Chapter 4- Birthday Party

2095 Words
Kryne POV* Nakatingin ako kay Hanny na di nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "You know Ladies we're so lucky to have a tea party with Lady Hanny," sabi nung isang Lady. . Nahihiyang napatawa naman si Hanny at umagree naman ang iba. "Yeah, she will be our next Queen of this country." Kailangan talagang maganda ang status ni Hanny sa kanila dahil siya talaga ang next to the throne. "I'm flattered, don't be like that we're friends, right?" Nakatingin pa si Hanny sa akin nung sinabi niyang 'Right'. Matagal na talaga ang inis niya sa akin. Di ko alam kung ano na namang topak ang lumabas sa ulo niya. Kung barilin ko na lang kaya toh? I'm not joking about that thing. Ganito lang ako naka dress pero may mini g*n sa binti ko. In case of emergency. "Your maid is so lucky to have a mistress like you, Lady Hanny." "Yeah, she's lucky. I give her accessories and bla bla bla." Marami pa siyang sinabi pero di na ako nakikinig. "Lady Kryne, if you're interested you can be my maid in the future when I become the next Queen." Napakunot ang noo ko at kahit si Steph ay nagulat din sa sinabi ni Hanny at ang mga kababaihan naman dito ay parang wala lang parang Joke lang pagdating sa kanila ang sinabi ni Hanny. "Are you insulting me?" Natigilan sila at napatingin sa akin. At nakita ko na lang na gulat na gulat sila dahil sa awra ko o dahil sa malamig kong tingin. "I-I didn't mean that, Lady Kryne," sabi nito sa akin. "You mean that. It comes from your pretty mouth. Became your maid in the future? Are you insulted me and my Family?" Walang emosyong sabi ko at tumayo ako na kinatayo din nila at si Hanny ay agad natumba dahil sa panglalambot ng tuhod niya. "I-I'm sorry, Lady Kryne. I'm just joking." Lumapit ako sa kanya at umupo para magkapantay kami. "If it's a joke, well it's not funny at all." Titig na titig ako sa mga mata niya at nakita ko ang panginginig sa katawan niya. Alam ko na na maraming natatakot sa mga mata ko once magalit ako kaya pina experience ko lang sa kanya. "Kryne." Rinig kong tawag ni Justine kaya tumayo ako at tumingin sa kanya. "Justine." Lumapit ako at yumakap sa kanya. Di ko napansin kasama pala niya sina Kuya Oliver and Kuya Harry. "What happened? What's wrong?" Hinarap niya ang mukha ko sa kanya para mabasa niya kung ano ang nasa mukha ko. "I'm okey." Sabi ko sa kanya. Pero iba ang expression ang pinakita nila Justine at mga pinsan ko. Lumapit si Stephanie sa akin at nag aalalang nakatingin sa akin. "Ate..." Gusto nang maiyak ni Stephanie pero pinat ko siya sa ulo. Napatingin ako kay Hanny na inalalayan na pala ng mga kababaihan sa pag upo. Di makatingin si Hanny sa akin at nakatingin lang siya sa kamay niya. "Lady Hanny, I hope you will not do that again. Don't disappoint me or shall I say. Think before you talk," sabi ko at tinalikuran ko na sila at bumalik sa loob ng mansion. Ang ganda ng umaga ko sinira agad ng babaeng yun. "Ate Kryne." "Wag kang magpalinlang sa mga ngiting inosente dahil baka nahulog ka na sa patibong niya or should I say di mo alam ikaw na ang pinatamaan niya." Tumango ito at niyakap ako. "I heard what she said." Napatingin ako kay Justine. "Me too," sabi din ni Kuya Oliver. Nakalimutan ko na may abilities ang pamilya namin sa ngalan ng mga senses. Kagaya sa akin gamit ng paningin makikita ko kung sino ang mga nagsasabi ng totoo at nagsasabi ng hinding totoo, and then the hearing, makakarinig mahigit isang kilometrong layo also the smell and the touch and also the taste. Namana namin yan sa mga ninuno namin sabi ni Grandma sa side sa Mom ko. Kaarawan na nang Prinsipe at maraming tao ang nandidito. Nandidito lahat ang mga mayayamang tao at mukhang kilala atah lahat ng mga magulang ko at ganun din ang mga pinsan ko at mga Tito ko. Ngumiti lang kami sa mga kinakausap nila Mom and Dad nang biglang may isang lalaking may malakas na awra ang lumabas. Lumapit ito kina Dad and Mom. "Emperor William, It's so nice to see you," nakangiting sabi ni Dad. Pinsan ito ng Hari na napayapa na Ama ni Prince Claudius at mabait ito at tinupad nito ang hiling ng dating Hari na ang anak pa din nito ang gawing Crown Prince. Nababalitaan ko na may anak din siya pero di ito mahilig sa mga Royal gatherings pero sikat pagdating sa government problems at matalino din daw ito pero malamig nga lang. "Your Majesty, this our twins. Kryne and Justine." Pakilala sa amin ni Mom at nagbow naman kami sa kanya. "Nice to meet you, You're Majesty. I'm Kryne Ruby Swift." Sabi ko sabay bow sa kanya at yun din ang ginawa ng kapatid ko. "Also nice to meet you both. You're so cute when you are little." Nakangiting nakatingin sa aming dalawa. "Lalo na ikaw, Lady Kryne." Nagulat ako dahil nakakapagsalita siya ng Tagalog at medyo may pagka slang nga lang. "Thank you, Your Majesty," sabi ko sa kanya. "Good Evening to all of you." Lahat kami napatingin sa taas nang magsalita na ang host. "Let's around of applause the Royal Highness Crown Prince Claudius Windsor with his highness partner Hanny Stanley." Maraming nagpalakpakan at kasali na din ako doon. Ang Prinsipeng matagal ko nang gustong makita at kasama ang kanyang magiging Fiancee na si Hanny. Ganun pa din ang mukha niya at mas lalong gumwapo at makikita pa din doon ang malalamig nitong mga emosyon. "Thank you for coming in my birthday." Rinig ng lahat ang pasasalamat ni Prince Claudius sa lahat. Nakita ko na napatingin si Hanny sa akin at mas lalong niyakap pa ang braso ni Prince Claudius na kinakurot ng puso ko. Pero di ko iyon pinahalata at ngumiti sa kanila. Oras na para sumayaw ang dalawa at yun ang hinihintay ng mga taong nandidito na ang maisayaw ng Crown Prince ang kanyang mapapangasawa sa hinaharap. Lumabas ako at dumiretso sa may malaking garden at makikita din nito ang magandang fountain na may mga isda. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kalangitan. Dito ko na tatapusin ang nararamdaman ko sa kanya. Kumanta ako at ito lang ang nakakagaan ng loob ko at yun ay ang kumanta. Ayokong kumanta sa maraming tao kasi nahihiya ako na baka di nila magustuhan. At dahil sa pagkanta ko doon na gumagaan ang pakiramdam ko. Natigilan ako nang may pumalakpak at agad naman akong napatingin kung sino man ang taong iyon. At nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang lalaking iyon. "C-Count Dio." Teka anong ginagawa niya dito? Umayos ako ng tayo at nagbigay galang sa kanya sa pamamagitan ng pagyuko. "Good Evening, Count Dio," magalang na sabi ko. Di siya sumagot at nakatitig lang siya sa akin. "Ah eh kung dito ka tatambay aalis na ako. Pasensya na ulit na estorbo kita." Lumakad na sana ako nang biglang pinigilan niya ang kamay ko at isang iglap niyakap niya ako. "T-Teka, bitawan mo k---" "Shhh... It's okay, just cry." Nagulat ako sa sinabi niya. "I'm not c-crying..." Bigla na lang tumulo ang luha ko. Ang akala ko di na ako iiyak pero dahil sa lalaking ito umiiyak na naman ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Makalipas ang ilang minuto ay humiwalay na ako sa kanya at bigla naman niyang pinunasan ang luha ko. "C-Coun---" "Call me Dio, My Lady." "Uhmm... Alam mo namang di pwede yun," nahihiyang sabi ko. "When we're alone." Napansin ko na ibang iba siya nung huling kita ko sa kanya. Bigla niyang inilahad ang kamay niya. "May I have this dance," sabi niya na kinagulat ko at hinawakan ko na lang iyon at ang isang kamay niya ay nasa bewang ko at inilapit niya ako sa kanya. Mabuti natutunan ko kung paano sumayaw ng ganito. "I'm sorry." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Saan?" "I scold you---" "Nako ayos lang iyon. Tama ka naman di ko dapat ginawa iyon. Di ko na iyon uulitin sayo," sabi ko at umiwas ng tingin. "It's okey for me pero wag mong gawin sa ibang lalaki." Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. "Bakit naman?" Napakunot bigla ang noo niya. "Stranger." Yung lang ang sinabi niya pero gets ko naman. "Okay." Nakangiting sabi ko sa kanya. Huminto kami sa pagsasayaw nang may tumatawag sa akin sa malayo at mukhang boses iyon ni Kuya Oliver at Kuya Harry. "I think I need to go," sabi ko sa kanya at tumango naman siya at may biglang inilagay sa kamay ko at yun ay ang panyo niya. "See you again." Pagtingin ko ay wala na siya. "Eh?" "Kanina ka pa namin hinahanap, Kryne." Napatingin ako kina Kuya Oliver na nakalapit na pala sa akin. "Anong tinitingnan mo sa madilim na parte ng kakahuyan, Kryne?" Nagtataka ding tiningnan ni Kuya Harry ang kakahuyan. "Nothing. Nagpapahangin lang ako." "Ah, okey. By the way hinahanap ka din ni Justine at nandoon siya sa loob ng palasyo hinahanap ka." Napatango na lang ako sa sinabi ni Kuya Harry at itinago ko ang panyo sa bulsa ko. Dio POV* Nakatingin ako sa kanya sa malayo habang kausap niya ang mga pinsan niya. Napahawak ako sa puso ko at ngayon ko lang naramdaman na bumilis ang t***k ng puso ko habang nasa harapan ko siya. Kryne Ruby Swift ang kanyang pangalan at apo siya nina Mr. Royalstone. "Your Highness, you're not coming inside? His Majesty waiting for you," sabi ng right hand ko na si Jason. "I'm visiting Father later and also greet my cousin a Happy Birthday but first I need some air." "Okey, You're Highness." Nakayukong sabi ni Jason at agad siyang umalis. Napatingin ako sa kamay ko na hawak hawak kanina si Kryne. I feel a little electric in my hand when I touch her hand. Di ko mapigilang mapangiti habang iniimagine ang maganda niyang mukha. Nang maisip na baka may ibang lalaki na lalapit sa kanya di ko alam kung ano ang gagawin ko. Naalala ko kung gaano ka lungkot ang mukha niya kanina. Di ko inexpect na magkikita kami ngayon dito sa garden. Napabuntong hininga na lang ako. Baka pagod lang ako kaya ako nagkakaganito. Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa sala kung nasaan ngayon ang Royal Family nagtitipon tipon ang mga bisita ay nasa labas. "Son," sabi ng Ama ko. Yumuko ako at nagbigay galang sa Ama ko at napatingin ako sa pinsan ko. "Happy Birthday, Crown Prince Claudius," walang emosyong sabi ko. Napabuntong hininga na lang siya at ngumiti. "As usual my emotionless cousin. Thank you and you're doing that again you're not like the others, Duke Louie," natatawang sabi pa ni Claudius. "You know that's his normal expression," sbabi ng Ama ko pero di pa din nababago ang ekspresyon ko. Matagal na akong ganito simula nang pumanaw ang aking Ina. Di ko tanggap na kasali siya sa aksidenteng naganap kasama ang dating Hari at Reyna at ang tanging Ama ko lang ang nakaligtas sa pangyayaring yun. Napatingin ako sa Fiance ni Claudius na nakangiting nakatingin sa akin at pumupula pa ang pisngi nito. "Your Grace," nakayukong sabi nito. "You must be Lady Hanny," sabi ko sa kanya at parang nagliwanag ang mukha niya nang marinig niya ang pangalan niya. That woman I know her dahil nabalitaan ko din ang nangyari nung isang araw sa Tea party nila na ininsulto niya si Kryne. "I'm pleased to meet you, your Grace." Malamig na tingin lang ang binigay ko sa kanya. Binalik ko ang tingin ko kay Claudius. "I need to go." "So early." "I have a very important meeting tomorrow. I hope you understand, Prince Claudius." Nakita ko ang pagsuko niya sa pananatili sa akin dito. "I understand. I hope I can talk to you next week when you're not busy. I'll give you the invitation." Tumango na lang ako bago yumuko at tumingin ako sa Ama ko at yumuko din bago tumalikod sa kanila. I think nakauwi na siya. Tumingin ako sa mga tao at wala na nga sila doon kaya lumabas na ako at sasakay na sana ako ng kotse ko nang mapatingin ako sa isang sasakyan at mukhang sasakyan iyon nila Kryne at papaalis na. Pinasundan ko iyon hanggang sa makarating na sila sa kanila. "I hope you have a nice night, My Lady." ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD