Chapter 3- Stranger

2213 Words
Kryne Ruby POV* Napaupo ako at kinusot kusot ang mata ko at nang maidilat ko iyon natigilan ako dahil nasa isang di pamilyar na kwarto ako. "N-Nasaan ako?" Luminga linga pa ako at agad napatingin sa damit ko and thank god yun pa din. Dahan dahan akong bumaba sa higaan nang biglang may nagsalita. "What are you doing?" "Ay unggoy!" gulat kong sabi at napatingin ako sa gilid na nakaupo sa sofa. Siya yung huling kasama ko bago ako makatulog. Nakahinga ako ng maluwag mabuti walang nangyaring masama sa akin. "You really truly trust me, huh?" sabi niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit ayaw mo?" "Ganyan ka ba sa lahat ng nakikilala mo lang?" tanong niya pa at bumalik na naman ang malamig na mukha niya. "Hmm... Na ano?" Di ko ma alam kung ano ang ibig sabihin niya. "Nothing. Kumain ka na tapos umuwi ka na sa inyo." At tumayo na agad siya at pinigilan ko siyang tumayo. "Why?" "Nasaan tayo? Malay ko ba kung saan mo ko dinala baka iiwan mo ko pero di ko alam kung nasaan tayo. Kakadating ko lang kahapon dito at matagal na akong di nakapasyal sa lugar na ito." Agad na sabi ko at walang emosyong tiningnan niya ako. "A tourist?" Tourist ba kami dito? "Uhmm... Dito nakatira ang mga Grandparents ko pero sa Italy talaga kami nakatira." Napabuntong hininga siya at bumalik sa pag upo sa sofa at umupo din ako sa sofa at ngumiti ako sa kanya bago nilantakan ang pagkain. "Who's with you yesterday? I'm sure they're worried." Natigilan ako sa pagkain nang maalala ko ang pamilya ko at nanlalaking mata na tiningnan siya. "Patay baka hinahanap ako ni Justine!" nagpapanik na sabi ko. My God! Ibang mag aalala ang kapatid kong iyon! "Where do you live?" tanong na lang niya at parang naiinis na o ano. Problema ng lalaking ito sa akin? Parang may dalawa eh. Pero malaking estorbo na ako sa kanya at nakakahiya naman. Nasauli naman niya ang necklace ko pero di ko pa din siya nilubayan. Estranghero siya at baka may mga gagawin pa. "Uhmm... K-Kaya ko na palang umuwi naalala ko na ang daan." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa pagkaing kinakain ko kanina. Di siya nagsalita kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko na nakakunot ang noo niya. "You're lying." "Ha? H-Hindi! Talaga alam ko na ang daan. Tumayo ka na baka may mga gagawin ka pa. At bayaran mo muna ang kwarto na toh ha. Don't worry babayaran kita once magkita tayo ulit." Hinila ko siya patayo at itinulak palabas ng kwarto. "Pagkatapos kong kumain ay uuwi na ako. Salamat sa mga itinulong mo sa akin," sabi ko at agad siniraduhan ng pinto at napabuntong hininga ako. At umupo sa sofa at napatingin sa telepono. May telepono nga pero wala naman akong namemorize na numero nila. Binuksan ko ang bintana at natulala ako dahil ang laki ba naman ng England nang mapansin ko na maraming pulis ang umiikot dahil rinig ko ang siren ng sasakyan. Tama! Pulis! Magtatanong ako sa pulis! Lumabas ako ng kwarto at agad bumaba at nang makalabas ako ng hotel ay hinahanap ko ang mga pulis pero wala. Nasaan na ba sila? Naglakad lakad ako pero di ko talaga makita ang mansion namin. Bakit nakalimutan ko na ang daan? Kung nandito lang ang Baby ko di na ako maglakad ng ganito kalayo. Biglang may huminto na sasakyan sa tapat ko at magara ito at bumaba naman ang salamin at nakita ko ulit yung estranghero. "O-Oi! Ikaw ulit." "Hop in." Natigilan ako sa sinabi niya. Teka pinapasakay niya ba ako? "Ha?" "Pasok, ihahatid kita kung saan ka man nakatira." Natulala ako. Ito na ba ang guardian angel ng buhay ko? Agad akong pumasok sa sasakyan niya at hinawakan siya sa kamay. "My Guardian Angel!" Sabi ko sa kanya na kinagulat niya at napansin ko din na nakatingin ang driver at yung isang lalaki sa amin. "Hello." Binati ko yung dalawa at sabay ngiti. Napapansin ko na nakatingin sila sa kamay ko na nakahawak sa kamay ni Guardian Angel. "Ehem.." tikhim ni Guardian Angel na agad kinatingin ulit nila sa daan. Mabuti di pa tumatakbo ang sasakyan. "Ganyan ka ba talaga sa mga kakilala mo lang? Di ka ba nag aalala kung mapa ano ka? Baka kung ano ang mangyari sayo?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Ayaw ba niya sa ginagawa ko? Ganito ba talaga ang mga tao dito? Natahimik ako at parang nahihiya ako dahil may dalawang lalaki ang nakakarinig. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Grandma sa akin na gumalaw ako na parang noble lady dito sa England. Ibang iba sa Italya ang England dahil doon walang malisya pero dito sa England puro galang ang dapat gawin dito na para kang Prinsesa o noble lady. Tumikhim ako at tumingin kay Guardian Angel at dahan dahan na binawi ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. "I'm sorry, I disturb your privacy. Don't worry I will pay your kindness to me when I see you again in the future," magalang na pagkasabi ko. At binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at lumabas na ako at ngumiti ako sandali bago ako lumakad ulit. Masakit na ang paa ko sa kalalakad kanina pa at di na ako magtataka kung may sugat na ito ngayon. Pero baka malapit na ang bahay nila Grandpa at Grandma dito. "H-Hey..." Biglang may pumigil sa kamay ko at napatingin ako sa kanya at naka face mask ulit siya at naka cap. "I didn't intent to hurt your feeli---" "It's okey. I understand." Binawi ko ang kamay ko sa kanya at ngumiti. "I need to go." Lumakad ulit ako nang isang iglap nagulat ako nang bigla niya akong binuhat na kinalaki ng mga mata ko. Pero yung buhat na parang pangkasal na kinakapit ko sa leeg niya baka ibagsak niya ako. "H-Hey, put me down," sabi ko pero ipinasok niya ulit ako sa sasakyan. "Where do you live?" Lumayo ako sa kanya na parang dikit na ako sa pintuan ng kotse baka magalit na naman siya sa akin. "No need na. Kaya ko namang umuwi," agad na sabi ko sa kanya na kinakunot ng noo niya. Agad akong napaiwas ng tingin. "Ibaba mo na lang ako sa harapan ng Royalstone Residence," mahinang bulong ko sa kanya. Naramdaman ko na lang na pinatakbo na ang sasakyan at nakatingin lang ako sa labas. Gusto kong magsalita pero baka magalit na naman siya. Tahimik lang kami nang makita ko na ang bubong ng mansion namin. "Dito na ako." Agad namang huminto ang sasakyan. Napansin ko sa harapan ng mansion namin na maraming reporters at police. Baka pinahahanap na nila ako. "Salamat pala. Thank you for taking care of me," sabi ko sa kanya sabay yuko at nakatingin lang siya sa akin at lalabas sana ako nang hinila ulit niya ako papasok na kinatingin ko sa kanya. "Wait here for a while." Nagtataka akong tumingin sa kanya at inilabas niya ang cellphone niya at may tinawagan. "Evict all the reporters and police at the Royalstone mansion," utos nito sa cellphone niya na kinalaki ng mata ko. Teka mataas ba ang ranggo ng taong ito? Kasali ba ito sa Royal Family? Agad binaba nito ang cellphone niya at tumingin sa gate ng mansion namin. At wala pang minuto ay nakaalis na ang lahat at wala nang tao sa labas ng mansion. "Woah! Ang galing! Teka paano mo yun nautos? Mataas ba ranggo mo?" "A count." "Woah! Count! Teka anong pangalan mo?" masayang sabi ko nang matigilan ako kaya napaayos ako ng upo. "Just call me Dio." "Count Dio, nice to meet you. I'm Kryne," nakangiting sabi ko at lalabas sana nang hatakin na naman niya ako at magrereklamo ulit sana ako nang may ipinatong na coat sa balikat ko at yun yung coat na sinuot ko kahapon. "You can go." Tiningnan niya ako sa mga mata ko at ngumiti na lang ako at tumango. Agad akong nagpaalam at agad lumakad papunta sa mansion nang sa gate pa lang biglang lumabas si Justine at mukhang nagmamadali. Nagulat siya nang makita ako at agad niya akong niyakap. "Kryne! Is that really you?!" Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko habang tinatanong iyon. "Of course. It's me." Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko din siya pabalik. "Let's go inside nag aalala silang lahat sayo." Inalalayan niya akong pumasok. Bago ako pumasok napatingin ako sa sasakyan ni Dio pero wala na doon. Sana magkita pa kami. Isasauli ko pa ang Coat niya. Nakahiga ako ngayon sa higaan ko. Nakita ko nga kanina grabe ang pag aalala nila baka ano na ang nangyari sa akin. Ang sabi ko na lang nawala ako at wala na. Yun lang wala na akong sinabi na iba. Biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Justine. Umupo ako sa higaan at binuka ko ang dalawang kamay ko para magpayakap sa kanya. At lumapit naman siya at niyakap din niya ako. "I'm so worried about you, Kryne. I hope you won't do it," sabi niya. Tumango ako at tumingin sa kanya. "Justine, ibang iba talaga dito kesa sa Italy noh?" "Why did you say that? May nangyari ba?" Umiling ako at tumingin sa kanya. "Ibang iba ito sa nakasanayan natin." Yun na lang ang sinabi ko. Ayokong malaman niya ang nangyari sa akin at nakakilala ako ng isang tao na tulad ni Dio. Napabuntong hininga siya at pinat ako sa ulo. "It's not the same. Yan ang parating sinasabi ni Grandma sa atin." Tumango tango ako pero ibang iba pa din. Fake news ang sinabi ng Grandma namin. Napamulat ako nang may gumising sa akin at katulong lang pala. "Young Lady, Good Morning," bati nito sa akin at tumango lang ako habang nakapikit pa. Biglang may kumatok na agad namang binuksan ng katulong. "Ate Kryne! Oh my bakit di ka pa bihis? Diba mag tetea party tayo ngayon." Nakita ko si Stephanie na gulat na makita ako pero mas nagulat ako sa sinabi niya. Parang sa sinasabi niya may mga kasama kami. "May kasama tayo?" "Yup! My Mom said gusto kang makilala ng mga friends ko and also nandodoon din ang Fiancee ng Prince." Natigilan ako at walang daladalawang isip na agad tumayo at dumiretso sa banyo. "Hintayin mo na lang ako sa labas, Stephanie. Madali lang ito makakabihis na agad ako." Kailangan kong makilala ang babaeng mapapakasalan ng Prinsipe. Mukhang pinagbigyan ako ng tadhana ngayon na magkatagpo kami. At may makikilala din akong mga ladies na anak ng mga mayayamang angkan. Neat talaga at mala majestic na galawan dito. Lumabas ako at nakasout ako ng pink dress at sandals with hat pa yun. Yun ang dressing nila dito at masasabayan din ng gloves. "Oh my you're so pretty, Ate Kryne." Manghang sabi ni Steph nang matapos na akong magbihis. "You too." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Okay, let's go, Ate Kryne." At hinawakan niya ang braso ko at sabay na kaming lumabas. "Oh, my you're so beautiful, Apo." Grandma said at niyakap ako. "Thank you, Grandma. May tea party po kami sa labas." "Yeah, I already know that. Sinabi na ni Stephanie sa akin kahapon." "Grandma, we need to go nandodoon na sila sa labas. Excited ko na ipakilala si Ate Kryne sa kanila." Excited na sabi ni Stephanie. "Stephanie, be a noble lady." Napatayo ng matuwid si Stephanie. Para pa talaga siyang bata. "Grandma is right, be a noble lady." "Ganyan ka ba talaga sa mga kakilala mo lang? Di ka ba nag aalala kung mapa ano ka?" Naalala ko ulit ang sinabi ni Count Dio. Napabuntong hininga na lang ako. Naglakad kami ni Stephanie papunta sa labas. "Doon sa Italy, Ate. Wala bang ganito doon?" Napatingin ako sa kanya. "Meron naman pero ibang iba ang doon kesa dito dahil doon normal lang na yumakap sa mga kaibigan mo sa France nga normal nga na halikan ka sa labi bilang friend." Nanlaki ang mga mata niya at napatakip sa bibig. "Woah! Really? May ganun?" Tumango ako pero di ko pa nasubukan iyon. Beso beso lang talaga doon. "Mabuti ka pa sanay ka na dito at doon. Sa galaw mo pa nga noble na noble na." "Hindi... Hindi pa ako sanay," sabi ko nalang. Hanggang makalabas na kami at nakita namin sa may green house ang mga Ladies na naka dress din at ang yayaman ng mga galawan nila. Nang makita ko ang isang pamilyar na babae na may Asul na dress. Flashback... Nakatingin ako sa Mahal na Prinsipe na nilalapitan ni Lady Hanny. Parati niyang kinakausap ang Prinsipe pero di naman sumasagot ang malamig na Prinsipe sa kanya. Hanggang makita iyon ng mga magulang nila na parang close daw sila kaya napagdesisyonan na sila ang ipakasal sa hinaharap. End of Flashback... "Oh, they're here," sabi nung isang Lady. Ngumiti ako at tumingin sa kanila. "Good Morning, Ladies. I'm Kryne Ruby Swift. Nice to meet you." Yumuko ako sa kanila bilang galang. "It's also nice to meet you again, Lady Kryne. I'm sure you remember me." Ngumiti ako dahil di ko siya kailanman makakalimutan. "I will not forget your face, Lady Hanny." Ngumiti naman siya sa akin. Marami nang nalinlang sa ngiting iyon. Ngiting inosente pero may tinatagong baho. "I'm happy to hear that, Lady Kryne." ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD