mansion halos na ikot ko na ang buong bakuran nito. maganda talaga ito sa bandang kanan may maliit na falls may daanan ito papunta sa pool. Ako na ang nagaalaga sa mga halaman ni ma'am Rose. Ayaw niya sana kaso sabi ko para may magawa naman ako. Kasi sa totoo lang naiinip na ako, hindi ko alam kung ano ang plano sa akin ng pamangkin niya hindi parin ako napapanatag hangang ngayun. Kaya pumayag na siya hindi pa rin kasi nagpapakita ang pamngkin niya sa akin. Buti nga yun kasi natatakot ako na baka anong gawin nun sa akin pag nagkita kami. Maaga akong nagising kasi naisip ko kagabi na tutulong ako sa pag luluto.kaya bumaba na ako at nag deretso ako sa kusina kung saan nagluluto sila. "Manang patulong ako.gusto kong matutu mag luto" Sabi ko ng makita ko na nagkokompulan sila sa lamesa. "Hay.. Naku.. Naku, wag kang makagalaw galaw diyan ng kahit ano. Baka pagalitan ako ni Boss pag nakita ka sa Cctv na tumutulong diyan. Baka isipin nun na pinatutulong ka namin sa trabaho dito." Sabi nito na tinuro pa ang CCTV na nasa tabi. "Wag kang magalala tulog pa yun. Ang aga aga pa eh." Sabi ko na ngumiti kay manang. Sanay na sila sa akin na ngungulit sa mga trabaho nila. "Hindi..! Pag gising nun nerereview nun ang CCtV na hindi niya nakita. Pano kung makita ka. Anong gagawin ko siguradong mapapagalitan ako nun." Sabi nito na ngumuso pa. Kaya wala akong nagawa, pumunta naman ako kayla Nena na naghihimay ng gulay nangulit din ako dun hindi din sila pumayag kaya tumunganga na lang ako sa kanila at nakipag kwentuhan sa mga buhay nila. "Alam mo ma'am crush nga niyan yung si Budoy yung matangkad at medyo maputi sa labas na nagbabantay malapit sa gate." Sabi ni Nena.na binatukan naman ni Carmina kaya natawa ako. "Ikaw pati kay ma'am binubuking mo ako. Wala ka talagang magawa." Sabi naman ni Carmina na nakakunot ang noo kay Nena na nangangamot ng ulo. "Hindi naman chismusa si ma'am. Hindi naman niya kabiruan si Budoy." Sabi naman ni Nena kay Carmina at siniko pa ito na tawa narin ako. "Aahm,Nena pwede bang wag niyo na akong tinatawag ng ma'm. Nakakailang kasi hindi ako sanay na tinatawag ako ng ganun." Sabi ko sa kanila sa totoo lang noon pa talaga ako naiilang sa tawag nila sa akin. "Naku hindi po pwede ma'am Jhanin baka po mapagalitan kami ni Boss Manuel." Sagot ni Nena sa akin tumango naman si Carmina. Kinahapunan pumunta si ma'am Rose sa kusina at tinanong si manang na kusinera kung bakit ako nasa kusina kaninang umaga at mukhang nagtatalo daw kami kasi tinatanong daw siya ni Manuel. "Naku..ma'am si Jhanin po kasi nangungulit na turuan ko daw siyang magluto. Kaya nagtalo kami kasi sabi ko hindi pwede baka makita ni Boss na pinatutulong namin siya pagalitan kami. Kaya nakipag kwentuhan na lang sa tatlong katulong. Paliwanag ni manang Bebang kay ma'am Rose. "Ganun ba? Kasi nagtatanong si Manuel nakita niya kayo sa CCTV. Hayaan niyo na lang ang batang yun wala kasing magawa yun kaya kahit ano gusto gawin. Kaya pag gustong tumulong patulungin niyo na lang para malibang wag lang yung mabigat na trabaho at baka mapagalitan tayo ng Boss niyo ako na ang mag papaliwanag kay Manuel." Sabi ni ma'am Rose sa kanila. "Eh,ma'am. Bakit po ba hindi nagpapakita si Boss kay ma'am Jhanin? Lagi na lang siya nagmamadaling umakyat kapag alam niya na baba na si ma'am Jahanin tapos dun narin siya kumakain sa opisina niya." Tanong ni manang Bebang kay ma'am Rose. "Hindi ko nga rin alam ang nangyayari sa batang yun. Pag tinatanong ko naman tungkol kay Jhanin lagi lang sinasabi na ako na daw muna ang bahala kay Jhanin. Pero pagnagkikita kami sige ang tanong tungkol kay Jhanin lagi niya naman itong chinecheck sa CCTV, hindi ko nga alam kung ano ba ang plano niya kay Jhanin." Sabi ni ma'am Rose kay Bebang at nagpaalam na aakyat na siya sa taas,tumango na lang si manang Bebang. Dahil pinayagan na nila ako na tumulong sa kanila kaya tuwang tuwa ako, tumutulong na ako sa kanila tuwing umaga pa nagluluto sila pati sa paghahanda ng tanghalian tumutolong din ako, napapailing na lang si aling Bebang sa akin tuwing pupunta ako sa kusina. Isang araw biglang lumapit sa akin si ma'am Rose. Lagi na kasi ako nasa kusina pagkatapos ko magasikaso ng mga halaman para makipag kwentuhan na din sa kanila kaya hindi na sila naiilang sa akin. "Jhanin. Halika at magbihis ka may pupuntahan tayo." Sabi nito at ngumiti sa akin saka umalis. Kaya nagtinginan sila, ng marinig ko agad akong nag paalam kina Nena at umakyat na sa kwarto ko. "San kaya kami pupunta ni ma'am Rose? Naku baka ibebenta na nila ako kasi hindi ako nagustuhan ng Boss nila, para may pakinabang naman sila sa akin." Bulong ko na kinakabahan sa naisip ko. Huminga na lang ako ng malalim at Nagsuot na lang ako ng luma kong pantalon at t-shirt na luma din kasi mga pinaglumaan lang ito ni Christy at doll shoes. Ng kumatok si ma'am Rose binuksan ko ang pinto. "Anong nangyari sayo bat namumutla ka." Tanong nito na nagaalala at hinawakan pa ang mukha ko. "Ha..? Wala ma'am nagulat lang ako sa pagkatok niyo. Pagsisinungaling ko at tumawa ako natawa na lang din si ma'am Rose sa akin. "Akala ko may nangyari na sayo. Halika na at naghihintay na sa atin sila Bruno at si Bugart." Sabi ni ma'am Rose na lalo kong kinabahala. "Sabi ko na nga eh, ibebenta na ako ng mga ito. Siguro nakakita na sila ng bibili sa akin." Bulong ko at kinakabahan ng husto sa naiisip. "Ano ba ang nangyayari sayo at namumutla ka nanaman? Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo ba na ipatawag ko ang private doctor namin ng matingnan ka?" Sabi ni ma'am Rose na nangaalala sa akin. "Naku! Wag na ma'am ok lang po ako." Natataranta na sabi ko sa kanya at ngumiti pa dito. "Ay hindi. Mamaya dadaan tayo sa clinic para matingnan ka. Baka kung ano nayan." Sabi nito. Hindi na lang ako umimik at lumakad na kami. Habang nasa daan sige kausap sa akin ni ma'am Rose, sige ang kwento niya sa akin ngiti lang naman ako ng ngiti kasi wala dun ang isip ko. Ang iniisip ko maganda kaya ang kapalaran na naghihintay sa akin dun sa bibili sa akin kaya nagulat ako ng huminto kami sa isang mall. "Siguro dito namin kakatagpuin ang buyer nila." Bulong ko uli. Pero nagkamli ako kasi pumasok kami sa isang bilihan ng mga damit. "Hi! ma'am, good afternoon po. Ano pong kailangan niyo? May mga bagong labas kami ma'am baka gusto niyo?" Sabi ng sales lady sa amin saka ngumiti ito sa amin. "Aahm.. Miss, pakipilian siya ng lahat ng damit na babagay sa kanya. Okay?" Sabi ni mam Rose sa sales lady sabay ngiti dito. Ngumiti rin ang sales lady at lumapit sa akin. Nagtataka akong napatingin kay ma'a Rose. "Halikayo ma'am, dito po tayo." Sabi ng sales lady na ikinalingun ko dito at pumunta na kami sa dressing room. Iniwan kami nito dun sandali. Maya maya may dala na itong maraming damit at pinasukat sa akin. "Bagay po ba ma'am sa kanya?" Tanong nito kay ma'am Rose ng lumabas ako ng dressing room. Ngumiti si ma'am at tumango. Marami pa akong sinukat at lahat yun binili ni ma'am Rose. Pagkatapos namin dun kumain kami sa isang restaurant habang kumakain wala lang akong kaimikimik dahil iniisip ko kung bakit ako binilihan ng mga damit, pagkatapos naming kumain pumunta naman kami sa mga sapatusan binili niya rin lahat ng bagay sa akin. May mga heels may plat may rubber shoes litong lito na talaga sa nangyayari paglabas namin dun pumunta naman kami sa spa sa may okada kasi nabasa ko yun sa labas at pag dating namin sa loob may kinausap si ma'am Rose na babae tapos pumasok na kami sa may kwarto,dalawa lang kami ni ma'am Rose kasi yung mga lalaki na kasama namin nasa labas lang at mukhang kilala na si ma'am Rose dito. "Ma'am ano po ang gagawin natin dito?" Bulong ko kay ma'am Rose nung hindi na ako nakatiis. Nasa loob na kami. "Basta masarap ang gagawin nila sa atin, hintayin mo lang." Sabi ni ma'am Rose na ngumiti pa sa akin. Napa tango na lang ako at nakiramdam sa paligid. Tahimik dito. Ng may dumating na dalawang babae pinahigain nila kami sa parang kama na may mga nakasabit na mga bagay na parang pang kuryenta. Kinabahan ako kaya napatingin ako kay ma'am Rose kalmado lang naman ito. Ng lagyan ng malagkit ang mukha ko at kunin yung pangkuryente sa ulo ko natakot talaga ako. Kaya nahawakan ko yung kamay ng babae. "Ay.. Miss, wag kang magalala hindi to masakit mas lalo kang gaganda rito." Sabi nito na nakangiti at napatingin naman ako kay ma'am Rose. Nakita ko na iniikot sa mukha niya ang bagay na yun pero hindi naman nasasaktan si ma'am kaya kumalma ako. "Oh. Tingnan mo si ma'am Rose, hindi nga nasasaktan diba. First time mo lang ba na magpaganito?" Tanong nito sa akin. Tumango naman ako at ngumiti siya sa akin kaya ng ilapat na niya ito hindi na ako umangal. Nakakakiliti pala ito hindi masakit. Ng nasa buth tub na kami nakababad pinakikiramdaman ko ang tubig mainit ang tubig at mapango may mga petals pa ng bulaklak,masarap siya sa pakiramdam kagaya ng massage nakakarelax. Tinanong ako ni ma'am Rose kung ano ang pakiramdam ko sa ginawa sa akin kanina. Nag kwento ako sa kanya sa nangyari kanina. Tawa siya ng tawa habang umiinom kami ng tea daw yun sabi ni ma'am Rose hindi ko maintindihan ang lasa pero sabi ni ma'am Rose kailangan daw uminom nun pagkatapos naming imassage kaya ininom ko na lang kahit hindi naman masarap, takot ko kang na mategi no. Pero pag tinatanong ako ni ma'am kung masarap tumatango na lang ako. Ng matapos kami dun nagpunta naman kami sa parlor nagpaayos kami ng buhok plinancha ang buhok ko na medyo kulot at kinulayan ang mga kuku ko, sa paa lang ako nagpakulay sa kamay colorless lang ang pinalagay ko yung sa paa ko nga light na kulay lang yung parang walang kulay. Kasi naaasiwa ako hindi ako sanay. Gabi na kami nakauwi ng bahay kaya napatingin ako kay ma'am kasi hindi nila ako binenta. Kinbukasan nasa garden kami ng mag kwento ako kay ma'am Rose tungkol sa akala ko kahapon na ibebenta nila ako sa pupuntahan namin. Tawa siya ng tawa sa akin. "Bat mo naman naisip na ibebenta ka namin no." Sabi nito na tawa ng tawa sa akin. "Kasi sabi nung mga lalaki na nagsundo sa akin sa bahay kapag inayawan daw ako ng Boss nila ibibigay daw ako sa kanila. E diba inayawan na niya ako, bakit hindi pa ako binibigay sa kanila. Kaya naisip ko na baka ibebenta niya na lang ako para may pakinabang siya sa akin.". Paliwanag ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako. "Bakit mo naman nasabi na ayaw sayo ni Manuela? Tatagal ka ba dito kung ayaw niya sayo? Tapos binilihan ka pa niya ng mga gamit mo kasi nakita niya na mga luma ang sinusuot mo araw araw." Sabi nito. napatingin ako sa kanya na nagtatanong. "Bakit akala mo ba sa akin lahat ng ginastos natin, sa kanya yun kasi sabi niya wala ka daw mga damit masyado kaya ipamili daw kita ng mga gamit mo at ipasyal para naman daw malibang ka baka daw naiinip ka na." Sabi nito na nakatingin sa akin. "Pero ma'am bakit ganun hindi naman siya nagpapakita sa akin, paano niya nalaman na luma ang mga sinusuot ko araw araw?" Tanong ko na nagtataka. Ng may maisip napatakip ako ng bibig ko. "Wag niyong sabihin ma'am na sinisilipan niya ako. Saka bat hindi ba siya nalabas ng kwarto niya lumpo ba siya? Bakit hindi na ba siya makagalaw paralisado ba siya mam? O Kaya pangit siya kaya takot siya sa tao" Sunod sunod ang tanong ko Tawa naman siya ng tawa. Kaya napatingin ako sa kanya. Nagtataka ako bat tawa siya ng tawa e wala namang nakakatawa sa mga sinabi ko. "Haay, naku iha natatawa ako sayo ang dami mong naiisip kay Manuel. Hindi paralisado si Manuel ang lakas lakas niya at hindi rin siya matanda hindi kayo nagkakalayo ng idad at kaya naman niya nakikita ka dahil araw araw tinitingnan niya ang CCTV at hindi dahil sinisilipan ka niya." Tawa parin ng tawa na sabi nito. At nagulat ako sa sinabi niya. Namula ang mukha ko sa hiya. Kung ano ano kasi ang iniisip ko. "Siguro ang pangit niya kaya takot siyang magpakita sa tao. Wag siya kamong magalala hindi naman ako matatakot sa kanya." Sabi ko na hindi parin sumusoko at tinaas pababa pa ng paulit ulit ang kilay ko. Natawa lalo si ma'am Rose. "Hay naku kang bata ka kung ano ano ang pingsasabi mo diyan. Hayaan mo at sasabihin ko na kay Manuel na mag pakita na sayo. Busy kasi siya nitong nakaraan kaya hindi ka niya napag tutuunan. Kaya inuutos na lang niya sa akin ang dapat na siya ang gumagawa." Sabi nito sa akin kinabahan naman ako sa sinabi niya na magpapakita na sa akin ang pamangkin niya. Pano kung manyakis pala yun O kaya gwapo nga pero sinto sinto naman pala. Hindi tuloy ako nakatulog pagdting ng gabi sa kakaisip sa itsura nung Manuel at kung anong klaseng tao ito. Pero nagtataka ako kung bakit pinamili niya ako ng mga gamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD