Chapter 2- Stranger

2077 Words
Kryne Ruby POV* Di ko makita ang mukha ni Prince Claudius sa internet dahil naka private ang lahat ng tungkol sa kanya. Ang tanging naaalala ko lang ay ang mukha niya nung pagkabata pa namin at wala ng iba. Sumandal ako sa sandalan sa Private airplane namin papunta sa England at sabado ngayon at sa susunod na friday pa ang kaarawan ng Prinsipe at napaaga kami dahil may aasikasuhin din ang mga magulang namin dito. Sumandal ako sa balikat ng kakambal ko at niyakap ang braso niya. Gusto ko kasi yung may niyayakap at sanay na ang kapatid ko sa ginagawa ko. Isinandal din niya ang ulo niya sa ulo ko at tinapiktapik ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. "Kryne, Justine, we're here." Napatingin ako sa tumawag sa akin at sina Dad and Mom iyon. Kinusot kusot ko ang mata ko at tiningnan sila Dad and Mom at tumingin din ako sa labas ng bintana at nandito na nga kami sa England. Kumuha si Justine ng tubig at binigay sa akin at nakangiti naman akong tinanggap iyon. "Thank you." Inayos ko na ang sarili ko bago tumayo. At pagkalabas namin may tatlong magandang sasakyan ang bumungad sa amin. "Sweethearts!" masayang tawag ni Grandma. Siya ang Mama ni Mom at kasama niya si Grandpa. Lumapit agad ito sa amin at nagbeso beso kami at ganun din ang ginawa kay Justine. "Thank God at dumating kayo ng ligtas," nag aalalang ani ni Grandpa habang nakayakap sa ako sa kanya. "Let's go to the mansion. I'm sure you're all tired." Tumango ulit kami dahil sa sinabi ni Grandpa. "Okey, let's go." Napatingin ako kay Dad na inalalayan si Mom. Naalala ko tuloy nung sinabi ko sa kanya last week. Flashback... "I want to marry, Prince Claudius, Dad." "But, it's imposible, Princess. May nakatadhana na sa kanya at eengage na silang dalawa." Nalungkot naman ako sa sinabi ni Dad. Wala na ba talagang pag asa? "I understand, Dad." "I'm sorry, Princess. Wala akong magagawa. At yun ang desisyon ng mga magulang niya bago sila pumanaw. Pero nakadepende iyon sa Prinsipe kung sino talaga ang papakasalan niya at malalaman lang natin yan pagkatapos ng birthday niya." "I feel sad to him. Maaga siyang nawalan ng mga magulang sa bata pa nitong edad." "He can handle it. Mag 18 taong gulang na siya at kaya na niyang mamuno ng kaharian." Tumango na lang ako sa sinabi ni Dad. End of flashback... Nakarating kami sa mansion at napapabuntong hininga na lang ako habang bumaba habang iniisip na wala na talaga akong pag asa sa Prinsipeng patago kong minamahal noon. Biglang inilahad ni Justine ang kamay niya at hinawakan ko naman iyon. "Any problem?" "H-Huh? Nothing. I'm okey," sabi ko na lang at ngumiti pero di pa din nagbago ang reaksyon niya. I know nababasa niya ako na di ako okey. Pero di na niya ako tinanong at pumasok na kami sa mansion kasabay sila. Nakita namin sa loob ang mga Tito namin at ang mga anak nila. Sina Tito Jacob at kasama ang anak niyang lalaki na si Harry at si Tito Jace na kasama din niya ang anak niyang sina Oliver at Stephanie. Niyakap kami nila Tito at mga pinsan namin. "Mga pamangkin," nakangiting sabi ni Tito Jace. Ngumiti ako at agad yumakap sa mga Tito ko at ang kambal ko naman ay hindi nanaman nakikisali. "Mabuti di nagbago ang Jasmine namin para pa din siyang Baby." "I'm always a baby in this family, Tito Jace." "Ate Jasmine, I'm the eldest so I'm the baby here," nakapout na sabi ni Stephanie. Napangiti naman ako at niyakap siya. "Of course, you're our true baby in this family." "Thank you, Ate!" "So ipasyal niyo muna ang mga pinsan niyo." Napatingin kaming lahat kay Grandpa dahil sa sinabi niya sa mga Pinsan namin na kina Kuya Oliver and Kuya Harry. "Yes, Grandpa." "What about me?" Napatingin kaming lahat sa nakasimangot na si Stephanie. "You have classess, right?" sabi ni Tito Jace na mas lalo niyang kinapout. "Dad, wala bang exempted?" "Wala, ako ang mapapagalitan ng Mommy mo pag di ka nag aral." Lumapit ako kay Stephanie at hinawakan siya sa kamay. "Don't worry, bukas sa free time mo tayo na naman ang magkasama." "Really, Ate! Okey!" Napangiti naman sila at napatingin kami sa mga magulang namin at tumango sila at umalis na kami at kasama ko ang dalawang pinsan ko at si Kambal. "Marami nang nagbago dito sa England." "Hmm, 6 years din kayong hindi nakabisita dito." Napatango kami sa sinabi ni Kuya Oliver. "We're busy," sabi ni Justine. Tama ang sinabi niya dahil nag aaral pa kami at namamalakad din ng Mafia Empire sa Italya. "We know that. Mukhang di niyo naman kami na miss eh." Napatingin kami ni Kambal kay Kuya Oliver at napangiti naman ako. "Namiss namin kayo. Kayo kaya ang pinaka gwapong mga Pinsan ko." "Yan ang gusto namin sa Princess namin eh," sabi ni Kuya Oliver na kinangiti ko at natawa na lang din si Kuya Harry. "Let's go, kain muna tayo ng cake," aya ko sa kanila. Agad kaming pumasok sa isang sikat na restaurant at naglalaway ako sa mga cake na nandodoon. Favorite ko kasi ang cake at kahit anong flavor ay gusto ko. "You can choose whatever you want." Napakagat ako sa labi dahil sa sinabi ni Kuya Harry. Nakakahiya naman kung lahat ang pipiliin ko. Kailangan princess be like tayo. "Ito na lang mocha akin, Kuya." "Dark chocolate cake." "Okey." At yun din ang sinabi ni Kuya Oliver sa tindera at napapansin ko na may gusto atah ang tindera sa mga Pinsan ko. Lumakad na kami papunta sa pinakadulong mesa at umupo kami doon nang maramdaman ko na gusto kong mag banyo. "Banyo muna ako," sabi ko at tumango naman sila at lumakad na ako. Nang napapansin ko ang mga paningin ng mga lalaki sa akin. Ayan na naman sila pero di ko sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang mapunta ako sa restroom at banyo at naghugas ako ng kamay bago lumabas nang may napansin akong kakaibang lalaki na parang balot na balot. I mean naka cap, sunglasses at mask pa siya at bigla siyang tumakbo at nabangga niya ako at nanlaki ang mga mata ko nang nasagi sa balikat niya ang kwintas ko na bigay ni Mom. "Hey!" sigaw ko at agad tumakbo para habulin siya. Importante ang kwintas na iyon dahil yun ang birth necklace ko matagal nang nasa akin iyon simula nung ipinanganak ako. Mabilis pa din akong tumakbo hanggang sa pumasok siya sa isang maliit na daan at mas binilis ko ang takbo ko at agad sinakyan siya na kinatumba namin pareho. At ang mukha ko ay nasa leeg na niya at agad kong inilayo ang mukha ko sa kanya at masama siyang tiningnan. "Give me back my necklace!" sabi ko at kinuwelyuhan siya. At may luha na sa mga mata ko akala ko di ko na makikita ang kwintas ko. "What do you mean, Miss? Hey stop crying," sabi niya. "My necklace!" Hinawakan ko iyon na nasa braso niya na nakasabit pa din. Paano ba ito tatanggalin! "How... Wait! Please get off of me." Nang mapansin ko ang pwesto namin ay nakaupo ako sa tyan niya na kinapula ng mukha ko nang maalala na baka tumakbo nanaman siya kung aalis ako. "No!" "Hey, Miss. How could I get this necklace of yours if your..." Agad na akong umalis sa pagkakasakay sa kanya. "Fine! Give my necklace." Naiinis siyang tumayo at napansin ko na naalis ang sombrero at sunglassess niya. Gwapo siya kahit yun lang ang nakikita ko. "Here." Inilahad niya na agad ko namang kinuha ang kwintas ko at agad iyong niyakap. "Tsk. Stop following me," sabi niya nang matigilan ako dahil di ko alam kung nasaan kami. Agad akong napakapit sa damit niya. "Where are we?" tanong ko sa kanya. "Huh?" Tiningnan din niya ang paligid nang matigilan din siya at yun ang nababasa ko sa mukha niya. "Don't tell me you didn't know also where we are?" Tiningnan niya ako at napabuntong hininga. At lalakad sana nang biglang sumakit ang paa ko. Di ko alam na natapilok atah ako kanina pagbagsak namin. "W-Wait... Mister," sabi ko at mabuti naalalayan niya ako bago ako matumba. Ang timing naman masyado. Ngayon pa talaga nangyari sa akin ito? Baka nag aalala na ang ang mga pinsan at kambal ko sa akin. Napatingin ako sa langit magdidilim na. Nagulat ako nang buhatin niya ako na kinakapit ko sa leeg niya. Mukhang di naman siya masama at ang ganda ng mga mata niya. Pero naalala ko sila Kambal at mga Kuya ko. "Nako naman lagot ako nito," sabi ko nalang. "You can speak tagalog?" tanong nito na kinatingin ko sa kanya at agad tumango. Pinoy din ba siya? Mukhang di naman siya Pinoy ang foreigner nga ng mukha niya. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan. "Track my location and find me," sabi nito sa cellphone bago ito binaba. Sana all may nagtatrack sa kanya eh ako baka nag aalala na sila sa akin. Iniwan ko sa mesa ang bago ko na may lamang pera at cellphone. Naglalakad kami hanggang sa biglang umulan kaya agad kaming nakisilong sa gilid. "Put me down. I can handle myself." Di naman siya sumunod na kinakunot ng noo ko. "Hey, Mister..." Tiningnan niya ako at ang ganda ng mga mata niya. Bughaw ito na parang dagat sa ganda. "Beautiful..." nakatulalang sabi ko sa kanya na kikunot ng noo niya. "What?" "Sabi ko maganda ang mata mo binge. Sayang gwapo ka pa naman sana pero binge lang." Sabi ko alam ko naman na di niya maintindihan kaya agad akong umiwas ng tingin. "Really?" Agad akong napatingin sa kanya. "I can understand that language." Namula na ako dahil sa hiya. Waaa akala ko di siya marunong! "I was joking. Ibaba mo nga ako." Walang tanong na binaba naman niya ako pero agad pinaupo sa may bench at umupo din siya. "You're not scared at me?" Tanong niya na agad kong kinatingin sa kanya. "Hindi. Ano naman ang nakakatakot sayo?" sabi ko na lang. Sanay na kasi ako sa mga cold ang mukha eh sinong hindi masasanay puro mga nakakasama ko ganyan ang awra. "What if I do something to you?" seryosong pagkasabi niya. "Try it baka mabalian kita ng kamay." Bigla siyang natawa at yung tawa niya ay parang kiniliti na ewan. Problema ng lalaking ito? "Abnormal ka ba?" Natahimik naman siya at tumikhim. Nagdekwarto ako at minasahe ang paa ko. Parang na tapilok atah ako. "I can handle that," sabi niya na kinatingin ko sa kanya. "Kaya mo?" Tumango naman siya kaya siya na ang nagmasahe at isang tunog na kinagulat ko ay nawala bigla ang sakit. "Woah! How did you do that!" Manghang sabi ko na kinagulat niya. Dahil ang lapit ng mga mukha namin. "H-ha?" Nakita ko na napaiwas siya ng tingin. "I learned medical." Woah! "Kagaya ng Pinsan ko. Doctor ka?" tanong ko agad. Di siya sumagot at umiwas ng tingin. Problema ng lalaking toh? "Moody ka," sabi ko. Kanina kasi seryoso tapos tumatawa tapos ngayon seryoso na naman. Tiningnan niya ako sa mga mata ko. Sa paningin ko sa kanya nakakapagkatiwalaan naman siya. Namana ko sa Mom ko kung paano bumasa sa mga tao. "You trust me?" sabi niya bigla habang nakatingin sa mga mata ko. "Hmm... I trust you." Sabi ko sa kanya at nakita ko na nanlambot ang mukha niya. "You're like a kitten." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Anong Kitten? teka pusa! "Hey! Di ako pusa," sabi ko nang may hangin na dumaan na kina yakap ko sa sarili ko dahil sa lamig. Biglang hinubad niya ang coat na sout niya at ipinatong sa balikat ko na kinatingin niya. Ang gentleman niya. "Wag na baka ikaw naman ang lamigin," sabi ko sa kanya at di naman siya nagsalita. Napatingin ako sa damit niya na basa na din dahil maliit lang ang sinilungan namin. Napabuntong hininga na lang ako at hinubad ang coat na inilagay niya sa akin at inilagay ko sa balikat niya at magrereact sana siya nang niyakap ko siya. Ayan wala nang malamig. May body heat pang nangyayari. (Caution: mahilig sa yakap ang bidang babae natin kaya masanay na kayo.) "M-Miss..." Di ko na siya sinagot dahil nakaramdam ako ng antok dahil di pa ako nakapagpahinga galing sa travel hanggang sa makatulog na ako sa kanya habang nakayakap sa kanya. ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD