Chapter 5- k********g

2223 Words
Kryne POV* Nakatulala ako habang nakatingin sa mga bulaklak dito sa hardin namin. Naalala ko ulit yung nangyari kagabi na nakatagpo ko si Count Dio tapos umiyak pa ako sa kanya at mabuti pinakalma niya ako at sinayaw sa magandang garden na yun sa palasyo. Napahawak ako sa puso ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko at mukhang nag iinit pa ang mukha ko nang maalala ang gwapo niyang mukha. Di ko aakalain na may ganung ekspresyon din pala siya at hindi siya cold nung nasa tabi niya ako kagabi. Ang pabango niyang nakakaaddict at di ko kailan man iyon nakakalimutan. Napatingin ako sa panyo niya na hawak hawak ako at inamoy iyon. Ang bango. Same ng pabango sa Jacket niya. Nakalimutan kong ibigay sa kanya. "Kanina pang tulala si Ate Kryne, nag aalala na ako sa kanya." Mahinang sabi ni Stephanie sa mga kasama namin pero rinig ko naman eh! "Kryne, just forget him." Nagtataka akong napatingin kay Justine. Teka anong ibig niyang sabihin? Sino ang kakalimuta ko? "Ha? Sino?" "The Prince." Nanlaki ang mga mata ko. Siya ba ang iniisip ko ngayon? Hindi naman diba? Hindi ko siya iniisip," agad na sabi ko sa kanila. "Ate..." Nakita ko ang pag aalala sa mga mukha nila at natawa naman ako. Pero sa totoo lang parang nawala na parang bula ang sakit na nararamdaman ko kahapon. Di kaya may gayuma ang lalaking iyon? Kailan ko kaya siya ulit makikita? "Mga Kuya malala na ang sakit ni Ate Kryne." Maiyak iyak na sabi ni Stephanie na kinakunot ng noo ko. "Kryne, don't be like that. We're worried," sabi ni Kuya Harry na mas lalo kong kinatawa. "Ang over acting niyo. Wala na akong nararamdaman sa Prinsipe. As in wala na erase na." Ang sarap sa pakiramdam na wala ng sakit at kurot sa puso ko. Ang weird lang? Ang iba nga ay 3 months pa daw pero akin ay wala pang 2 hours ay nakalimutan ko agad. Napangiti ako habang nakatingin sa panyo. "I think totoo ang sinasabi niya." Napatingin kaming lahat kay Justine. See ang kambal ko ay nababasa talaga ako. "As in? Ganun kadali? 12 hours, 34 minutes and 56 seconds palang ang nagdaan at wala na agad? Naka move on ka nang ganung kadali, Ate!" Nagulat ako dahil binilang talaga ni Stephanie iyon? Teka may ari ba ito ng orasan! "Yup." "Anong sekreto ko, Kryne?" Napatingin ako kay Kuya Oliver na di pa din makapaniwala. "Sekreto? Wala naman." "There's another guy you fall in love." Napatingin ulit kami kay Justine at ako naman nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Hala huli pero di kulong," natatawang ani ni Kuya Oliver. "Ha? As in? Kailan mo nakilala, Ate? Sa party ba kahapon?" "Nako hindi! Walang ibang lalaki. Ano ba kayo." Waaaa nakakahiya! Ang halata ko masyado! "Guilty?" nakangiting sabi ni Kuya Harry. "Wala nga." "Don't tease my Ate Kryne!" Nakapout na sabi ni Stephanie at niyakap ako. "Tara na nga Ate Kryne pasyal tayo sa labas." "Ehem." Agad kaming napatingin lahat sa likuran namin nang makita namin ang tutor ni Stephanie na may dalang stick. "Where do you think you are going, Young Lady Stephanie?" Napalunok ito at bigla na lang tumakbo palayo. "No!!" sigaw nito at natawa na lang kami. Napagpasyahan ko na ako na lang ang mamamasyal dahil busy din silang lahat. Naka cap ako at naka sunglasses baka may nakakilala sa akin dahil kahit di ako sikat dito ay kilala naman ang mga magulang ko at mga Grandparents dahil sila ang nangunguna sa Military dito. Balik tayo sa mga pinsan at kapatid ko. Si Kuya Oliver and Kuya Harry ay nag aaral din sila sa pamamalakad ng mga Imperial Guards at si Stephanie naman ay nag aaral din at si Justine naman ay nandoon sa library di pa din tumitigil sa pagka addict niya sa libro. At para din daw iyon sa future dahil siya ang Heir ng pamilya namin. Naglalakad ako at nakikita ko ang iba't ibang tourist spot dito sa England. Pero sa palagay ko maganda din naman sa Pinas. Matagal tagal na nung huling bisita ko Pinas mga 6 years old pa kami nun ni Justine. "Thief!" Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko na papunta dito sa kinatatayuan ko ang magnanakaw ng bag. At walang dala dalawang isip na mabilis kong hinarang ang bag ko na kinadapa niya at isang iglap lang nasa kamay ko na ang bag na ninakaw at gulat ang lalaki sa pangyayari. Akmang kukunin niya ang bag sa akin nang mabilis kong sinipa ang leeg niya na kinaresulta ng pagkawalan ng malay niya. I know the points kung saan patatamaan di basta basta iyon dahil kakailanganin ng matinding training. Lumapit ang may ari ng bag at ibinigay sa kanya. "Thank you, Young Lady." Umiiyak na sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako at umiling. "It's okay." Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang Imperial Guards para tugisin ang magnanakaw na nahuli ko at wala pang limang minuto ay nandidito na sila. "We can handle this situation, Young Lady," sabi nung isang Imperial Guard at mabuti nakikilala ako kahit ganito ang outfit ko. "Okey, take care of that." Humarap ako sa biktima at ngumiti sa kanya bago ako umalis. Nakarating ako sa isang malaking parke at agad kong inilabas ang cellphone ko para kunan ng litrato ang mga magagandang buildings at structures. Nagselfie pa ako nang biglang may tumabi sa akin at nasali siya sa pagseselfie ko at agad akong napatingin sa kanya at muntik nang magdikit ang mga labi namin mabuti agad akong napaatras pero di ko agad nabalance ang kinatatayuan ko at handa nang matumba nang agad niya akong nasalo. Nanlalaki ang mga mata ko nang magtagpo ang mga mata namin at nakita ko muli ang kanyang nakakaakit na itsura na kinabilis ng t***k ng puso ko. "C-Count Dio!" Nakita ko ang pagningning ng mga mata niya nang sabihin ko ang pangalan niya. Inayos niya ako sa pagtayo at agad naman akong napaatras at inayos ang damit kong nagusot. "I'm sorry napaka clumsy ko. Nakakagulat ka naman kasi." "I'm sorry to do that. Where are you going? Ikaw lang ang mag isa. Baka mawala ka na naman." Napakunot ang noo ko kailan pa naging matanungin sa personal life tung Count na toh? "Uhmm... Naghahanap ng lalaki?" Pagjojoke ko sa kanya na kinakunot ng noo niya. "What?" "Joke, hindi noh. Namamasyal lang ako eh ikaw bakit ka nandito? Sinusundan mo ko noh?" "What? I'm not." Umiwas siya ng tingin pero kita ko ang pamumula ng tenga niya. Oh? Anong akala niya di ako marunong magbasa ng ekspresyon? "May open ceremony sa isang Restaurant kaya ako nandidito." Tinuro niya ang isang restaurant na may mga bulaklak at open ceremony nga. "Ahh Okey! Bye! Maghahanap pa ako ng lalaki na maka date ko. Ang bored kasing mag isa. Baka may mahanap ako na pwede makalaro ng isang araw. Bye bye!" Tumalikod na ako dahil alam ko na pipigilan niya ako. "Are you really a Lady?" Tiningnan ko siya at ngumiti. "Hmmm... Oo naman babae namam talaga ako. Ano namang mali kung maghahanap ako ng lalaki eh single naman ako. Don't worry hahanap ako ng lalaking single din. Wala akong planong maging kabit noh." Dumilim atah ang ekspresyon niya at napabuntong hininga na lang ito habang nakatingin sa akin. "Samahan na lang kita baka mawala ka na naman dito," sabi niya na kinalaki ng mga mata ko. "Really? May tour guide na ako." Nakangiting ani ko sabay kapit sa braso niya. "I'm not your tour guide." "Ayan na naman yang malamig na ekspresyon mo eh! Ganito na lang ikaw muna Date ko ngayon pansamantala bago ako makahanap ng totoong date." "What..." Hinila ko na siya at di ko na siya pinasalita. "Nah! Ako muna ang kidnapper mo ngayon. Wag kang papalag biktima kita." Hinila ko pa din siya at napatingin ako sa isang bus kaya agad kaming sumakay doon. Di ko alam kung saan kami dadalhin ng bus na ito pero feeling ko dito lang naman ito sa England iikot diba? Umupo kami sa upuan dito sa second floor ng bus. Napatingin ako sa mga babae na grabe makatingin sa Date ko. "So handsome!" "Oh my!" Rinig ko ang mga babae sa gilid namin na kinakunot ng noo ko. Ka date ko toh ngayon eh! Hawak ko ngayon ang braso niya pero ngayon ang kamay ko nasa kamay niya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. At mukhang nakisali naman siya sa trip ko pero nagulat ako nang marinig ang mabilis na t***k ng puso niya. Napatingin ako sa dalawang matanda na sweet din sa kahulihan ng bus. "Count Dio, look at them sa tingin mo dadating din ba tayo sa ganyang edad at makakasama pa kaya natin ang mahal natin sa buhay," sabi ko habang nakatingin sa dalawang matanda. "I don't know." Napatingin ako sa kanya. "Di ka naman nakikisabay eh. Sa tingin ko wala ka pang nobya kasi bitter ka. Kung sabagay baka sa ibang tao tayo nakatadhana." "I don't have time for that." Napabuntong hininga na lang ako nang napatingin ako sa isang magandang lugar. Nanlumo ako dahil wala siyang time sa mga ganung bagay. Kumurot atah puso ko eh. "Hala! Ang ganda! Baba tayo, Dio!" Napabuntong hininga naman siya at may pinindot siya para huminto ang bus. Agad akong tumayo at inalalayan naman niya akong lumakad. "Ingat ka," sabi niya pero di ko iyon pinansin at hinawakan ko ang kamay niya para agad kaming makalabas. Hanggang sa makalabas na kami at tatakbo sana ako nang pigilan niya ako. "Don't run." Napapout naman ako at agad kinuha ang cellphone ko. Kumuha ako ng mga litrato. "Dio, kunan mo ko ng litrato." Binigay ko ang cellphone sa kanya. At todo pose naman ako kahit anong side at nagtalon talon akong lumapit sa kanya at tiningnan ang mga litrato sa cellphone ko. "Woah! Ang ganda! Ikaw naman!" Tinulak ko siya at nakikita ko na parang di niya alam kung ano ang gagawin niya. "Sige pose lang," sabi ko pero di man lang siya gumalaw pero kinukunan ko siya ng litrato. Bakit kahit wala siyang pose na ginagawa para siyang modelo? Bakit ang unfair? Pero I need more! "Dio, pose ka naman!" Pero di pa din siya gumalaw at lumakad lang papunta sa akin at kinuha ang cellphone ko at inakbayan niya ako at isang iglap kinunan niya ng litrato na nakatingin ako sa kanya at siya din nakatingin sa akin. Namula ang mukha ko at agad napa atras. "Uhmm... Kain muna tayo gutom na ako." Tumango naman siya at lumakad na ako at naghahanap kung saan kakain. Hanggang makakita kami ng restaurant at pumasok kami. "Good noon, Sire and Madame," bati nung waiter sa amin. Ngumiti naman ako at ang katabi ko same face pa din. Ano pa ba edi malamig! Lumakad kami at hinatid kung saan kami kakain. At agad kaming nag order. "Bakit mo naisipan na mamasyal mag isa?" tanong nito sa akin. "Kasi... Gusto kong libutin muna ang England bago kami ulit umuwi sa Italy." Nakita ko nagulat siya sa sinabi ko. "Kakailanganin din naming bumalik doon dahil may mga trabaho din kami doon na naiwan." Nakangiting sabi ko sa kanya. Pero aaminin ko mamimiss ko ang lalaking ito kahit pansamantala lang kaming nagkakilala. "Kailan ka babalik?" tanong niya bigla at di ko inexpect yun ha. Akala ko nga na sasabihin niya na sana di na ako babalik. "Di ba ako nakakaalis pababalikin mo na ako. Bakit mamimiss mo ako?" Di siya sumagot at sanay na ako doon. "Pero ako mamimiss kita. Ikaw pa kasi ang bagong naging kaibigan ko dito at sa ilang araw ko dito sa England mga 75% nun ay kasama kita." At napatingin na siya sa akin at nakikita ko "Kailan kayo aalis?" "I think sa susunod na araw. Bukas kasi magtetea party kami sa palasyo at kasama doon ang Crown Prince and his Fiance Lady Hanny." "Hmm.." "Sana nandoon ka din para di ako ma out of place doon. Ayoko kasing makipag plastikan kasi di din kasi humihinto tung bibig ko pag may marinig akong di kanais nais na marinig. Pero imposible naman na nandodoon ka ang busy mo kayang tao." Nakangiting sabi ko pero mas maganda kung nandoon siya para makita ko siya for the last time bago ako aalis. Isang iglap dumating na ang inorder namin. Nandito na kami sa labas ng Mansion kasi hapon na hinahanap na ako ng mga magulang ko kanina. "Uwi ka na. Don't worry. Abswelto ka na at tapos na ang araw sa pag kidnap ko sayo at nag enjoy ako." "I'm glad to hear that. See you again," sabi niya at tumalikod na. "See you. Take care!" Hinintay kong umalis siya bago ako pumasok sa loob nang nagulat ako dahil sa nakita. Nandidito ang lahat ng pamilya ko sa sala at nandidito din ang Crown Prince. "Greetings, Your Highness." Magalang na sabi ko sa kanya. Nakita ko na nakatulala sa akin ang Prinsipe at agad itong tumayo at lumapit sa akin at di ko inaasahan na ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon na kinapula ng mukha ko. Teka anong nangyari? "Nice to meet you again, My Lady Kryne," nakangiting sabi niya sa akin. Eh? Bakit parang iba ang nababasa ko sa mukha ni Prince Claudius! ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD